Chapter 1

144 4 2
                                    

-James-

Walangyang mga magulang talaga sila kahit kelan.

Tae sila.

Panu kasi may mga butanding na naman sa inuupahan kong bahay. Naniningil ng utang ng papa at mama ko. At hulaan niyo magkano. 1,000,000 lang naman. Takte sila. Para namang may mahuhuthot sila sakin na mi pisong pang chichirya wala ako. Wala pa nga akong panghapunan eh.

At pambihirang mga taong to. Sabihin ba namang nag-iinarte lang ako at tinatago ko lang daw yung pera ko.

Pakshet!

Kahit hubaran pa nila ako wala silang makikitang ni anino ng isang centimo. Kahit na halughugubin pa nila ang buong kwarto wala silang makukuha. Letse! Gutom na ako.

Inaapi na ako masyado. Psh.

Kaya ayun wala na silang nagawa at binugbog na lang ako. Buti at di nila naisipang tuluyan ako. Kundi talagang mumultuhin ko sila gabi gabi. Pati na rin yung mga walang kwenta kong magulang.

Nga pala pakilala ko muna sarili ko. Aba dapat lang dahil isa ako sa mga mahahalagang karakter ng storyang ito. Importanteng role ang gagampanan ko. Hindi lang basta basta. Kakaibang Kakaiba. Walang kapantay.

Pakilala mo na nga lang sarili mo. Dami dami po pang satsat. Para kang bakla.

Tss. Wag ka ngang umeepal Ms. Author. Panget mo.

Nu sabi mo? Baka gusto mong maging bakla ka talaga sa story KO? XD

Oo na. Tatahimik na. Psh. Pasalamat ka ikaw ang gumawa ng storya.

Nanakot ka pa. Pwes sabihin ko sayo sira ulo lang ang matatakot sayo. XP

Psh. Epal. Init init ng ulo ni Ms. Author.

Sige na nga. Pakilala ko na nga sarili ko sa’nyo.

Ako si James Kiel Jung. 17 years old. Nag-aaral sa isang university na may murang tuition fee. Nagpapart time job din ako para matustusan ang sarili ko kasi as always, mga walang silbi ang mga magulang ko. Puro na lang sila sugal at utang. At ako na nakakaawa na, ang pinapabayad nila. Ang maalalahanin lang nila masyado no?

Well anyways, andito ako ngayon sa park. Naglalakad mag-isa.

Brrrrr….ang lamig naman. Tas nag ssnow pa. Huwaawh….psh.

Pasko na naman.

Yap. Pasko ngayon. Well Mamayang hating gabi pa naman actually pero nu ba paki ko? Wala rin namang mangyayari sa gabing to dahil like old times, ako lang mag-isa at walang ni konting handaan. Ni panghapunan wala ako.

I treat Christmas like any ordinary day. Nothing special.

Umupo na ako sa isa sa mga bench dun habang nakatingin lang sa malayo. Tae naluluha ako. Para na akong bakla ngayon ah.

Pero hayaan ko na nga lang muna. Napapagod na rin kasi ako eh. Sobra.

Naiinis talaga ako. Nangagalaiti ako sa mga magulang ko. Hindi ko sila maintindihan kung bakit puro sarili nalang nila ang iniisip nila samantalang may anak naman silang nangungulila at nalulungkot sa tuwing may nakikitang masayang pamilyang magkasamang lumalabas.

Ewan ko ba. Sa tagal ng panahon dapat nasasanay na ako. Kaya lang hanggang ngayon gustong gusto ko pa rin na mabuo yung pamilyang pinapangarap ko na masaya at magkakasama. Siguro dahil hanggang ngayon umasa pa rin ako na mangyayari yun.

Kaya lang….nakakapagod din minsan. Lalong lalo na kung maramdaman mong talagang wala ng pag-asa.

Simula nung bata ako, ako na mag-isa. Wala akong ni isang cake sa birthday ko. Mag isa ko na nga lang sini-celebrate dahil sila mama, andun lang sa karera o casino nagsusugal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Healing AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon