ONE SHOT #1: I Like YouThis story is work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of my imagination. Hahaha! Any resemblance to actual events, places , or persons, living or dead, is entirely coincidental.
________
"WHAT? A new tutor? What the hell' Mom?! I don't need a new tutor. Okay na sakin si Mellisa." Nakakainis! Okay namang tutor si Mellisa ah? Bakit kailangan pang palitan?
"Your words Ximena! At sige nga, paano mo nasabing 'okay' na tutor si Mellisa huh? Ni hindi ka nga maturuan ng maayos dahil nakikipag-daldalan lang sayo."
"That's why I like her to be my tutor. Hindi niya ko pino'force na mag-aral."
"Yun na nga eh. Wala siyang silbi. Sayang lang yung pinambabayad sa kanya ng Daddy mo."
"Daddy? Wala akong Daddy! At kahit kailan, hindi ako magkakaroon nun." Naiiyak kong sigaw bago lumabas ng bahay.
Nakakainis. Ganito na lang palagi ang routine namin ni Mommy tuwing umaga bago ako pumasok. Palagi naming pinagtatalunan yung about sa mga nagiging tutor's ko at minsan naman dahil kay Daddy. Tss! Wala nga pala akong Daddy.
Nakakainis kasi ang 'Daddy' ko kuno. Lagi siyang nagagalit sakin tuwing mababa ang mga grades na nakukuha ko. Hindi ko daw sila tularan ni Mommy na 95 na grades ang pinaka mababa nilang nakukuha sa kahit anong subject man.
Psh. Sila yun eh. Hindi ako yun. Kasalanan ko bang mas biniyayaan ako ng panginoon ng kagandahan at talent? Psh.
Walking distance lang ang pagitan ng Horan Highschool sa bahay namin kaya sanay na kong lakarin to araw-araw.
Btw, Im Ximena Zara Calder. 17 year's old. 4th year highschool. Minsan na tritripan ko ring sumayaw at sumali sa mga intermission tuwing may mga activities or occassion's sa school namin. Ganyan ako ka active pag dating sa music, lalo na sa pag kanta. Pero sabi nga nila, nobody's perfect. Kung anong ikina ganda at ikana talented ko daw, ganun naman kahina ang utak ko.
Duh? Hindi naman ako bobo no. Sa katunayan nga niyan, wala akong nakukuhang grades na line of 7. Sige. Sabihin na rin natin na wala rin akong nakukuhang line of 9. Pinakamataas kong grades na palagi kong nakukuha is 85 sa english, sumunod naman ang science at MAPEH na 83. And the rest is 82. Maliban sa dalawang subject na sobrang nahihirapan talaga ako. Math and History. 80 palagi ang nakukuha kong grades sa dalawang subject na yan. Hindi ko alam pero kahit anong turo sakin ng mga teacher at ng mga naging tutor ko pero ganun pa rin, di pa rin umaangat ang grades ko sa dalawang subject na puno ng numero at hindi makapag move on. Totoo naman eh. Si Math laging hinahanap si "X". Si History naman laging bumabalik sa nakaraan. Tss.
"Hoy Ximena." Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at ganun na lang ang pag kunot ng noo ko ng mapag tanto ko kung sino siya.
"Oh? Makatawag ka sa pangalan ko kala mo close tayo." Masungit kong sabi sa kanya na ikinasama naman ng tingin niya sakin.
"Pinapasabi lang ni Sir Pevey na may practice daw kay--"
"Aha! Hanggang ngayon pa rin ba umaasa ka pa ring papatulan ka ni Sir Pevey kaya hanggang ngayon lapit ka pa rin ng lapit sa kanya? Gosh Ria. Move on na kay Sir. Wala kang pag-asa 'dun." Sumama na naman ang tingin niya sakin saka mangiyak-ngiyak na tumakbo palayo sa direksyon ko.
"Hoy Gaga! Nakita ko yun ah." Ngumiti naman ako ng makita ko ang nag-iisang tao na tanging siya lamang ata ang kakampi ko sa buhay ko.
"Inano ko ba?" Pasaring kong tanong sa kanya na ikina-iling niya naman.