1 - Mariestella Racal

17 0 0
                                    

"Maris ayos na ba lahat ng gamit mo? Yung kakantahin mo? Okay na?"

Hayyy. Ke aga aga ang ingay ni Ate Tin. Mas excited pa sakin hahaha. Kapatid ko nga pala. Siya kasi talaga unang nakakita na may pa audition sa PBB All In. Sabi nga nila mama bakit hindi na lang daw sya ang mag audition tutal mas mukhang gusto naman nya, at mas maganda at sexy naman talaga sya sakin. Pero dahil pangarap ko din yun, grinab ko na yung opportunity. Tutal naghahanap sila ng mga teen housemates.

"Okay na ate. Yung gitara ko na lang palagay sa sasakyan. Salamat." Sabay akong nagpacute sa kanya para ilagay na lang nya hahahaha.

"Tsk. Oo na. Pagbibigyan kita ngayon. Basta galingan mo ha. Aja. Payting lang." Sabay posing pa ni ate hahahaha. Laptrip talaga to.

"Tawag nyo ba ko?" Biglang sulpot ni Ate Payti sa harap namin. Habang nagsusuklay ng buhok. Kapatid ko din sya.

"Hindi. Sabi ko tara na at baka ma late pa si Maris sa audition nya."  Ate Tin. Habang sinasakay ang gitara ko sa sasakyan.

Hindi pa nga pala ko nagpapakilala. Ako nga pala si Mariestella Racal. 16 years old. Family background? Musician kaming lahat. At pagkanta ang bonding namin. 4 kami magkakapatid. Sa ngayon. Ako, si Ate Tin at Ate Payti ang lumuwas ng Manila para sa audition ko. Sila Mama, Papa, at Myka ay naiwan sa Davao dahil sa business namin.

Di kami mayaman, sakto lang. Kaya gusto ko pa rin makatulong kanila mama at papa. Pero nung nalaman nila na mag auaudition ako muntik pa kong hindi payagan dahil sa pag aaral ko. Pero dahil sa matinding pagpupumilit ko at lalo na ni Ate Tin, pumayag na sila mama.

Osya! Later na lang guys. Aalis na kami. Goodluck sakin.

Si Bestfriend or Si Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon