Chapter 51

26 0 0
                                    

Lei's POV

Agad akong bumalik sa kwarto at ginising si Kurt. 

"Magtatrabaho na ba?"

"Shh, wag ka maingay"

"Bakit ba?" sabi nya at nagpaplanong bumalik sa pagtulog.

"Alam ko na kung nasan si mommy"

"Hmm sige" O_O YUN NA YUN? AY SHET! NALIMUTAN KONG SLOW PALA 'TO!!!

"Sabi ko, alam ko na kung nasan si Mommy"

"HA? TALAGA? TARA NA?" Binatukan ko nga. Siraulo eh. Hahaha

"Mahahalata tayo. After 1 week naman"

At pinabalik ko na syang matulog. 

Bakit 1 week? Para masiguro kong si mommy nga yun. At hindi ko alam kung san ang resthouse nila. 

Pero isa lang ang naiisip kong paraan para malaman yun. Si Kevin. Pero pano kung kakampi sya ng daddy nya? Pano kung gusto din nyang parusahan si mommy? Pano na? Pero hindi ko malalaman kung hindi ko itatanong. Pero dapat masiguro kong nasa labas kami pag nangyari yun. 

--

After 2 days ay nagpaalam kami kay Ate Nida na may kailangan kaming bilin. At dala namin ang mga backpack namin may lamang kaunting damit lang. Buti na lang pumayag si Ate Nida. Kaya nakapagdesisyon kaming umuwi na lang sa bahay. Minsan nga narinig kong may kausap sa phone si Bob

*Flashback*

Napadaan ako sa kwarto nya nun at narining kong sumigaw sya 

"Pakainin nyo yan. Hindi yan pwedeng mamatay ng basta basta. Mawawalan ako ng panlaban sa mga anak nya"

*End of flashback*

Nang marinig ko yun ay agad akong umalis dahil kinabahan ako. 

Nang makarating kami sa bahay ay agad din kaming umalis dahil sa nakita naming nakapark na ang sasakyan nila Tito Mar sa labas ng bahay kaya nagpahatid na lang kami sa ibang lugar. Madali lang naman makahanap ng apartment dito sa Manila. Masyadong mahal pag hotel. Kahit naman unlimited ang pera namin kailangan magtipid. Hindi pwede sa hotel. Nanghihingi ng ID dun eh :( Atleast pag apartment mapapakiusapan pa.

Nang makahanap kami ng apartment nagbayad na agad kami ng 5K para no say na si Landlady. House  nga lang ang binabayaran. Exclusive pa kasi dun ang water at electricity. 

Shet! Pano ko nga pala makakausap si Kevin? Kashungaang taglay nga naman oh! Tawagan ko na nga lang bahay nila. Buti na lang binigay ni Ate Nida sa min yung number kasi daw pag-uutusan kaming mamalengke at pag may nalimutan tumawag na lang. Sila naman ang sumasagot eh. So no worries daw sa mga Williams.

Pumunta ko sa tindahang may payphone at tumawag.

(Hello, Williams' Residence. How may I help you)

"Um, can I speak to Mr. Kevin Williams?"

(May I know who is this?)

"I'm his friend. Can I speak to him now? This is a bit urgent"

(Oh I'm sorry. Just a moment Ma'am. I'll call him)

"Thank you"

After a few moments andyan na rin sya. 

(Hello?)

"Kevin"

(Is this Le--)

"Yes. Don't say my name please. Kevin I need your help"

Gorgeous Cinderella (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon