Mag papahula ka ba?

11 1 0
                                    

Ako si Lian, 19 years old. Nag aaral ako sa FEU Manila, First year college. Isa akong masiyahing estudyante at madaming kaibigan. First day namin ngayon, late ako. Nakakahiya kase nandun na yung Prof. ko. Nag pasa na yung mga classmate ko ng papel na may pangalan nila. 

Lian: Max, ano nang ginawa nyo?

Max: Si ma'am nang huhula, ang galing nya nga e. Hinuhulaan nya kase yung mga personality ng mga classmate natin.

Katoliko ako at ang pamilya ko. Kaya naman ay hindi ako nag papaniwala sa mga hula hula na yan. 

Yung mga kaklase ko amaze na amaze dahil nahulaan daw ni ma'am yung mga personality nila at yung ibang mga personal na impormasyon sa kanila. May iba akong kaklase na hindi publicly sinabi yung prediction at hula sa kanila, dahil private matters daw. 

Nung natapos na silang lahat na mahulaan, tumingin si ma'am sakin. Tinititigan nya ako. Lumapit sya. 

Ma'am: Mag papahula ka ba? 

Lian: Ay hindi po ma'am. 

Ma'am: Okay.

Hindi naman ako pinilit ni ma'am nung araw na yun. Pero halos buong semester iba talaga yung mga titig nya sakin, at laging tinatanong kung gusto ko bang mag pa hula. Lagi namang akong tumatanggi. 

Second sem. na. Ewan ko pero yung mga hula ni ma'am nagkaka totoo. Yung may mag ddrop, lilipat ng school, maagang mabubuntis at may namatayan pa. 

Yung kaklase namin na si Erin, limang buwan nang liban sa klase. Dumating nalang yung mommy nya at ibinalita sa adviser namin na buntis daw. Tama yung hula ni ma'am  sa kanya. LAHAT NG HULA NYA TAMA AT NANGYARI NGA.

*FAST FORWARD*

Nandito kami ni Max sa Canteen, tapos iyak sya ng iyak. Alam ko kung bakit kase lagi syang nag kkwento sakin. Tapos dumating si Ma'am. Kinausap nya sa Max.

Ma'am: Tama ba ako Max? May ibang babae Daddy mo?

Max: Opo ma'am.

Grabe! Wala pang napapagsabihan si Max tungkol sa Daddy nya maliban sakin at sa isa pa naming kaibigan. Kaya gulat na gulat nalang ako dahil sa sinabi ni ma'am. Sabi ni Max na unang araw palang nahulaan na ni ma'am yung tungkol sa Daddy ni Max. Grabe di talaga ako makapaniwala sa kayang gawin ni ma'am. 

Tumingin sakin si ma'am.

Ma'am: Magpapa hula ka ba?

Hindi ko alam pero dahil sa pagka hanga ko napa oo nalang ako. Wala naman sigurong mawawala.  Nilahad ko ang kamay at binasa ni ma'am ang bawat linya nito.

Ma'am: Nako! Hindi ka makakapag tapos. 

Lian: Bakit naman ma'am?

Nag iba ang ekspresyon ng muka ni ma'am. Parang namutla. 

Ma'am: Mag kakaroon ka ng malalang sakit. tsk tsk. Really really sick. 

Binawi ko kaagad ang kamay ko. Ayaw kong marinig yung mga sasabihin pa nya. Bata pa ako. Madami pa akong mga pangarap sa buhay. At ayoko namang mamatay ng maaga. 

Naiisip ko palang na magkakatotoo yun gaya ng ibang hula nya ay sobrang takot na takot na ako.  Nag kwento ako sa ate ko tungkol dun, at sinabi kong wag na sabihin kay mama. Nasa ibang bansa kase sya, OFW. Ayaw naman naming mag alala sya.

Mag tatapos na ang second sem. madaling araw yun. Biglang tumawag si mama. Umiiyak. May matanda daw na Filipino rin na bigla syang hinulaan. At sinabing may dalawang anak si mama. E tatlo kaming mag kakapatid. TATLO. Di ko na sinabi kay mama yung sinabi ng mang huhula sakin. Ayoko syang mag alala. Pinadalhan agad ako ni mama ng pera. Mag pa check up daw ako para malaman kung ok lang ba ako.

Nag pa check up ako, physical exam,  X-ray, Lab test. At sa awa naman ng Diyos ok ako. Maliban sa Malabo ang mga mata. 

*FAST FORWARD* 2nd year college na ako. Wala na si ma'am sa school. Pinatanggal sya dahil sa panghuhula nya. Ngayong 2nd year ako lagi akong nang hihina. Naging sakitin ako at madalas na ring lumiban sa klase. Muntikan na akong matigil sa pag aaral dahil sa mas madalas pa ang hindi ko pag pasok kesa sa pag attend ko sa klase. Pero Buti nalang at pinayagan akong ituloy yung pag aaral ko hanggang 2nd sem.  Kaya bumawi ako at naging active ulit.

*FAST FORWARD* 4th year college na ako. Sakitin parin pero kaya naman. Niyaya ako ng mga friends ko nun na mamasyal sa Luneta at mag unwind. Pumayag naman ako dahil sa sobrang stressed sa dami ng pinapagawa sa schoo. Gabi na non at naka upo lang kami. May lumapit samin na isang matandang babae. Mang huhula daw. Gusto ko sanang sabihin sa kanila na wag na, kaso ang lapit nya samin, ayaw ko namang maramdaman nyang tinataboy ko sya. Magaling si nanay, alam nya na graduating na kami. Alam nya yung problema ng mga kaibigan ko about Love at sa family at nagbigay pa ng advice. 

Napatingin si nanay sakin.

Nanay: Neng, Magpapa hula ka ba?

Lian: Ay nay hindi na po.

Nanay: Sige na Neng. Wala namang bayad.

Ayaw ko sana talaga dahil nga sa experience ko dati sa manghuhula. Pero mapilit talaga si nanay at ayaw ko namang maging bastos kaya napapayag nya na ako.

Nanay: Ay kawawa kang bata ka. 

Umiiling-iling si nanay at tumingin sakin ng parang awang awa. hinawakan nya ulit ako pero this time sa iba na sya nakatingin. Sa likod ko. May binubulong bulong sya na di ko maintindihan. Tumataas balahibo ko at pati mga kaibigan ko natatakot na sa ginagawa ni nanay. Pero after nyang bitawan ulit yung kamay ko,gumaan yung pakiramdam ko. ""YUNG BABAENG NANGHULA SAYO NUN NENG, NANDITO KANINA. NARAMDAMAN NYA NA HINAWAKAN KITA. GUSTO NYANG KUNIN YUNG SPIRITO MO KASI ANAK KA NG ARAW. INUUBOS KA NYA MAGMULA NUNG NAGPAHULA KA SAKANYA"" 

  --END--



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magpapa HULA ka ba?Where stories live. Discover now