Chapter 2
Marlo Mortel, Sabi nila, gwapo at mayaman daw ako. Sympre totoo naman talaga iyon. Nabiyayaan kaya ako ng kagwapuhan at sympre ng karangyaan sa buhay. Pero sa kabila ng tinatamasa ko ngayung yaman hindi ko pa rin wari sa isipan ko kung bakit pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa akin. At yun ang kailangan kung hanapin.
Dalawa kaming magkapatid. Ang ate Tamara ko ay ipinakasal na mommy ko sa isa sa mga anak ng kanegosyo niya. Lahat ng sa amin ay kontrolado ng mommy namin. Lahat ng idekta sayo dapat sundin mo. Pero one time hindi ko na natiis ang mommy ko dahil lahat nalang pinapakialaman niya.
Pinatapon niya ako sa states at doon nagaral. Pero apat na taon ng nagdaan ay bumalik ako ng pilipinas para ipagpatuloy dito ang pag aaral ko. Kaya nga dito sa Faith Academy Manila para mag aral. Dahil na rin sa kagustuhan ng Ate ko.
Isang linggo na ko sa Faith Academy Manila sinundo ako ng mga kaibigan ko sa bahay sakay ng kotse ni Ford. Magkakaibigan ang family namin kaya kaming mga anak ay magkakaibigan rin.
Nasa may entrance na kami ng may humarang na babae at nakatayo lang ito sa harapan. Binusinahan ni Ford ito at sinigawan pa. Nagulat naman yung babae at biglang gumilid. Tinignan ko ang mukha nito. Pero tumalikod rin ito bigla. Nang makarating kami sa lobby ay hinanap ko siya pero hindi ko na ito makita.
"Oh pare sinong hinahanap mo?" tanong ni John sa akin. Palinga linga ako. "Wala naman pare." sabi ko aalis na sana kami ng tawagin ako ni Patricia.
"Marlo..wait sasabay na ako sayo." sabay hawak nito sa kamay ko. "Pwede ba patricia, nakakahiya baka isipin nila girlfriend kita." sabi ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo ba?"
"Pwede ba..." pinanlakihan ko siya na mata. "Lets go." sabi ko sa tropa ko papunta na kami sa classroom namin.
Pagdating namin sa classroom nakita ko na may umupa sa upuan ko. Lahat tumigil sa kakadadal nong pumasok kaming lima sa classroom. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng taong nakaupo sa upuan ko.
Nagsalita si james sa likod ko at sinita ang babaeng nakaupo sa upuan ko.
"Miss Upuan yan ni Marlo" sabi nito pero hindi natinag ang babaeng nakaupo doon. Umangat ang mukha nito at nakita ko ang maamo nitong mukha. Siya yung babae kanina.
Sumabat pa ito wala naman daw pangalang nakasulat sa upuan na yun kaya hindi ko daw pag aari iyon. buwelta nyang sagot sa akin.
"Aba sumasagot ka pa." ulit ni james dito.
"Basta upuan yan ni MArlo kaya umalis ka jan." nagsalitang muli si James.
BINABASA MO ANG
Love You, Mr. Annoying
Teen FictionPaano kung mainlove na si Ms. Maganda kay Mr. Annoying, Pero may hadlang dahil dumating ang Bestfriend nitong si hana. will Janella fight for her love until the end?