Bakit Best Friend ko pa... AND Friendzoned... ^_^

15 0 0
                                    

Friendzoned

? purpleyhan 2012

Mika L.

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Hanggang dito nalang ba talaga tayo?___________________Breaktime na naman. At  ayan na naman ang kantahan ng mga kaklase ko. Syempre nangunguna na dyan si Mijo, Isa siya sa mga naggigitara at sinasabayan naman ng mga classmate ko. Ako naman, patingin-tingin lang.. At Pangiti-ngiti... :)

        "Just take my hand, fall in love with me again,  Let's runaway to the place                                            Where love first found us, Let's runaway for the day,  Don't need anyone around us" 

Napasabay na rin ako sa pagkanta. Ang galing niya talaga maggitara. Ang ganda pa ng boses niya. Parang matutunaw ka kapag nakatingin siya sayo habang kinakanta niya yun. Maya-maya lang ay natapos na  sila at nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan dahil parating na si Ma'am Mercado.

       "Hay! Kapagod! Nakalimutan ko tuloy kumain. " - sabi niya habang nilalagay niya yung gitara niya sa lalagyan.

       "Masyado mo kasing na enjoy pagkanta eh."   Tinignan ko lang kung paano niya ilagay yung gitara niya. Oo nga pala, seatmate ko siya.

"Ang saya kasi eh. Hahaha!!! ^o^ " tapos ngumiti siya na halos mapangiti rin ako dahil dun... 

"Ah eto oh, may natira pa akong pagkain. Gusto mo? " Inabot ko sa kanya yung sandwich na hindi ko nakain dahil busog na ako sa biscuit..

"Ay! Salamat Chill ! Ang bait mo talaga" At nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Pinisil niya yung ilong ko kaya napatalikod ako bigla. Baka kasi makita niya na namumula yung buong mukha ko..  

_____________________________________________________________________________

(A/N: or nagBLUSH siguro ikaw teh!! haha)  

"wag kang maki alam dahil ikaw ay si miss Author :P at bumalik kana sa work mo kung hindi 'NAKO' ..."

(A/N: ok! ms. Chill ^^)

_____________________________________________________________________________

[ Back to story::::::: ^o^ ]

Nakakahiya naman yun di ba?

"Challamhaat ulhheeet! " narinig kong sabi niya at alam kong nagsasalita siya habang kumakain. At tumango nlang ako at nakatalikod pa rin sa kanya. Siya si Mijo Charisma. Isa sa mga kaibigan ko pero higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Mahal ko siya. Pero sino nga ba ako? Kaibigan lang naman niya ako. At hanggang doon lang ako. Alam  ko yun. Friendzoned kung baga. Yung hanggang kaibigan lang. Yung hanggang doon nalang. Yung may limit. Halos araw-araw ay kumakanta siya tuwing breaktime. Ibaa-ibang kanta. At nakakainis dahil tinatamaan ako sa bawat kanta niya.    Kung pwede lang siyang batukan doon at sabihing ' ITIGIL MO NA NGA YAN! , PANAMAN KA MASYADO EH!!! '

                    Naiinis rin ako sa mga babaeng laging nakapaligid sa kanya pag tumutugtog siya. Palibhasa kasi maganda ang boses nila kaya nakakalapit sila sa kanya at sumasabay sa pagkanta niya. Habang ako, nakatanaw lang dito sa upuan ko.... :(

"Natapos rin! Ang sakit ng kamay ko! " bumalik na siya sa upuan niya at bigla akong kinakabahan nung nagkadikit yung balat naming.. ><! Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. 

                        " Chill, pamasahe ng kamay. " Inabot niya yung kamay niya sa akin at tinignan niya ako sa mata at nagpacute pa siya. Now I'll totally screwed. Sino bang hindi papayag na mahawakan yung kamay niya? Aba chance ko na rin to para manyakin, I mean mahawakan yung kamay niya..haha!!! "Okay. Kinakarir mo masyado pagiging gitarist ah. Haha." Sinimulan ko nang magmasahe at halos gusto ko nang tumili sa sobrang KILIG!! haha... Grabe torture to!      Ang lambot lambot pa ng kamay niya. 

"Ang galing mo palang magmasahe eh." Napatingin ako sa kanya at halos malaglag ako sa upuan ko nung nakita kong sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Idagdag mo pa na nakangiti siya habang nakatingin sa mga mata ko. Ayoko na, yung puso ko ang bilis na ng tibok.

"Oh ayan, tama na yan." Tapos binitawan ko na yung kamay niya kahit ayoko. Andyan na kasi yung teacher namin eh.   "Ay, epal naman ni ma'am oh. Ang sarap sarap magpamasahe eh. Tsk. " Narinig kong sabi niya. Hindi ko alam pero di ko mapigilan yung ngiti ko kaya humarap muna ako sa kabilang side para lang mailabas tong pesteng kilig na to. Hahaha! Ang saya-saya ko ngayon! Nahawakan ko yung kamay niya. Natitigan ko siya matagal. Pero magkaibigan lang kami. Friendzoned. Nung breaktime naman naming hapon, biglang may napadaan sa akin na slumbook. Uso kasi yun dito eh. Stuffs like that. 

Tumingin naman ako kay Mijo na natutulog ngayon sa armchair niya. Ang cute niya ngang tignan eh. Sinagutan ko naman agad yung slumbook pero napatigil ako dun sa page na about sa love.

"What is love? "

Napangiti naman ako agad at nagsulat. "Love is when youre smiling when  he with you." 

"Describe your first love? "

Kinakabahan naman ako dito. Kasi siya ang first love ko. Yung secret love ko. Siya..

'He doesnt know my feelings for him. I'M friendzone.'

Yun nalang yung nasulat ko. Ayokong magdescribe kasi magaling manghula yung classmates ko. Dati nga muntik na nilang mahulaan eh, tumanggi nalang ako at naniwala naman sila. So close right?

                           " Chill! Tapos ka na? " sabi ni alexandra, yung may-ari ng slumbook. Tumango nalang ako. "Mijoooooo!! " nagulat naman ako nung sinigawan niya sa tenga si Mijo. Ang adik talaga nun.

"hmmm?? " inangat niya yung ulo niya at saka kinusot yung mata niya.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

(A/N: dyan lng muna ang storya dahil may PART 2 pa  yan ng FRIENDZONED...haha!!!)

Salamat po pala sa mga nagbabasa ng FRIENDZONED at abangan nlang nyo po yung part2 ng storya at maraming salamat sa inyo dahil nagustuhan ninyo ang storya nga magkaibigan na si MIJO CHARISMA at CHILLY MAE MENDOZA... :) "MARAMING SALAMAT PO sa mga taga READER'S " ^O^

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Best Friend ko pa... AND Friendzoned... ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon