Huling mensahe. 09.21.17

16 1 0
                                    

Ngayong gabi.
Ito na marahil ang huli mong mensahe para sa akin.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit.
Ang mensaheng iniwan mo sa akin.
Sa mga simpleng katagang iyong sinabi,
Parang gumuho ang lahat lahat sa akin.

Sabi nga nila,
Ang pagibig mas masarap  kapag binigyan ka sa pangalawang pagkakataon.

Ang sabi ko naman,
Ang pagibig mas masakit kapag nasaktan ka sa pangalawang pagkakataon.

Nakabibingi ang katahimikan.
Sa apat na sulok ng aking kwarto,
Wala akong ibang naririnig kundi ang pagtulo ng mga luha sa pisngi patungo sa unan na syang nagiging katuwang ko sa sakit na nararamdaman.

Akala ko sa lahat ng napagdaanan ko sa buhay
Hindi ko na iindahin itong ganitong sakit.
Subalit doon ako nagkamali.
Iba pala ang sakit ng pagiwan mo sa akin. 😢💔

Akala ko noong unang beses akong nasaktan
Baliwala na lamang kapag ako'y nasaktan muli.
Ngayon ko napatunayan sa aking sarili na mas masakit palang maiwan muli.

Nakabibingi na katahimikan.
Ako ay napapaisip sa kawalan.
Maraming tanong sa aking isipan.
Ngunit lahat ng katanungan ay naiwang blangko ang kasagutan. 😟

Palalim ng palalim ang gabi.
Ngunit ikaw at ikaw pa rin ang nasa isip.
Ibinubulong ko sa aking sarili,
Huwag na sana munang tumakbo ang oras,
Baka sakaling mabawasan ang sakit,
Ang sakit ng pagiwan mo sa akin.

Sa mga minuto na limilipas,
Maya't maya'y napapatingin.
Napapatingin sa aking telepono,
Baka sakali,
Baka sakaling may mensahe,
Mensahe na sa iyo galing. 😢

Minu-minuto,
Minu-minuto akong nabibigo sa pagaakalang may mensahe na galing sa iyo.
Kinuha ko ang aking telepono,
Tinignan ko ang mga letrato,
Letrato nating dalawa,
Nating dalawa na masaya tayo.

Sa bawat letrato na itinago ko,
Kalakip nito ang bawat sandali ng mga ala alang iniwan mo,
Iniwan mo dito sa puso ko.
Ang dami nating letrato. Ang dami mong kayamanan na iniwan dito sa puso ko.

Nakakapagod.
Nakakapagod na magisip.
Magisip kung muli ka pang babalik.
Nangangarap pa rin ako kahit masakit.

Gusto ko pang lumaban.
Lumaban para sa nararamdaman.
Pero paano ko pa ba ipaglalaban?
Ipalalaban tong pagmamahal??

Hindi ko rin alam ang kasagutan..
Wala sa atin ang nakakaalam...

Pero Baka sakali..
Baka sakaling magbago pa ang iyong isip....
Baka sakali...
Baka sakaling ako'y mahal mo pa rin..
Baka sakali..
Baka sakaling ako pa rin..
Baka sakaling tayo pa rin....

Ako kasi,
Ikaw pa rin.... 😢😢😢

-Loverboy



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

malaya ka na.. 😢Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon