*Kringggg Kringgggg*Nagising nalang ako sa tunog ng aking alarm clock. Haysss. Ang sarap sarap ng tulog ko, tapos guguluhin lang ako sa pagtulog. Tsk!
"Bree, anak! Gumising ka na't malelate ka na!" Mas lalo naman akong napagising dahil sa boses ni mama.
Bakit? ano bang meron ngayon?
Agad kong kinuha ang phone ko upang tignan ang araw.
June 5, 2017
First day of classes
8:00
Wake up!8:00?
Agad na naman akong napalingon sa oras ko. 7:00 na! Shit! isang oras nalang at papasok na ako.
Bibilisan ko nalang!
-
"Ma! alis na ako!" Sigaw ko sa mama ko at nagmadaling isuot ang sapatos. Lalabas na sana ako, pero tinawag pa ako ni mama."H-hoy! Di ka kakain?" Tanong ni mama sakin.
"Di na po! sa school nalang!" At tumakbo na ako palabas ng bahay.
Ang ganda noh? First day na first day, pero malelate ako. Nakakahiya pa naman. Kababae ko pang tao!
Tsk.
Hayaan na. atleast nakapasok. Sabi nga nila, 'Its better late than never.'
7:34. Hays, ilang minuto nalang.
Hindi naman mahirap pumunta ng school ko, dahil walking distance naman ito. Pero kailangan ko pa din maging maaga, just in case na may mga ipagawa pa samin.
-
Hihingal-hingal akong tumigil sa harap ng school gate namin. Wala pa gaanong estudyante. Napahinga naman ako ng malalim.
Wala pa naman pala.
Inayos ko nalang ang uniform ko pati narin ang buhok ko. Ngumiti ako at pumasok na ng gate. Namangha ako sa nakita ko, dahil sobrang lawak ng space ng school nato.
Napalingon naman ako sa quadrangle, kung saan inaayos ang mga silya pati narin ang mga microphone na gagamitin.
Haha. Unang pagpapakilala pra sa unang pagpasok.
Mayroon namang mga estudyante ngunit kakaunti lamang. Pero, may hinahanap ang mga mata ko.
Christian...
Sino siya? haha. Siya lang naman ang crush ko simula grade 6 pa lang. And yes, its been 5 years, simula nung nagustuhan ko siya.
5 years...
Grade 10 na kami ngayon, at pareho kami ng pinapasukan ng paaralan. Masya ako, nung nalaman ko, na dito din siya tutuloy at mas lalo akong naging mas masaya nung nalaman ko na magkatabi lang ang room namin.
Yes! May chance ako, para kausapin siya!
Kung meron lang naman. I mean, normal na tao lang naman siya, normal na tao din ako, so compatible kami! hahah. Road to forever na itooo.
Napailing na lamang ako dahil sa kagagahan ko at napatawa ng kaunti. Naghanap nalang ako ng upuan na medyo malapit-lapit sa kanya. Para naman, maganda ung view diba? Kahit ulo at likod lang, sapat na. Haha!
I'm Bridget Hanna Tarfore. People call me Bree, since mahaba daw name ko. Hahha. Ang iksi lang kaya. 2-syllables lang eh!
I'm 15 years old tapos isa akong normal na babae. Yung tipong, di kami mayaman at di kami mahirap. May kaya ang pamilya ko.Si papa, ay isng engineer, pero sa kasamaang palad, namatay na ito. Dahil, nahulog sa 7th floor ng building na kanilang ginagawa. Si mama naman ay isang mananahi kaya, kahit papaano ay nakakaraos kami. Iisa lang akong anak, pero di ako spoiled. Pinalaki nila ako, ng mabuti at di magastos.
BINABASA MO ANG
From Afar
RandomWhat if someone you liked, will never be yours? As in, sobrang tagal mo na siyang crush, pero, he can't notice you But, what if kung may chance ka? Would you grab it or turn tables? Read it for you to find out. ------ JOYTABLANDAWP A story by Madam_...