Chapter 1
Introduction.
Third POV
Ang gandang dilag ay nakatingin sa salamin. Pinagmamasdan ang kaniyang kabuuan. Habang ang mga buhok niya ay sumasabay sa indayog ng kanta. Napangiti siya nang ramdam niya ang kapayapaan ng kaniyang buhok.
"I'm excited to go out." Aniya at marahang humakbang papasok ng banyo.
Isang puting bistida na aabot sa kaniyang talampakan ang suot ng dilag. Habang malayang nakikisayaw sa hangin ang kanyang mahabang buhok. Nagmistulang 'rapunzel' ang dilag dahil halos umabot sa sahig ang kanyang buhok.
"Are you happy, my sister?" Kausap niya ang kanyang buhok. Tinuring na niyang kapatid ito dahil iyon lamang ang kaniyang nakasama sa buong buhay niya.
Yumakap sa kanyang katawan ang mahaba niyang buhok na para bang sinasabing "Oo aking kapatid. Sa wakas, makakalabas na tayo sa ating kulungan." Hinaplos niya ang buhok niya at naglakad pababa sa unang palapag ng kaniyang palasyo.
Dahan dahang binuksan ng kaniyang buhok ang pintuan. Agad tumama ang sikat ng araw sa kanyang maputi at makinis na mukha. Halos mapatingin ang mga bulaklak at damo sa kaniyang presensya. Isang Alcippe lamang ang makakagawa 'non.
Dahan dahan siyang humakbang sa mga damo. At halos yakapin ng mga damo ang kaniyang mabangong talampakan. Ang kaniyang buhok naman ay sinarado ang pinto at nakipag away sa mga damong gustong amuyin ang paa ng kaniyang amo.
"Hi there lady" Sumipol ang isa sa kaniyang kapitbahay. Matangkad, gwapo at moreno ang binata. Ngunit hindi ito sapat para makuha ang atensyon ni Alcippe. Linagpasan niya ang binata at tuloy tuloy na naglakad. "Hey hey. I'm Eros. What is your name?"
"Who are you?" Aniya.
"I just said my name, lady" sabi ni Eros.
Hinawakan niya ang kaniyang buhok at pinakalma. May kakayahan kasi ang buhok niya na harangan ang mga bagay, tunog, tao, hayop at malakas na pwersa kahit kailan at saan gusto ng kaniyang buhok.
"Well I don't give a shit mister." Ngumiti siya at umalis. Wala siyang balak magaksaya ng oras sa walang kwentang nilalang.
"I don't give a shit too miss. But seeing a woman walking without a slipper is quite a pitiful scene."humalakhak ang binata at tumalikod din kay Alcippe. Naguluhan si Alcippe sa sinabi ni Eros.
"What the fuck is slipper?" Tanong niya sa nakatalikod na si Eros. Humarap si Eros na di makapaniwala at mahinang tumawa. Ang buhok naman ni Alcippe ay dahan dahang yumakap sa bewang ni Alcippe. Hindi nakaligtas sa paningin ni Eros ang nakita niya.
Tumingin siya ng deretso kay Alcippe at ngumiti.
"So, what's your name again?" Pangungulit ni Eros. Dinala siya ni Eros sa isang 'mall' para bumili ng tsinelas na ngayon ay suot na ni Alcippe. Pumasok sila sa 'Starbucks' dahil balak usisain ni Eros si Alcippe.
Sumipsip si Alcippe sa kaniyang kape at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan habang may pinipindot na bagay sa kanilang kamay. Nagtataka siya kung ano ang bagay na iyon at kung ano ang tawag. At kung ano rin ang iniinom niya. Ang importante, nasasarapan at natutuwa siya sa lasa ng kaniyang iniinom.
"Hey miss. Are you listening to me?" Kinalabit ni Eros si Alcippe.
"Oh. Ano ulit sinabi mo?" Pumitik siya para patulugin saglit ang kaniyang buhok. Ang astig diba?
"What's your name?" Tila hindi napapagod ang binata sa paulit ulit niyang tanong. Desidido talaga siyang malaman ang kaniyang pangalan.
"I'm... I"m.... " Nagdadalawang isip si Alcippe kung sasabihin niya ang kaniyang pangalan. Ngunit sa huli... "...I'm Athena."