Hello San Martin!
Sigaw ko sa isipan ko. Good to be back again eh.
Tatlong beses na ako ditong bumalik. Ikatlong beses na ito.
I wonder how are my friends are.
"Nandito ka na naman. Saang school ka na naman galing ah?"bungad sa akin ni Nick ng makita ako sa bahay nila.
Pinsan ko siya at dalawang taon ang tanda ko sa kaniya and we are so close. Mas ka-close ko kesa sa kapatid ko.
"Ganyan talaga kaya huwag ka nang magtaka. And I'm from Saint Claire Memorial School. Private school yon."sagot ko.
Mukhang hindi naman siya makapaniwala.
"Ows? Private daw?"
"Edi huwag kang maniwala. Problema ko ba yon?"
Kasama ko ngayon ang nakababata kong kapatid na si Hannah na magragrade 7 dito sa San Martin.
Magboboarding house kami dito sa bahay nina Nick, nanay niya is kapatid ng mother ko.
We spent 1 hour chatting, telling stories about things na wala kami at nagtatawanan.
Nick and I are really close.
Sumapit ang hapon at 5 pm na. Naayos na rin ang kwarto namin at mga gamit namin. Masipag kasi si Hannah eh kaya natapos kaagad. Kunti lang din naman ang tinulong ko.
Pagkatapos naming magshower, nakipagchika na naman kami kay Nick.
Yong mga kapatid niya kasi hindi namin kaclose pati ang nanay at tatay niya.
Nakastambay lang kami dito sa may balkonahe katabi ng store nina Nick kung saan siya ang nagbabantay dahil wala ang parents niya at mga kapatid niya. Mga barangay officers at nasa meeting siguro ang parents habang ang panganay ay nasa Baguio dahil nga isang teacher sa Saint Claire tapos yong pangalawa naman is nasa bukid siguro or nandiyan lang sa tabi-tabi at yong pangatlo ay nasa bukid siguro, inaalagaan ang mga kambing niya. Si Nick naman ang bunso na grade 9 na ngayon.
"Pinagtitinginan ka ng mga tao oh."sabi ni Nick."hindi ka siguro mamukhaan."
Siguro nga. Ibang-iba na kasi ako ngayon. Well, Hindi naman masyado pero makikita ang malaking difference ngayon dahil maputi na ako. Yes, im now have a fair skin at maganda ang hubog ng katawan ko which is im very proud to.
Matinding hirap kaya dinanas ko para sa magandang katawan na ito.
"Si Eric ngay pala?"tanong ko.
Kasalukuyan akong nagfafacebook, kachat yong mga naiwan ko sa lupalop ng mundo.
"Hindi ko alam ah. Baka dadating yon mamaya. Ay, Aqua, sigurado ako hindi ka mamumukhaan ni Eric."sabi ni Nick at may naisip naman akong ideya sa sinabi niya kaya tinulag ko si Nick na huwag sabihin kay Eric kung sino ako at pumayag naman siya.
Napatingin ako sa katapat na bahay. Napangiti ako nang maisip ang mga nakaraang pamamalagi ko noon dito.
Sa katapat na bahay, may tatlong lalaking nakatira and all of them are good looking pero hanggang tingin lang ako sa kanila pero at least im thankful kasi nakikita ko sila lagi na nakahubad and damn, the abs. Well, except yong bunso kasi naging paborito ko naman siya.
Siya si Eric, 7 siya noon eh, siguro 9 na niya ngayon.
Mayamaya pa ay dumating na ang mga parents ni Nick galing sa meeting at kinausap ako ni tito ng panandalian. Nagtanong lang siya tungkok sa pinanggalingan kong school.
Tapos yong mga kapatid naman ni Nick, except si ate Naia.
Noong unang tingin sa akin ni kuya Nerin, kita sa mga mata niya ang pagtataka. Hindi niya siguro ako mamukhaan.
Hanggang sa narealize niya dahil sa pakikitungo ko kay Nick at sa pag-uusap namin ni tito na ako nga ito.
Si Aqua Dumner Santiago.
