Prologue

21 2 0
                                    

Prologue

"Grabe talaga tong The Time Traveler's Wife!" Sabi ko pa habang sinisipsip ang kapeng inorder ko sa paborito kong coffee shop malapit sa  school ko.


I really love reading and watching fantasy story. I'm still amuse na kung paano mag isip ng mga ganong plot yung mga author. Like diba? Ang impossible mangyare ng mga ganon pero naiisipan pa din nila ng storya. 


Alas dos pa lang ng tanghali at alas tres ng hapon pa ang start ng klase ko. Ako lang halos ang nakatambay dito sa loob ng shop since halos lahat nag to go order ang ginagawa. Usually dagsaan ang studyante dito after class.


Nilabas ko muna ang phone ko para makapag scroll ng kaunti sa facebook. Usually wala na namang bago, puro UAAP posts lang about sa basketball ang nakikita ko. Start na nga pala ng season aayain naman ako for sure ng kaibigan ko manood ng laro ng crush nya.


Agad akong napatingin sa harap ko, nakatayo lang sya at nakatingin sa akin habang pinalipat lipat ang tingin sa akin at sa litratong hawak hawak nya. Kung titingnan ang porma nya muhka syang naiwan sa panahon ng 1800's kasi usually ang mga lalaki ngayon kung pumorma mas maikli pa ang short sa babae.


"Magandang araw, binibini." Agad akong napangiti sa kanya. Yung pagbati nya sa akin eh akala mo nasa sinaunang panahon yung settings namin!


"Hi din!" Nakangiting sabi ko dito. Napaka formal naman nito. Mag papa survey lang kaya to? Asan yung mga papel at ballpen nya kung ganon.


"Kung iyong marapatin, kinakailangan ko ang tulong mo." Grabe! Ako ang nahihirapan sa pag tatagalog nya! May tono pa! Kulang na lang nakasuot sya ng barong tagalog at sumbrerong abaniko!


"Surely! Ano ba yon?" Dahil pinalaki ako ng magulang kong mabait at tumulong sa kapwa. "What's your name ba, and taga saan ka?" Tanong ko muna dito.


Agad nitong hinubad ang sumbrerong suot nito at yumuko sa harapan ko habang ang kamay nya na may hawak na sumbrero eh nasa dibdib at ang isa ay nasa likod samantalang ang paa nya ay naka pwesto ng naka ekis. Jusko! Ganto bumati yung mga tao nung sinaunang panahon!


"Ako si Alejandro, at ako'y nagmula sa taong 1890, ikinagagalak kong makilala ka." Nakangiti nyang sabi.


Agad kong nabuga ang iniinom kong kape. Pota. Wait ano daw?! Nagmula sya sa taong 1890's?! Is this fucking joke?! Nasobrahan na ba ko kakabasa ng fantasy book?! Parang gusto ko na lang himatayin..

-


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Space In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon