"I'm sorry, pero ayoko ng masaktan ka ulit. Mahal kita. Pero kailangan ko muna hanapin yung sarili ko. Sakal na sakal na ko. I'm sorry Mich." Sabi niya.
Ang sakit. Sobrang sakit. Masakit malaman na ang lalaking minahal mo, pinag katiwalaan mo. Sisirain lang yung pagmamahal na binigay mo.
TANG *NA MO! F*CK YOU. BULLSH*T KA!!!!!
Gustong gusto ko isigaw yan sa mukha niya. Gusto kong lukutin yung gwapo niyang mukha. Pero iniisip ko palang, hindi ko na kaya.
Mahal ko siya. Mahal na mahal.
"Hindi Alex.. Sabihin mo mahal mo ko. Please. Alam ko mahal mo ko" Umiiyak kong sabi sakanya.
"Sorry Mich. I'm very sorry"
"So ganon nlang ba yon? 3 years Alex! 3 years! Sa loob ng 3 years minahal kita. Mahal na mahal kita."
Alam ko kagaguhan to. Alam ko mali tong ginagawa ko na habulin at mag makaawa sakanya. Pero hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.
Sakanya nalang ako kumukuha ng lakas ng loob. Siya lang ang meron ako.
"Enough Mich. We're over. Kung ipipilit pa natin to, pareho nalang tayo masasaktan." Sabi niya at tumayo na sa kinauupuan niya at umalis.
At ako.. Naiwan nakaupo at nakatulala. Lahat ng mga sinabi niya, tumagos ng buong buo sakin. 3 years ko siyang minahal. At siya, tinapos niya yung relasyon namin ng ganon ganon nalang.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung kanino ko ba dapat ikwento to. Hanggang sa nakarating ako sa simbahan.
"Lord. Bakit ganito? Bakit mo to ginagawa sakin? Alam mong mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya pero bakit mo siya nilayo sakin?! Kahit gaano niya ko sinaktan, umaasa ako na babalikan niya ko.."
Nag drive ako. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Hindi ko alam.. Napadpad ako sa bahay nila Mae, kumatok ako. Nakaka apat na katok palang ako ay agad na niya tong binuksan.
"Oh Mich. Saan ka galing? Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit ka naiyak?! Halika pumasok ka sa loob." Alalay niya sakin papasok sa loob.
"Mae wala na. Wala na kami. Iniwan niya na ko." Sabay tulo ng luha ko. Gusto ko pa sanang mag kwento pero hindi na ko makapag salita dahil sa emotional na sakit na nararamdaman ko.
"It's okay Mich. Plano yan ni God. Isipin mo nlang, hindi naman yan gagawin ni God kung wala siyang ibang plano diba?" Sabi niya habang hinahagod yung likod ko.
"Plano?! Plano niyang saktan ako!" Sigaw ko, kasabay ng pag iyak ko.
"Don't worry. Better things are coming" -Mae
Umaga na. 7 am na. Dito na pala ako nakatulog sa bahay nila Mae. Hinanap ko yung phone ko. May 5 msgs. Lahat ay msgs ni Tita. Hinahanap ko kung may message si Alex. Pero wala.. Binitawan ko yung phone ko at bumalik sa pag tulog..
"I'm sorry, pero ayoko ng masaktan ka ulit. Mahal kita. Pero kailangan ko muna hanapin yung sarili ko. Sakal na sakal na ko. I'm sorry Mich."
Nag flash back sa isip ko ang mga nangyare kahapon. At hindi ko mapigilan ang luha ko sa pag tulo.
Do you hurt the way that I do? After all this time you leave me broken this song is every word I left unspoken. When you here this boy I'm hoping. That you'll think of us </3 ♬
Nakikinig ako sa radio ng biglang pinatugtog ang kantang ito ng Mayday Parade. If you can't live without me why aren't you dead yet? Nakikisabay ito sakin.
Nag surf nalang ako sa internet. Binuksan ko ang fb ko. Laking gulat ko ng may nabasa ako..
Alex Sta. Maria is in a relationship with Joyce Ortega
The fck? :)) Sabi niya, nasasakal na siya at kailangan niya muna hanapin ang sarili niya. Yun pala ibang babae ang hinahanap niya. Putang *na nilang dalawa.
"Hi baby! Iloveyou!" Tunog ng phone ko. Boses niya ang ringtone ko pag tumatawag siya..
"WAIT! WHAT?! TUMATAWAG SIYA! TUMATAWAG SAKIN SI ALEEEX!!" Sigaw ko. Tuwang tuwa ako. Baka makikipag balikan na siya sakin. Kaya naman sinagot ko yung tawag niya.
"Hello Alex?"
"Hello?"
"B-bakit ka n-napatawag?" nabubulol kong sabi.
"Uhm Mich.. Ano..
Hello? Is this Michelle Rosales? Would you please? Leave us alone! Tanggapin mo nalang. Ako na ang mahal ngayon ni Alex! *End call
Si Alex ang unang sumagot pero inagaw ni Joyce..
Nakatulala ako. Hawak ko ang phone ko. Hindi ko alam kung anong nangyayare at bigla niya akong sinigawan at sinabihan ng ganon.. Sa sobrang galit ko, naibato ko yung phone ko..
"Mich? Gising ka na ba? Kakain na tayo" -Mae
"Ah... Sige.. Lalabas na ko.."
Lumabas ako ng pinto at pumunta sa kusina. Niyakap ko si Mae. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Mae, ayoko na. Gusto ko na siyang kalimutan. Pero hindi ko alam kung paano. Mahal na mahal ko siya."
"Mich. Tama na, hindi pa ba sapat yung ginawa niya? Madami pang iba jan. Maganda ka, mabait, matalino. Maraming nag kakandarapa sayo. Kailangan mo lang subukan ulit mag mahal"
Tama. Tama si Mae. Kailangan ko lang subukan ulit mag mahal. At sinisigurado ko sa susunod, hindi na tulad ng gagong yun..
BINABASA MO ANG
Her beautiful Soul
Teen FictionNaranasan mo na ba mawalan ng mahal sa buhay? Naranasan mo na bang masaktan ng sobrang sakit? Yun bang pakiramdam mo hindi mo na kaya.. Kung kelan mahal mo na siya tska siya mawawala at kukunin ng iba? Kahit gusto mo pa siyang ipaglaban. Alam mong h...