"Ay! Ikaw pala yan Aqua? Grabe, di kita nakilala kaagad."at ayon, tumatawa na siya habang tinatawanan naman siya nina tito at tita.
"Kuya Nick!"napatingin ako sa tumawag.
Si Eric. Aba, mas lumaki na siya at mas lalong naging cute.
One thing i like to kid is his cuteness and his hair na lagi kong hinihila. Ang cute kasi, straight siya na laging nakatayo at ang cute lang tignan.
"Oh Eric."tumingin muna sa akin si Nick at ngumuti.
"Sino siya?"rinig kong bulong ni Eric kay Nick at talaga pang binulong mismo sa tenga kaso rinig ko parin eh.
"Ah, di mo siya makilala?"tanong ni Nick.
"Sino ba yan?"
"Eric. Hi!"nagwave ako sa kaniya na ipinagtaka niya kaya tinatawanan namin siya.
"Wahaha."lumapit ako at boom, hinablot ko yong buhok niya at pinaupo ko siya sa tabi niya tapos ginulo-gulo ko yong buhok niya.
I also pinch his cheeks na halos mapa-aray na siya.
Ang brutal ko kaya sa mga cute kaya kapag may anak kayong cute itago niyo dahil mapapahirapan ko.haha. joke lang.
"Sino ka ba?"tanong ni Eric.
"Ako to. Aqua."
"Ahhh!"tapos di siya makapaniwala. "Mm?"lumayo pa siya at inobserbahan kuno ako.
"Bakit ang puti mo?"
"Ay! Wow ha. Por que maitim na ako noon."
Tumawa naman si Nick.
"Paano ka pumuti?"
Kapansin-pansin nga naman talaga ang puti ko.
"Galing ako baguio eh."sagot ko naman.
Tapos ayon, nagkaroon kami ng Q and A. Si Hannah naman umalis dahil pupuntahan naman daw ang kaibigan na hindi niya nakita sa loob ng dalawang buwan.
7 pm na.
Nasa bahay na si Eric. Kumakain kasama ang dalawa niyang kuya.
I can also see how his brothers becomes. Mas gumwapo sila at infairness, wala na masyadong acne ang panganay na si Jerick.
"Eric! Punta ka dito."sigaw ko kay Eric na nasa bintana nila.
Napatingin naman dito yong dalawa niyang kuya at mukhang tinatanong nila si Eric and i can clearly say na tinatanong nila kung sino ako pero sinabihan ko na kasi siya na huwag niyang ipagsabi sa iba kaya tunatawa lang siya. Ayaw tuloy siyang palabasin ng kuya niya.
Malapit lang po talaga ang bahay nila kumbaga limang hakbang lang.
Pero at the end, pinalabas naman siya at tawang-tawa na sinasabi kung ano ang tinatanong nila about sa akin.
I can say na magiging maganda ang pagpasok ko bukas lalo na't di nila ako mamukhaan.
Paano ba naman kasi, talagang amputi ko na larang korean na.
Ay, taray.
Hindi ako nagpapayabang pero talagang totoo na makinis at maputi na balat ko and i can now say that i am sexy. Yes, i am sexy. May kunting abs din ako pero hindi yan ang priority ko.
Naging okay na rin ang lips at ngipin ko dahil sa braces at yong kikay ko, naayos na at yong buhok ko ay buhay na buhay na.
Kulay aquamarine siya pero 3 inches above fro the edge tapos naging sthraight na rin hair ko.
hindi ako nagpasurgery or whatever, this is all natural with the help of some physical activities na talaga namang nagpapawis ako.
And plus how i dress. Normal pa rin naman at walang exposs na kahit ano pero yong mas naging fashionista na ang dating at syempre, hindi mawawala yong tatak na EXO.
Yehet!
YOU ARE READING
My Crush Next Door
Teen FictionAng hirap palang magkaroon ng crush. Kasi, kailangang ilihim at mahirap ipagtapat sa mismong crush mo. Pero mas mahirap kung maraming nakaalam. At ang mas malala pa ay hindi ka niya type.