Neil's pov
( Flashback )
Nandito ako ngayon sa harap ng altar nahihintay sa taong mahal ko. Hindi ko lubos maisip na darating ang araw nato , araw na pinakahinhintay ko. Siya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.
Tumingin ako sa aking paligid at nakikita ko silang umiyak sa saya . Nagmakarating siya sa harap ko hindi ko nalang na malayang tumulo na pala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Tumunog na ang kampana hudyat na magsisimula na ang kasalan.
"Nandito kayo sa harap para maging isa habang buhay ,lalaki tinatanggap mo si Rein Dame maging kabiyak mo habang buhay sa hirap at ginhawa?"
Muli ko siyang pinagmasdan at sinabing "I do father " sabay ngiti.
"Ikaw babae tintanggap mo ba si Neil Agnus maging kabiyak mo habang buhay sa hirap at ginhawa?", napawi ang aking ngiti at napalitan ng pagtataka tumigin ako sa aking paligid at nakita ko rin kong paano nagtataka ang lahat kung bakit hindi pa siya sumasagot binaling ko ulit ang aking panigin at pinagmasdan ang kanyang mukha na parang ang lalim ng kanyang iniisip. Nagsalita ulit si father.
"Rein Dame tinatanggap mo ba si Neil Agnus maging kabiyak mo habang buhay sa hirap at ginhawa ?" tumingin naman si Rein kay father bago sumagot.
Kinakabahan ako kung ano ang magiging sagot niya
"I do" mararamadaman mo talagang hindi siya interisado sa kasalang ito, kaya nagpatuloy nalang si father .
Marami pasiyang sinasabi pero wala na akong marinig dahil maraming naging katanongan sa aking isipan."Neil Agnus and Rein Agnus I pronounce you husband and wife you may now kiss the bride" nalilito ako kung ano ang gagawin ko hahalikan ko ba siya sa labi baka kasi magalit siya kaya lumapit ako sa kanya at hinawi ang kanyang veil at hinalikan ko siya sa noo.
Nagsipagtayuan ang mga tao at nagsipalakpakan meron ring lumapit at sinabing "congratulations" at ngiti lang ang naging tugon ko .
(End of flashback )
Wahh natapos kuna ang chapter 1 😭😭 sorry po sa mga wrong grammar alam ko pong lame siya hahahah sana po subaybayan niyo ang love story nilang dalawa . 😍😍
YOU ARE READING
The Abandoned Husband
RomanceThis story may be a bit lame. It may contain childish at the same time, matured parts. Warning ito para sa mga taong hindi fan ng matured content. Pero hindi naman masyadong detailed ang bed scene. Support my story guys! ~Eyanara