Summer Love

2 0 0
                                    

Chapter 1

si Jason

"anak ng...!"

ang bungad ni Sunshine sa binuksang bintana nila sa sala.

"bakit ba naman ang hirap itulak pra buksan itong binatana dito, mommy?! ang init na nga naka sara pa itong bintana dito."

*blag*

nagulat sya ng biglang may malaking plywood na lumagpak sa kabila ng bintana nila.

Dalawang lalaki ang napatingin sa kanya after lumagpak ung plywood. Isang may edad na nasa 55+ at isang tantya ni Sunshine na ka-edad niya.

"sorry ho.." sambit nya pagkakita sa dalawang tao.. tumango lang ang mga ito.

Pabagsak na naupo sa sofa na nkatalikod sa bintanang kanina nya binuksan... nasa isip pa din niya si Jason.

*toot toot* tunog ng cellphone ni Sunshine.

"si Jason!" sambit niya sa utak niya habang nakangiti.

"hon, sorry hindi ako makakapunta jan sa inyo ngayon, may lakad ang tropa, alam mo nmang di ako pwedeng tumanggi. babawi ako. i love you hon. -Jason"

"ganon lang yun?" sabi niya sa sarili hbang napawi unti-unti ang kanyang mga ngiti.

"makapag reply nga.."

"huwag ka ng ppunta dto sa bahay kahit kelan!-Sun"

Sun ang karaniwang twag sa kanya ng mga kaibigan at kakilala niya, nahahabaan kasi sila pati sya sa pangalan niya.. hehehe.. tinatamad lang tlga silang buoin ung name niya.

naisip ni Sun na maligo na muna, pambawas ng konting inis. nakapag babad siya na halos isang oras sa CR. After maligo, nahiga siya sa sala habang nag papaantok ay nanood siya ng tv.

Since maingay sa kabilang bahay, di din dalawin ng antok si Sun..

May kumatok sa pinto, inutusan siya ng mommy nya na silipin kung sino iyon.

Tumayo siya patungo sa pintuan pra silipin kung sino yung kumatok.

"sino naman kaya toh?" sabi nya sa utak niya.

"surprise hon!" si Jason!

tuwang tuwa sya at napayakap siya sa nobyo.

"hon, kala ko di ka pwde at may lakad kyo?" may pagtatampo sa tono ng boses nya..

niyakap siya ni Jason, "hon, lam mo namang di kita matitiis d b?" sabi ng binata.

naupo sila sa sofa sa sala, "ma, andito po si Jason." tawag ni Sun sa mommy niya, tumayo agad ang nobyo pag labas ng mommy niya para bumati at mag mano.

"may konting pasalubong po ako, mga prutas." sabi ni Jason.

"salamat, iho." ngiti ng mommy niya at paakyat na muli sa kwarto nya ang mommy ni Sun ng mag paalam ang mag nobyo na bibili lng ng meryenda nila sa 7-11 na pinaka malapit sa bahay nila na convinient store, sa kanto lang kse nila Sun iyon. Pinayagan sila ng mommy niya.

Habang palabas sila ng front door nila Sun,

nag kukulitan ang dalawa na parang mga bata. Nabalingan nila ung dalawang lalaki na may ginagawa pa din sa tapat ng bintana nila sa sala, nag tanguan lang sila bilang pag bati. tumango din si Sun tsaka dumerecho na sa kanto.

Nobyo ni Sunshine si Jason, halos 8months na sila.

Dancer si Jason sa isang all male group na sumasali sa mga pa-contest maging sa tv man o barangay man iyan.

Maputi, maganda at malamlam ang mga mata, mapula ang mga labi, matangos ang ilong, maporma kung manamit, kaya di malayong laging napapatingin ang ibang mga girls sa twing nakakasalubong niya lalo na yung nakakakilala sa kanya bilang kasali sa isang dance group. Palabiro din si Jason.

Sa lahat ng iyon, may isang kulang lang kay Jason.... Height.

Matangkad kase si Sunshine sa kanya. Halos hanggang kilay lang siya ng dalaga. mga 5'5 ang height ni Sunshine, si Jason nman malamang nasa 5'2 lang.

Maasikaso si Jason kay Sunshine, kahit sa pamilya ni Sunshine.. kaya madaling napalapit ang kalooban nila sa binata.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon