Tahimik ang klase dahil nag-checheck ng quiz si Ma'am.
Napatingin naman ako sa katabi ko.
Nahulog yung ballpen niya pero nasalo niya agad ito bago pa man ito tuluyang mahulog.
"Buti nasalo mo" mahina kong sabi. Pero nginitian niya lang ako.
Yung lalaking katabi ko ay si Alfonso. Ang pinaka-tahimik sa klase. At ako naman si Ashley, ang pinaka-maingay.
At sa wakas, ang paborito kong subject ay dumating na. Ang uwian. Grabe ka-stress ang pagiging graduating jusko! Habang naglalakad ako pauwi, nakita ko na muntik nang mahulog yung pagkain nung isang first year pero nasalo agad ito ni Alfonso.
Di ko na yun pinansin at sinaksak ko nalang yung earphones ko sa tenga ko. Kasi naman, ano bang paki ko? Nasalo niya, edi good! Walang masasayang na pagkain today.
Pagkadating ko sa bahay, tinanggal ko yung earphones ko at dumiretso ako sa kusina at nakita ko doon ang maganda kong mommy na kakatapos lang magluto.
"Hi, Mi" sabi ko at nagmano.
"Oh anak, nandito ka na pala, sakto, kakatapos ko lang magluto" sabi niya at ipinaghain na ako.
Pagkatapos kong kumain...
Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Dahil hindi pa naman ako inaantok at dahil kakatapos ko lang kumain, kinuha ko nalang yung cellphone ko sa bulsa ko at nag-browse sa FB. Nakuha ng atensyon ko ang napakaraming videos ng girls mula sa school na iisa lang ang topic pero sa iba't-ibang tao.
Ano ang topic? Well, kinikilig sila dahil palaging nasasalo ni Alfonso yung mga gamit nila sa obviously, sinadya nila.
May isa nga, ang caption: Kyah! Nasalo niya yung libro ko! Ako kaya? Sasaluhin niya pag nahulog ako?
Nag-comment naman ako.
Try mong tumalon mula sa rooftop, tingnan natin kung sasaluhin ka ni Alfonso XD
Hindi naman ako binash dahil biro lang yun nuh. Ano yun? Parang doon sa My Tag Boyfriend sa Wattpad? Nagkamali lang ng natag ang dami ng haters?
Dahil puro yung pagsalo lang ni Alfonso ang nakikita ko sa news feed ko, naglaro nalang ako ng games sa cellphone ko hanggang sa makatulog ako.
***
Nag-rerecite ng tula si Alfonso sa harap. Kahit na tahimik siya, basta para sa ika-tataas ng grades niya, kacareerin niya.
Pagkatapos niyang magtula, nabunggo niya yung isang desk kaya muntik nang mahulog yung mga gamit doon pero nasalo naman niya.
"Ang galing niya talaga sumalo!"
"Ako kaya sasaluhin niya?"
"I-try ko kaya yung suggestion ni Ashley?"Di ko mapigilang matawa ng mahina dahil sa sinabi nung isa kong kaklase. Mga takas talaga sa mental.
Pagkatapos nilang lahat mag-recite ako naman. Syempre! Save the best for last! Pagkatapos kong magtula, syempre, yung mga kaklase ko, nagpapalakpakan with matching hiyawan.
Basta sa speech, ako ang madalas na pambato. Kasi kahit napaka-ingay ko, seryoso naman ako pagdating sa pag-aaral ko.
Ayan na, iaanounce na yung representative ng section namin. Confident ako na ako kasi palagi naman.
"And our representative will be... Ashley!"
See? Ang galing ko talaga! Favorite ko kasi ang pag-dedeclaim at pagtula. Basta speech, ok ako doon.
Tumunog na ang bell which means recess na.
Naglalakad ako papunta sa canteen ng may bitbit na ngiti. Ang saya ko, kahit na medyo expected, syempre, di ko mapigilan na matuwa.
YOU ARE READING
Nahulog (One Shot)
Short StoryLahat nalang nasasalo niya. Eh ako kaya pag nahulog ako, sasaluhin niya? Teka... bakit ko ba 'to tinatanong? Di ko naman siya gusto eh... di nga ba? *** Date Started: 09/20/2017 Date Finished: 09/20/2017 Cover made by: @ItsMeRhianJee