Finally, naka pag Update na din ako ng second chapter. Hope you guys like it :)--
Chapter II: Unexpected Contact
-
"Okay, so class, since 2nd day natin toh, medyo chill tayo ngayon." Napa'wohooo' naman ang mga kaklase ko.
"Mag-oopen forum tayo with a twist." Napa nga nga naman mga kaklase ko. "So in a 1/4 sheet of paper, isusulat nyo yung taong gusto nyong maging kaibigan without listing your name. tapos, under that, explain why, kung bakit gusto mong maging friend ang taong yun."
Napatango naman kaming lahat. 2nd day na 2nd day, may pa-eme si Ma'am. Haha.
"Penge, wamport!"
"O, ito lawayan mo, tas hati tayo!"
"Hades, penge wempert. hihihihi"
"Guysss, ito, one-fourth libre lang!"
Iyan lamang ang mga maririnig mo sa mga kaklase ko. Grabe, grade 10 na, pero wala pading one-fourth. Tsk!
Binuksan ko na ang bag ko at kinuha ang aking 1/4 pad. Magsusulat na sana ako, nung may sumutsut sakin.
Nilingon ko kung sino. si Hades. At aba, alang hiya! Nanghihingi ng 1/4. Yaman yaman nito, walang pambili? 3 pesos lang toh eh.
Tsk.
Nagpilas na ako ng isang papel at binigay sa kanya. Nginitian niya at nag mouth ng 'thank you'. Tinanguan ko nalang siya at nagsimula na magsulat.
Hmmmm, sino ba isusulat ko? Mukha namang di friendly yung iba eh. Hakhak.
Bala na. Lahat, naman gusto kong maging friend eh. Di bale nalang. Kung sino nalang ang tingin kong mabait sa classroom. Hehe.
-
Natapos na din kami sa pagsusulat ng mga pangalan at ipinasa na din namin sa adviser namin.
"Okay, so ngayon. isa-isahin kong babasahin ito infront."
Agad naman nag reklamo mga kaklase ko. Haha. Excited pa kayo kanina, magsulat ng mga pangalan.
Bumunot na si ma'am ng papel, at binuklat ito. Cinilear nya muna ang throat niya, before she read.
"Gusto kong maging kaibigan si, Bridget. Dahil, maganda siya at mukhang mabait. Feeling ko din, na matalino siya at ubod ng ganda ang kanyang loob." Pagbabasa ni Ma'am sa papel.
Napatingin naman lahat sa akin. tapos bigla sila nag 'ayyiieee'. yung iba inaasar ako tapos, pabirong tinutulak.
Aba, bakit naman?
"Wow, Bridget, parang may nagkakagusto sayo ah!" Tugon ni Ma'am
Ha? Bridget? So it means....
Well, wala namang malisya kung may magkagusto man sa akin. Pede naman kami maging friends eh. And, ako maganda? hahaha.
Bumunot uli si Ma'am at nagpatuloy basahin ang mga nakasulat sa papel. May mga nahihiya, may mga walang pake alam naman. At yung iba, ay puro kay Hades ang papel. Kaya ang ending, sobrang ingay sa klase dahil sa mga tilian. Kinikilig lahat ng mga babae.
"Wow, meron pang isa para kay Bridget." Untag ni ma'am na nakakuha ng atensyon ko. "I like, Bridget Hanna Tarfore to be my friend. Kasi, sobrang cute niya. Kahit na minsan naiinis siya sa akin dahil sa pagtawag ko sa kanya ng 'Bridget.' Siya kasi ang unang kong kinausap, simula kahapon."
Mukhang alam ko kung sino ang nagsulat nito.
Si Hades...
Agad ko siyang nilingon, at ito na naman siya. Nakangiti na naman at nawawala ang mga mata. Maya maya pa lang ay kinindatan niya na ako.
BINABASA MO ANG
From Afar
De TodoWhat if someone you liked, will never be yours? As in, sobrang tagal mo na siyang crush, pero, he can't notice you But, what if kung may chance ka? Would you grab it or turn tables? Read it for you to find out. ------ JOYTABLANDAWP A story by Madam_...