Lasa ng Pag-ibig (bitter)

18 2 0
                                    

MOVE ON! 

MADALING SABIHIN .. MAHIRAP GAWIN

LALO NA KAPAG NAIISIP MONG HABANG MASAYA KA PA, PINAGPAPLANUHAN NIYA NA PALANG HIWALAYAN KA NA.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Mistula daw kaya mong ibigay ang buwan

At sungkitin ang mga bituin

Maibigay lang sa iyong ginigiliw.

Subalit totoong ito'y pawang kalokohan

Pawang pang-uto lamang para mapagbigyan sa 

Pagsintang inaalok niya.

Matalino, mabait, tahimik at marami pang iba.

Mga bagay na nagustuhan ko sa'yo nung una.

Labis na paghanga ang nadarama

Marahil nga ay namumula pag kinakausap mo na.

At naglevel-up ang lahat,

Yung tipong natalo mo yung master sa CONTRA at naglevel 2 ka na.

Yung parang nakatalon sa flagpole si SUPER MARIO at naglevel up na.

GANUN!

Kay galing mo sa lapis at pambura, 

sa pagpinta'y sadya ring nakakahanga ka.

Inakala ko tuloy na kaya mong iguhit ng maganda 

At burahin ang mali sa relasyon nating dalawa.

Bigyang kulay sa pamamagitan ng pintura

At ikwadrado pa nga upang makita ng iba.

Subalit mali pala ang akala,

Naging scratch paper lang pala.

Nang magkamali ay madaling ibinasura,

Kumha ng iba at doon muling nagsimula.

Nahulog ako sa dimples mo.

Dimples na katulad ng nung sa artista.

Sa ngiti mong nakakabuhay ng sistema,

At sa pagkanta mong nakakawala ng problema.

Totoo! Nahulog ako sa'yo!

Nahulog ngunit hindi mo sinalo!

Ang BITTER BITTER ko nun,

Nang ang chaka ng ipinalit mo.

Susko dong! Gusto mong hanapan kita ulit ng iba?

Kasi mas masakit pa ata yun kesa sa pag-iwan mo sa'kin nun!

Nang iniwan mo ko nun, alam kong naging masaya ka.

Nakahanap nang totoong pagkalinga sa katauhan ng iba.

Masaya ako para sa inyong dalawa,

Masaya nalang .. OO yun nalang.

Kaysa naman mas pahirapan ko pa ang sarili ko,

Sa pag-aaming sobrang sakit ng ginawa mo.

Masaya ako ngayon,

Pero mas sasaya..

Kung ilang araw pa

EH HIWALAYAN KA NA NIYA!

Lasa ng Pag-ibig (bitter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon