YOU AND I (our past in between)

7 1 0
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Tara na kasi!" sigaw ni Celestine. Sabay hatak sa kamay ni Keisha. Nalaglag tuloy ang pagkaen. 'BADTRIP'.

"eh ayoko nga! ano bang mapapala ko dun?" pagtanggi ni Keisha.

Pinipilit kasi ni Celestine si Keisha na manuod ng basketball.

'Eh ayoko nga! sarap ng kaen ko dito taz iistorbohin ako? SUNTUKAN NALANG OH!'

"maraming gwapo dun! sige na!" pagpilit pa nito.

"ikaw nalang kase! ayoko nga eh! ooh .. ayan si jued oh? baka manunuod din yan" pagtanggi ni Keisha.

At padaan nga sa harapan nila si Jued, classmate nila. Papunta din sa court ang babae para manuod.

"Jued!!" tawag ni Keisha. Medyo agaw pansin sa lakas, pero okay na. hihi.

Pasimpleng sipa naman si Celestine sa paa ng kaibigan. Medyo di niya kasi trip yung idea na  makakasama niya si Jued. Imbyerna siya dito for being so irritating. Ang arte kasi! Pero mabait naman. Sana nga .. mabait naman. Hihi

"yes? why?" sagot ni Jued. May pagsway pa ng hair paglingon.

'Oh diba? arte?' haha.

"AWW!!!!" Biglang sigaw ni Keisha.

Sinipa ng malakas ni Celestine ang paa ni Keisha. As in malakas! pagtingin sa kaibigan ay inirapan siya nito sabay ang pagtayo. NAGWALK OUT ang gaga!

"ah wala. wala . hehe" baling ni Keisha kay Jued.

"k.bye" sabay alis na.

'Minsan sarap ding bigwasan neto eh? pinipigilan ko lang talaga yung sarili ko. Wait! Si Celestine??'

At ayun, tampururot! walk out ang drama. Hinabol ni Keisha.

"Celeste! wait!" sigaw ko habang lakad takbo.

Hindi lumingon. 'Baka galit na nga, lagot!'. Patuloy lang ang pagsunod ni Keisha. 'Hirap na, ayaw ko namang magkagalit kami dahil lang sa mababaw na bagay.'

"ui! celeste! sandali lang naman?? eh kasi bakit na---"

Huminto sabay harap kay Keisha. Biglang ngumiti.

"Salamat sa pagsama Keish!" sabi ni Celestine sabay ang paghatak nanaman sa kamay ni keisha.

'At ayun nga hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa gate ng court. Bago pa ko makatanggi ay nakapasok na kami. OO! trick niya lang yun. yung pagwowalk-out! Yung pagpapahabol! lahat yun .. plano! BADTRIP.'

Finally, nakaupo na ang dalawa. Sa dami ng tao, hirap makahanap ng bakanteng upuan. Infact, yung upuan nila ngayon, di siya bakante talaga. Umalis lang yung dalawang babae hindi lang sure ni Keisha kung san pupunta.

At bigla nga siyang hinatak ni Celestine papunta sa mga pwestong nabakante. Tumanggi man una si Keisha ay pumayag na rin ito, 'Tae! hirap tumayo lang dun nu!'

'Naalala ko pa yung eksena niya kanina nang bumalik yung dalawa'. Bumili lang pala ng drinks. (may hawak na pagbalik eh?)

GIRL 1: "Miss, excuse me? kami jan."

'Deadma lang kami'. Kunwari walang narinig ang dalawa.

GIRL 1: (tinapik si Celestine) "Kami jan Miss. Bumili lang kami ng drinks"

YOU AND I (our past in between)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon