PARANG MAY KULANG (ONE SHOT)

49 2 0
                                    

[Now Playing: (Yiruma) River flows in you by Sungha Jung]

Umaga na naman. Panibagong araw na naman ang tatahakin ko. Panibagong araw na kung saan kailangan ko ng makalimot. Tumayo na ako mula sa aking higaan. Humiga ulit at tumayo ulit. Saka ko na inayos ang aking kama, pumasok sa banyo at lumabas ulit dahil nakalimutan ko ang tuwalya ko. Saka pumasok ulit at doon na, doon na ako natulog ulit. Pero syempre biro lang yun. Inayos ko na ang sarili ko, natapos na akong magtoothbrush, naligo, at nagbihis. Napatitig naman ako sa salamin.  Muling nanumbalik ang dati. Siya na naman ang nakita ko sa salamin. Siya na naman? Eh siya din laman ng panaginip ko eh dahilan kung bakit ayoko pang bumangon. Napatitig ako sa salamin. Muling nanumbalik ang dati. Teka teka lang, parang inulit ko lang yata yung kanina. So ayun nga tiningnan ko lang ang sarili ko, nag-imagine na sya ang kasama ko. Pero ano ‘to? Nakangiti ako? Napapangiti ako ng kusa ng maalala ko yung nakaraan. Nakaraan na kung saan lahat ng pangyayari ay puro kasiyahan. Kasiyahan na nadarama ko dahilan na umabot sa sumpaan. Sumpaan na kung saan umabot sa mapait na karahasan. Karahasan na kung saan ay hindi na pwedeng manumbalik ang dati. Dati na puro kasiyahan ang nadarama. Nadarama na umabot sa pagkasuklam. Pagkasuklam na naging dahilan upang kamuhian ko ang aking sarili. Mahirap. Mahirap kalimutan ang lahat. Parang kailan lang nung masaya pa tayo. Parang kailan lang nung wala pang mga pagsubok. Dito na ba matatapos ang lahat? Hindi na ba pwedeng manumbalik ang lahat? Lumabas na ako ng bahay at naglakad-lakad. Sabado ngayon kaya walang pasok. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa mapuntahan ko ang dulo ng kalsadang tinatahak ko. Kalsada na kung saan sya ang nakita ko. Nakasalubong ko sya. Tinitigan ko sya sa kanyang mga mata. Ngunit bakit ganon? Ganun na lang ba sya kabilis makalimot? Oo nakita ko sya. Nakita ko sya na kasama yung bago nya. Alam ko isang taon na yung nakakalipas.  Nagpakalayo na nga ako. Ng akala ko ay ayos na. Saka ako bumalik dito. Imbis na tagumpay ang makuha ko ay kabiguan ang nakamit ko. Kabiguan na kung saan hindi ko pa pala siya nakakalimutan. Namiss ko siya. Namiss ko yung kaming dalawa pa. Naalala ko yung dating kami. Kami na laging masaya at walang pinoproblema. Nagkatitigan kami, mga ilang segundo din kaming nakatingin sa isa’t-isa. Naghahanap ng kasagutan sa maraming tanong na bakit? Pero wala. Nginitian nya lang ako. Saka iniwas na ang kanyang mga tingin. Bakit ganon? Bakit parang napakadali lang para sa kanya na tanggapin ang lahat? Bakit parang masaya pa sya sa nangyari? Masayang alalanin ang alaala ng kahapon. Masaya dahil sa mga pangyayari pero masakit dahil nagtapos kami sa dalawang salita lamang, ang salita na kung saan nasaktan ako ng todo. Dalawang salita na nabalot sa dilim ang buhay ko. Dalawang salita na ayokong marinig mula sa kanya, dalawang salita na “AYOKO NA!”.  