Ganito bumanat ang lalaki:
Style ng lalaki, bulok na bulok na e. Naka sulat na sa lahat ng diary ng mga babae dahil pare parehas naman mga linya nila:
1. Madalas nilang sabihin pag nagkukwento ka about sa ex mo, hayaan mo na siya, andito naman ako . Aalagaan kita. Pero malaman laman mo pag medyo nakaka-MU mo na, e parehas lang naman sila.
2. Ang walang hanggang gasgas na linya, Kung magiging tayo lang sana, mamahalin kita at papasayahin. At pag sinagot mo na, malalaman mo na yan din ang sinabi niya sa lahat ng mga ginago niya.
3. Pag naman alam nilang may nagugustuhan kang iba, Ako na lang kasi, saken di ka malulungkot, kung ako lang siya, maswerte na ko sayo. Pero di maglalaon, makikita mo din ang katotohanan.
4. Eto yung matindi, yug tipong gumagamit pa ng pick-up line. Para ka palang buwan, kasi ikaw ung ilaw ko sa madilim kong mundo.
Nakakaloka. Nakakasawa na yung mga ganyang linya. Paulit-ulit nalang. Pero ewan ko ba madaming babae pa din ang naloloko. Madalas pa nga tayo pa yung nagkakandarapa, umiiyak at nasasaktan pag iniiwan ng mga lalaking gumamit na ng mga ganyang linya e. Masyado tayong mapagpaniwala sa mga lalaki. Hindi na natuto.