SeleneMasaya akong nag-lalakad patungo sa garden ng school. Susurpresahin ko kasi ang boyfriend kong si Lance dahil first monthsary namin ngayon.
Habang nag-lalakad ako ay binabati ako ng mga nakaka-salubong kong studyante. Hindi naman sa pag-mamayabang pero medyo kilala rin ako sa school na 'to dahil ako ang student council president dito.
Ng maka-rating ako sa garden ay parang gumuho ang mundo ko sa nakita ko. Ako ata ang nasurpresa dahil nakita ko lang naman si Lance na kahalikan si Ally. Ang bestfriend ko. Napalingon naman sila sakin at nanlaki ang mata.
"S-selene..." Akmang lalapit sa akin si Lance pero pinigilan ko agad ito at mabilis na tumakbo patungo sa gubat. Nasa may gilid ng gubat kasi ng garden ang gubat.
Nanlalabo na ang mata ko habang tumatakbo dahil sa kaiiyak na sinabayan pa ng buhos ng ulan. Great.
Napa-hinto ako ng bigla akong mabangga sa puno at tumagos. W-wait, what? Tumagos?! Napakurap ako at inilibot ang paningin ko.
"T-teka?! Nasaan ako?" Nanlaki ang mata ko at nataranta. Nasa isang lugar kasi ako na puno ng tao at may mga nag-titinda. Mayroon ding mga batang nag-lalaro't may mga namamasyal. Gabi na rito at ang tanging liwanag lang ay ang mga ilaw. Teka- gabi? Eh, umaga pa ah.
Biglang may dumaan sa harapan kong babae kaya kinalabit ko ito kaya huminto naman ito.
"M-miss?"
"Yes?" Napakurap ako sandali ng mag-salita ito. Ang ganda niya pati narin ng boses niya. Ang puti puti niya rin at may mapupulang labi.
"A-anong lugar 'to?" Sabay tingin ko sa paligid.
"Nasa Irish Park ka, miss. Naliligaw ka ba?" Nakangiti nitong tanong.
"Oo eh. Bigla kasi akong tumagos sa puno kanina tapos pag-kurap ko'y narito na ako." Bigla namang nanlaki ang mata nito.
"Nakapasok ka sa portal? Ngunit hindi ka naman royalty o myembro ng council" Ha?
"Anong portal? Royalty? Council?" Naguguluhan kong tanong. Tumingin ito sa akin ng mabuti.
"Hindi mo ba alam?"
"Alam na?" Takang tanong ko.
"Na nasa ibang mundo ka at tumawid sa isang portal? Na nasa mundo ka ng mga bampira." Biglang nanlaki ang mata ko at tumawa ng pilit.
"Nag-bibiro ka lang naman, hindi ba?" Pero umiling lamang ito't hinila ako paupo sa isang bench.
"Hindi. Totoong nasa mundo ka ng mga bampira at alam mo bang walang ibang uri ang nakaka-pasok sa mundo na 'to kundi bampira lamang? Kaya sigurado akong katulad rin kita." Mas lalong nanlaki ang mata ko.
"A-ako?! Bampira? C'mon, miss. Tao ako." Umiling lamang ito at tinitigan ako.
"Tao nga ba?" At ngumisi ito't humaba ang pangil kaya napa-atras ako. Bigla naman itong tumawa't binalik sa normal ang mga ngipin nito. B-bampira nga siya!
"Sorry kung natakot kita, miss. Ako nga pala si Sabella. Ikaw?"
"S-selene..." Bigla itong napa-tigil ng marinig ang pangalan ko.
"S-selene? Yan ba talaga ang pangalan mo?" Kinakabahang tanong nito.
"A-ah okay. Halika! Sumama ka sa'kin." At hinila ako nito.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko rito.
"Sa school ko. Ie-enroll kita roon tsaka huwag kang mag-alala dahil libre lahat doon at may dorm din doon." Wow! Libre lahat? Eh sa mundo nga na tinitirhan ko dati ay may bayad pa eh.
"Saang school ba?"
"Vampire High..."
Biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko kaya't napahawak ako rito.
"Ayos ka lang ba, Selene?" at hinawakan ako nito sa balikat. Ngumiti naman ako.
"Oo" bumuntong hininga ako.
"Okay!" At humagalpak ito ng tawa. Ha? Baliw ba 'to? Psychopath?
"B-bakit ka tumatawa?" Naguguluhan kong tanong.
"Kasi hindi ako umiiyak." At bumungisngis pa ito. Ang kulit niya pala. Napa-ngiti naman ako. I think, mag-kakasundo kami.
"Halika. Mag-bihis ka muna." At hinila niya ako pataas sa second floor at pumasok kami sa isang kwarto. Kwartong puno ng damit, sapatos, at iba pa.
"Sige. Mamili ka lang diyan. Hintayin nalang kita sa ibaba." Tumango naman ako't lumabas na ito.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko inaakalang dahil lang sa pang-yayaring 'yon ay napadpad ako rito. Na sa isang iglap lang ay napadpad ako sa mundo kung saan ako nabibilang. Kung saan ako nararapat. Sa mundo ng mga bampira.
Namili ako sa dress section at sinuot yung kulay puting dress atsaka bumaba. Ngumiti sakin si Sabella at hinampas ako.
"My gosh! Bagay sayo, Selene!" Tapos kumislap pa ang mata. She's crazy but I like her. Mukhang hindi magiging boring ang pananatili ko sa mundong ito. Medyo nakalimutan ko na din si Lance. Hays.
"Oh. Lumungkot ka ata?" Umiling lang ako't ngumiti.
"Wala to. Naalala ko lang ang pamilya ko sa mortal world." Lie. Wala naman akong pamilya eh.
"Okay lang 'yan! Ako nga di na masyadong nakikita pamilya ko eh. Puro sila work, work, work," sabay tawa nito't inakbayan ako tsaka hinila at bigla kaming napunta sa harap ng isang malaking gate. Nanindig ang balahibo ko sa aura ng paligid.
"Welcome to... Vampire High."