My casanova boyfriend's diary.

919 17 3
                                    

December 12, 2011

“Aika ako to. Si Gino. Kilala mo ko, Aika. Mahal mo ko. Mahal din kita. Isipin mo ko please. Boy friend mo ko.” Umiyak ako, at lumuhod sa harap nya.

“G-gino.. Wala.. Wala talaga.”

“Pero Aika.. I’ve changed. For you. Aika, please.”  Tuloy parin yung pagiyak ko. Sinubukan kong hawakan yung kamay nya pero hinatak nya.

“Sorry.. Goodbye, Gino. Kaibigan lang talaga turing ko sayo..”

What if? What if the only girl you love, DOESN’T EVEN KNOW YOU? Pano kung handa ka nang sabihin yung nararamdaman mo, pero wala na? Its too late. How.. How can I live without her by my side? Ang sakit.. But I love her too much to give up. Hintayin mo, Baby. Maaalala mo rin ako. Mamahalin mo rin ulit ako. Babalik yung dating tayo. Sasaya ulit, ibabalik natin yung forever, Aika. I love you. I love you so much..

****

[Aika’s Pov]

“Manloloko. Paaasa. Gago. Mananakit. Papalit palit nang girlfriend. Walang respeto. UGH!! Nakakainis sya. Sinaktan nya ko. Akala nya kung sino sya.” Sumimangot si Anne, yung bestfriend ko. “Pero alam mo, kahit ang sakit. Maaalala ko lang yung ngiti nyang sobrang tamis, nangingiti nadin ako.” Nagpunas sya nang luha, at onti unti syang ngumiti.

“Ano ka ba naman, Anne! Sinaktan ka na nga, kinikilig ka ba.” Binatukan ko sya.

“Alam mo, kahit naman bugbogin ako non. Di mawawala yung fact na ang pogi nya. Palibhasa kasi, Bes. NBSB KA!”

Okay. I admit it. NBSB ako. So what? Di kaya magandang tignan na 14yrs old. 3 ex boyfriends! Ano to? Pbb teens? Anyways, nasa park kami ni Anne, nagpapalamig sya. Kakabreak lang kasi nila ni Gino Delos Santos. Our school escort na sobrang playboy. Yes. I have to admit. Pogi sya. Magaling pumorma. He’s almost perfect. Paki tanggal lang yung maaangas nyang ugali.

“Okay you win. Alam mo naman kasing playboy. Pinatulan mo pa.” Napa-iling ako.

“Hayy.. Ang charming nya kasi. Pogi pa.”

“They’re supposed to be charming.. Para makuwa nila yung loob mo. So cheer up. Gusto moba, gerahin ko yon?”

“Sige. Joke. Im too sexy to be bitter.” Nag-grin sya. Anne. Oo na. Sexy ka na. Ako na chubby.

[Gino’s POV]

“Hoy, Gino. Ano nanaman yang hawak mo?” Hinatak ni Klive yung notebook na hawak ko.

“Wala. Checklist.”

“Checklist? Eh puro pangalan nang mga sexy at magagandang babae sa school natin to eh. Anong check- Ohh.. Wait.. Gets ko na. Hayop ka, Gino. Pati babae, ginagawa mong to do list. Iba ka pre.” Nagtawanan kami. “Pero pansin ko lang ha? Lahat nang ex mo wala pang umaaabot nang 1 month. Except nalang si-“

“Oo. Syempre. First love ko yun. Mahal ko yun. Kaya nga ko nagkakaganto eh. Para ibalik yung sakit na ginawa sakin ni Kathryn sa ibang babae.” Nag-wink ako sakanya.

“Ano yun? Ibubuhos mo yung kabitter-an mo sa ibang babae? Badkid.”

“Past na yun. Tska hindi lang naman yun yung dahilan kung bakit nangyayari to. Kasalanan ko bang ganito ako kapogi? Kasalnan ko bang handa silang lumuhod sa harap ko para lang mapansin ko sila?”

“Yabang mo.” Sinuntok ako ni Klive.

Im not being boastful. Totoo naman. Pogi ako, mayaman, sweet. Whats not to like? Sikat pa. Package na yan. Kaso di ko gusto ang serious relationships kaya flings lang. Kung masasaktan sila. Wala na kong magagawa dun.  Ako nga pala si Gino R Delos Santos the best and most handsome Casanova in town. Di ko naman talaga intention na saktan sila eh.. Oh, wait. Intention ko nga. Pero may dalin naman ako eh. Valid or not, I don’t care. I have my reason. And my reason is..

My casanova boyfriend's diary.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon