"Tara na. Ihahatid na kita sainyo. Sinabi ko kay tita na ihahatid kita" Sabi ni Mae at kinuha na niya ang susi ng kotse ko.
"Salamat Mae ha." Sabay ngiti ko sakanya.
"Ano ka ba naman. Para saan pa ang bestfriend diba? Wag ka mag alala, pag nakita ko yang Alex na yan, tatagain ko talaga yung leeg niya kasama na yung Joyce niya!" Tumatawa tawa si Mae habang sinasabi.
Nandito na kami ngayon sa bahay. Binati ko si tita at nag paalam na kay Mae. Gusto ko ng pumasok sa kwarto ko. Gusto ko ng mag pahinga..
"Miiich? Naikwento na lahat sakin ni Mae ang nangyare. Okay ka na ba?" Tanong ni tita sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"I'll be fine tita.." Sagot ko.
"Kung may kailangan ka, andito lang ako"
Tinakpan ko ng unan ang mga mukha ko. Gusto ko siyang alisin sa isipan ko.. Sana ganon lang din kadali para sakin yun. 3 years ko siyang pinuno ng pag mamahal ko, pinag katiwalaan ko siya. At siya? Hindi ko alam kung may parte sakanya na minahal niya ako.. Masakit isipin, pero kailangan tanggapin ang katotohanan na wala na siya. Wala na kami. Tapos na. At hanggang dito nalang talaga.
Hapon na ng magising ako. Lumabas ako ng kwarto at nag punta sa may terrace. Nag papahangin ako ngayon. Madaming nag fflash back sa isipan ko. Ang mga masasaya at masasakit na memories. Ngayon, nangangako ako sa sarili ko. Ito na ang araw na simula, KAKALIMUTAN KO NA SIYA.
"Leslie, pakikuha naman yung box dun sa taas" utos ka sa secretary ko.
Manager ako ng head office sa isa sa mga sikat na bangko dito sa bansa. Mga magulang ako nag papatakbo nito. Mayaman kami pero nabubuhay kami ng simple. Ngayon, tita ko lang ang kasama ko sa bahay. Ang mga parents ko parehas nasa Australia dahil may isa pa kaming negosyo doon.
"Ah sige po. Nga po pala, kailangan daw po ng pirma mo dito. Gusto din po makipag meet sainyo ni Sir Alex ngayon para mapag usapan daw po yung plano niyong pag papatayo ng isang branch" Banggit ng secretary kong si Leslie.
Napatigil ako sa ginagawa ng banggitin niya ang pangalan ni Alex.
Akala ko nakalimutan ko na siya. Akala ko pag narinig ko ang pangalan niya matatawa nalang ako. Akala ko hindi ko na siya mahal. Akala ko lang pala ang lahat ng yun.. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya ngayon..
"Okay Mich. Kakausapin mo siya para pag usapan ang tungkol sa negosyo.. Yun lang yun. Kaya mo yan" bulong ko sa sarili ko.
Tinawagan ko ang secretary ni Alex at pinasabi ko nalang na pinapatawag ko siya ngayon sa office ko.
After 5 minutes may kumatok na sa labas ng pinto ng office ko..
Natatakot ako at kinakabahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang gwapong mukha ni Alex. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko siyang yakapin at sampalin. Mali ang akala ko. Mahal ko pa nga siya..
"May I come in?" Tanon niya ng nakangiti.
"Y-yes you may"
"So, ready ka na?" -Alex
"Ready na ang alin??!" Napasigaw kong tanong sakanya.
"Haha. I mean, ready ka na pag usapan to? Natatawa niyang sabi.
Ramdam kong namula ang mukha ko dahil napahiya ako. Ayokong ipakita sakanya kaya nakayuko lang ako at tumango.
"Okay. So, tawagan mo nlang din yung secretary ko pag may kailangan ka." Nakangiti niyang sabi sakin.
"Stfu Alex. Wag mo kong ngitian. Wag ka mag pacute sa harap ko. Utang na loob" Bulong ko sa isipan ko.
"Uhm okay. Thank you mister Alex Sta. Maria."
Pag kaalis niya sa office ko agad kong tinawagan si Mae..
"Mae, nag usap kami ni Alex"
"Ano?! Ano bang kagagahan yan Mich at pumayag ka pang makipag usap jan sa ex mong gago? Hay nako!"
"Gaga! Kumalma ka nga! Hindi tungkol samin yung pinag usapan. Tungkol lang naman yun sa negosyo eh."
"Ay ganon ba? Sorry naman. Eh ano nangayare? Kamusta naman?"
"Ganito kasi yan..."
Habang kinekwento ko kay Mae ang nangyare, ramdam ko sa sarili ko na medyo nabawasan na ang sakit hindi tulad last week na halos mapakamatay na ko dahil sa emotional na sakit na binigay sakin ni Alex.
Sana ito na nga yung simula. Sana kaya ko na talaga ng wala siya..
BINABASA MO ANG
Her beautiful Soul
Teen FictionNaranasan mo na ba mawalan ng mahal sa buhay? Naranasan mo na bang masaktan ng sobrang sakit? Yun bang pakiramdam mo hindi mo na kaya.. Kung kelan mahal mo na siya tska siya mawawala at kukunin ng iba? Kahit gusto mo pa siyang ipaglaban. Alam mong h...