Sa buhay ng tao, dadating talaga tayo sa punto na parang gusto na nating umayaw pero kahit gaano pa natin kagustong umayaw, maiisip pa rin natin ang mga bagay na maaaring mawala satin kapag hindi natin pinag isipang mabuti ang magiging desisyon natin. Ang pag ayaw sa isang bagay na pinahihirapan tayo ay maaaring maging mitsa ng isang pagsisisi at ang pagpapatuloy sa isang bagay na nahihirapan tayo ay hindi pagiging duwag kundi pagiging matapang na harapin ang mga pagsubok na binigay ng panginoon.
"Hop in" pagkatapos niyang buksan ang bintana ng sasakyan niya.
Lumingon ako sa likod 'ko pati na rin sa kaliwa't kanan ko para hanapin ang pinapasakay niya pero wala naman akong nakita kaya humarap ako sakanya at
"Ako ba?" tanong 'ko sa lalaking nasa harapan 'ko na kung makangiti ay parang masisira na ang labi niya sa laki ng ngiti niya. Parang square yung hugis ng labi niya pero infairness. Gwapo siya.
"Yes, you. Maliban na lang kung may nakikita ka pang hindi ko nakikita. You know? Multo?" tapos tinuro pa niya yung likod 'ko kaya napatalon na lang ako sa takot. Alangan tumakbo ako diba? Eh di mababasa ako.
"Wag ka ngang manakot. Kung ako yung pinapasakay mo. Okay lang ako dito. Hihintayin 'ko na lang na tumila ang ulan" pagmamatigas ko. Nakakahiya naman kasi sa kanya at sa kotse niya. Baka madumihan pa to sa lugar namin at baka hindi na siya makabalik ng buhay.
"Bahala ka. Nag aalala lang naman ako sa multo diyan sa tabi mo. Baka hindi siya mabusog sa katawan mo. You know? Hahaha. So, byee--" naputol ang pang aasar niya nang tumakbo ako papunta sa shotgun seat at umupo.
"Tara na. Bilis!"
"Hahaha. Sasakay din pala. Kailangan pang tinatakot. I'm Ian. And you are Ylian. I know. Hindi mo ko stalker ah. Nagpakilala ka kanina sa unahan. So saan kita ihahatid?"
Kainis siya. Tinakot pa ko.
"Salamat nga pala pero bakit mo naisipang isakay ako eh hindi naman tayo close? Sa Payatas lang."
"Napansin ko kasi na parang ang lapit niyo sa isa't isa ng isa sa mga barkada 'ko kanina. Payatas? Malapit lang din ako dun. Tama lang na ihatid kita. Baka maguilty pa ko kapag hindi kita hinatid. Ako pa naman ang huli mong nakausap. Paano kung namatay ka? Nakidnap? I mean teenagernap? Diba? Eh di ako yung masisisi. Kasi ako yung huling nakita na kausap ka." paglilitanya niya.
Ang haba ng sagot niya ah. Isa lang yung tanong ko pero ang haba haba ng sagot niya. Try niyang sumali sa pagtatalumpati. Baka manalo siya.
"Tapos ka na sa speech m----?" siya naman ang pumutol sa sinabi ko.
"Actually, hindi pa ko tapos. Alam mo ba na sobrang lapit lang ng Payatas sa subdivision namin? Tapos alam mo din ba na kaya kong lakarin ang Payatas mula sa bahay namin kasi nga sobrang lapit nito. Ano pa ba? Hm. Ikaw ba wala kang gustong ikwento?"
Wow. As in wow. Ang galing niya po.
"Wala. Ikaw ba? Wala ka na bang ikekwento? Baka meron pa. Wag ka ng mahiya. Wala ka naman siguro nun." pabulong 'ko ng sinabi yung huli. Nakakahiya kasi naman po sakanya. Nakikisakay na nga lang po ako kahit hindi naman dapat.
"Ano? Ano ulit yung sinabi mo? Ang hina kasi."
"Wala."
Namayani ang katahimikan pagkatapos kong sagutin ang tanong niya. Nakakapagtaka, tumatahimik din pala siya. Inaantok talaga ako. Gabing gabi na kasi. Ang aga ko pa naman nagising gawa nung pag aaway nina Inay at Itay kaninang umaga.
-----------------------------------------------------------------
Nagising ako sa isang madilim na paligid. Naglakad lakad ako para makita ang paligid.
YOU ARE READING
Tangled in a Great Escape
RomanceWhen it comes to Mathematics, analyzing is made into consideration to get the right solution. But when it comes to real life, is understanding really a thing? I bet it's easier to ESCAPE. © silveriexsha.