Umuwi ako ng bahay ng nanlulumo, ayokong pumikit. Ayokong pumikit dahil baka tumulo lang ang mga luha ko. Bigla akong nakaramdam ng kamay sa aking balikat. Na kung saan ng tingnan ko ay ang kababata ko. Kababata ko na laging nagsasabi na mahal niya ako. Nandito na naman siya upang damayan ako. Bakit parang ang hirap sakin na mahalin siya? Dahil ba sa natatakot ako na masaktan ulit? O dahil ba sa natatakot akong mawala ang pagkakaibigan namin? Kaya ayokong maniwala. Ayokong maniwala dahil pare-pareho lang naman sila. Nagalit ako sa kanya dahil nagsisinungaling siya! Bigla niya akong sinampal at sinabing, “GANYAN NA BA KAMANHID ANG PUSO MO? GANYAN KA BA NIYA NASAKTAN? GANYAN BA KAHIRAP SAYO NA KALIMUTAN ANG NAKARAAN!? NANDITO NAMAN AKO! CARL NANDITO AKO! BUKSAN MO NAMAN YANG MGA MATA MO! MARAMING NAGMAMAHAL SAYO AT ISA NA AKO DUN!” napatitig ako sa kanya. Lumuluha siya, nilapitan ko siya, niyakap at sinabing, “TAHAN NA!” ngunit parang nasaktan ko yata siya ng husto. Pinagpapalo niya ako sa dibdib ko, pero hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya. At saka ko pinikit ang mga mata ko, nakiramdam lang ako at BOOM! Bakit ganun? Bakit ganun nalang kabilis ang tibok ng puso ko? Bakit parang nasasaktan ako dahil sa umiiyak ang babaeng nasa harapan ko ngayon? Hindi ba dahil…hindi, hindi maaari! Kumalas siya sa pagkakayakap ko at sinabi ang, “SIMULA NGAYON HINDI NA KITA GUGULUHIN!” pagkabanggit niya sa mga salitang yun ay bigla na siyang tumakbo, bakit parang nasaktan ako sa sinabi niya? Gusto ko siyang habulin ngunit hindi ko nagawa, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko pati ang binti ko. Saka ko lang napagtanto na may umaagos na tubig sa mukha ko. Hindi naman umuulan. Pero ng punasan ko ito saka ko lang napagtanto na umiiyak ako. Pero bakit? Dahil ba sa sinabi niya? O dahil ba sa iniwan niya ako? Nakalipas ang mga araw bawat gigising ako sa umaga nakakaramdam ako ng parang may kulang. Parang adobo na walang toyo. Gulaman na walang sago. Pagkatao na walang espirito. At ako na walang tayo! May kulang. Pinilit kong hanapin ang kulang na iyon, hindi ko alam pero bigla na lang ako lumabas ng bahay at tumakbo papunta dun. Dun sa lugar na kung saan niya sinabing mahal niya ako. Pero ng makarating ako dun, nakita ko siya na nakatayo doon. Tinititigan ang punong itinanim namin nung mga bata pa kami. Saka ko lang naramdaman na yung parang kulang na iyon ay biglang nabuo. Siya ba yung kulang ng buhay ko? Siya ba yun? Bigla akong napatakbo ang lumapit sa kanya at kahit nakatalikod siya ay bigla ko siyang niyakap. Oo, nabigla siya at dahil sa bigla niyang yun ay naalis niya ang mga kamay ko na nakahawak sa beywang niya. Humarap siya sa akin at bigla-bigla ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ayoko ng pakawalan ang babaeng ito. Ang babaeng nagpa-realize sa akin na pwede naman palang kalimutan ang lahat at magmahal ulit. Habang yakap-yakap ko siya ay bigla kong sinabing, “ASHLEY MAHAL NA MAHAL KITA! PWEDE BANG IKAW ANG BUMUO NG KULANG SA BUHAY KO?” ewan ko kung ano ang reaksiyon niya pero nagulat nalang ako ng sinabi niyang, “ KUNG BUBUUIN KO YAN MAHIHIRAPAN KANG KALIMUTAN DIN AKO HAHA” nagtagal kami ng ganun kalapit at yakap ang isa’t-isa. Oo siya pala ang kulang sa buhay ko. Happily ever after na ba? Siguro hindi pa dahil alam namin na marami pang pagsubok ang darating at sabay naming kahaharapin dalawa iyon. Sa wakas nakumpleto na din ang kulang sa buhay ko. At dahil yun sa babaeng kayakap ko ngayon.

PARANG MAY KULANG (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon