Prologue

54 2 0
                                    

Ready na ko. Ito na yung pinakahihintay ko. Ang Solo Live Concert ko.

Sumilip ako mula dito sa backstage kung saan nakikita ko kung gaano ko napuno ang venue. Huminga ako ng malalim. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga taong nandito ngayon. Mula sa PBB pa lang, ganun na sila kung magpakita ng support. Kaya naman para sa kanila ang lahat ng ito. Muli ko ring inisip kung gaano ako naghirap para dito. Lahat ng bagay na sinacrifice ko para lang dito sa career na ito.

Nakita ko ang family ko sa unahan. Pati si Loisa at Joshua na kasama ang mga malalapit na tao sa buhay ko at talaga naman malaki ang tulong sa akin. Sila Tita Tere, Tita Fran, Papa P at Ate Moi na nasa unahan katabi ang magulang at mga kapatid ko. Nakikita ko sa kanila ang tuwa at saya sa mga naaachieve ko. Buti pa sila present. Pero napatingin ako sa dalawang bangkuan na blangko.

Pupunta kaya sila? Nasan na nga ba ang mga lalaking sobrang laki ng naging parte sa buhay ko? Sana kahit dito sa important event sa buhay ko dumating na sila. Lalo pa at alam ko na kung sino talaga ang mahal ko.

"Maris magsisimula na. Ready ka na ba?" tanong ni Direk Alco sakin na naririnig ko na lamang sa earphone na nakakabit sakin dahil busy na syang magmonitor sa buong event.

"Yes Direk." Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon.

At pagharap ko sa audience, di ako makapaniwalang nakita ko ulit sila. Kaya mas ginanahan akong magperform.

Nakita ko ang dalawang lalaking nagbigay sa akin ng inspirasyon.

Si Inigo at si Diego.

Si Bestfriend or Si Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon