Boy Meets Gay

58 1 0
                                    

CHAPTER ONE

   Napatingin si Kayan sa suot nyang relo. Alas-kwatro ng hapon. Sa isip nya, kinalkula nya kung anong oras sya makakarating sa Matnog, Sorsogon. Dahil 13 hours ang byahe, sa tantiya niya'y mga alas-singko na ng umaga.
    Ilang taon na rin ang lumipas nung huli siyang nakatuntong sa Matnog, sa hometown ng kanyang ama. Magmula noong naka-graduate sya ng high school ay hindi na sya nagkaroon pa ng panahon para makadalaw pa. Pagkatpos ng dalawang taon sa kolehiyo sa Maynila ay nakapagtrabaho kaagad sya sa call center, kung saan hindi ganoon kadaling mag-leave para magbakasyon.
    Pero ngayon ay kailangan nyang pumunta roon. Kailangan sya ng kanyang ama...
    Naalerto sya mula sa panandaliang paglipad ng isip nang nagsimulang magsitayuan ang mga kapwa nya naghihintay sa terminal. Dumating na ang bus na sasakyan nila.
    Binuhat nya ang kanyang duffle bag at ang malaking kahon na puno ng pasalubong para sa kanyang ama't ina. Lumapit sya sa konduktor ng bus na abala sa paglalagay ng mga bagahe ng mga pasahero sa estribo. Nakatayo malapit rito ang driver ng bus na naninigarilyo habang kakwentuhan ng konduktor.
    Iniabot nya ang malaking kahon sa konduktor. Napatingin saglit sa kanya ang mama sabay nakipagpalitan ng makahulugan at natatawang tingin sa driver. Binalewala na lamang nya iyon. Alam nyang normal na reaksyon na iyon ng bawat bruskong Pilipino sa tuwing makakakita ng baklang nakapambabaeng suot na kagaya nya...
    Matapos masigurong naisakay na sa istribo ang kanyang kahon, umakyat na sya sa bus.
    Inilabas nya mula sa kanyang bulsa ang kanyang ticket upang alamin kung saan sya pupwesto. Seat #12. Tumuloy na sya sa paglalakad papasok sa bus. Ilang saglit pa'y nakita na nya ang naka-assign na upuan para sa kanya. Yung sa may ng bintana.
    At may nakaupo na roon.
    Muli nyang ineksamin ang kanyang ticket. Seat #12. Yun nga iyon. Yung kinauupuam nung binatang nadatnan nya. Hindi sya nagkakamali.
    Tumikhim sya para kunin ang atensyon nito, "Excuse me."
    Nag-angat naman ito ng tingin sa kanya, "Yes?"
    Isa lang ang agad na napansin nya nang makakuha ng maayos na tingin sa mukha nito... Gwapo ang binata, no doubt.
    Pero wala syang pakialam. Paborito nyang pwesto yung sa may bintana. Pilit syang ngumiti rito, "Seat number ko yan."
   "Ah ganun ba?", nagkamot-ulo ito, "Eh nauna na ako rito eh. Pwede bang dito na lang ako?", pa-cute itong ngumiti.
   Pinigilan nyang manggigil. Sa isip-isip niya'y akala siguro ng binata ay madadaan siya nito sa pagpapa-cute lang porke't bading sya, "Hindi pwede. Yan yung binayaran kong upuan. Kaya dyan ako."
   Sakto namang lumapit ang konduktor sa kinaroroonan nila, "May problema ba?"
   "Oo, kuya.", agad nyang hinarap ang konduktor, "Seat #12 kase yung nasa ticket ko, kaso ayaw nyang umalis sa pwesto ko.", pagtataray nya.
   "Grabe ka naman Meme, wag ka namang masungit.", palambing na singit ng binata sabay baling sa konduktor, "Mahihiluhin kase ako kuya, pero hinde kapag malapit sa bintana. Sige ka, baka sumuka ako dito sa bus nyo pag dyan ako malapit sa gitna naupo.", biglang pagpapaawa nito.
   Napabusangot siya rito dahil halatang-halata naman na nag-iimbento lang ito ng kwento.
   "Hayaan mo na sya dyan, boss. Nakakaawa naman, baka magsuka pa. May mauupuan ka pa rin naman.", tanging sagot ng konduktor.
   Agad na nagpanting ang tainga nya. Idagdag pa na tinawag siya nitong boss, "Nagpapaniwala ka talaga sa kanya, ha, kuya?!"
   "Maupo na lang po kayo at nakakaabala pa kayo dahil kanina pa kayo nakaharang sa daan. Marami pa pong sasakay.", walang pakialam na sagot sa kanya ng konduktor.
   Saka lamang nya napansin ang mga pasaherong naharangan nya na mukhang bagot na kahihintay sa pansamantalang pag-antala nya sa daraanan.
    Padabog at tiim-bagang na napaupo na lamang sya sa tabi ng binata, sa pwestong malapit sa isle na dinadaanan ng mga pasahero. Nang magsimulang dumeretso ang mga pasahero papasok ng bus ay ilang beses pang hindi sinasadyang tamaan sya sa mukha ng ilang may bitbit na malalaking bag, kaya lalo lamang nadagdagan ang inis nya.
    Napalingon sya sa kanyang katabi upang tingnan ito ng masama.
    Pa-cute lamang na nagkibit-balikat ito sa kanya.
    Inis na inilabas nya ang kanyang cellphone at isinalpak ang earphones sa kanyang mga tainga. Itinodo nya ang volume ng kanyang playlist saka sya inis na napabuga ng hangin habang iniisip na 13 hours niyang makakatabi ang tukmol na umagaw sa upuan nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boy Meets GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon