"paper filled with ink, made memories through a click"
***
We're so close yet so far away
Oh how I wish for you to stay
I cant help but think of you all day
You light up my world like sunrays.For the past 2 years, I've been writing love poems for someone special yet I never get to give them to him.
All those finished poems full of love and adortion, yet I choose to just look at you at a distance.
Magkaklase kami for almost all my schooling life. Mula unang baitang hanggang ngayon na nasa 4rth year high school na ako.
Siya ang Seven ko.
Kahiligan niya ang pakukuha ng imahe o photography. Habang ako, kahiligan ko ang poetry.
Both are art, yet in different colors.Araw-araw nakikita ko siya dala-dala ang kamera niya. Kumukuha na iba't ibang litrato, ma bagay man ito o tao.
Just like now. Nagkukuha siya ng litrato ng isang paru-paro na nakatugpa sa isang bulaklak. Nandito ako ngayon, sa ilalim ng punong manga sa Student's Area.
Parang malaking garden ito na napalilibutan ng malalaking puno at mga halaman. May mga cemented benches and tables para sa mga gustong magbasa, mag-aral o kumain. Pero gaya ng library, kailangan din imaintain ang katahimikan.Sa ilalim ng ika-apat na punong manga na malapit na sa pader—nasa likod ng lahat ng buildings ng aming paaralan nakalocate ang Student's Area kaya malapit ito sa pader ng gate— ako laging nakaupo. Ako lang. Hindi kasi ganun karami ang pumupunta rito, maybe because of the rumors that there are ghost living around here, especially in the trees.
But for 2 years of chilling here alone, wala namang kahit anong multo ang bumalabag saakin. I didn't even know how they made that rumor up.
Every now and then, nagchi-chill ako dito and write poems. And for two years, halos 513 na ang nagawa kong poems, hindi ko alam kong impressive bayun o hindi, hahaha.
And sa lahat ng araw na nandito ako at nagsusulat, nagsasayang ng ink, at nagpapalabas ng nararamdaman sa pamamagitan ng mga tula, ay nandito rin siya.
Si Nikolai Karrion Guancós.
7. 7. 7.Codename ko kay crush. Hihihi.
If you look at me, mukha akong dull at boring, but trust me, I'm as crazy as an average teenage girl. Crazy over crushes.
Nasa ika-apat na sana akong stanza ng ika-514th poem ko ng nakarinig ako ng,
Click.
Napalingon ako sa direksyon ng biglaang pagclick at mas lalong nabigla sa nakita.Si Seven. Nakahawak sa kanyang kamera na nakatuon saakin.
"Shit. Di ko na mute ang shutter." he silently muttered after breaking our eye contact then started adjusting his camera.
Hindi ko alam pero bigla ako natawa. As in. Ang lakas na tawa ko. Why am I laughing? I don't know but I can't help it.
Am I going crazy? Probably. I mean, if you see your crush taking pictures of you, then you'd also probably go crazy.
BINABASA MO ANG
Seven And His Muse
Teen FictionA story about how Muse found her Seven and how Seven met his muse.