si Sunshine
Sa isang compound nangungupahan ang pamilya nila Sunshine.
Sa edad na 18 anyos, matangkad si Sunshine, morena, maganda hubog ng katawan, napag kakamalang may lahing bumbay dahil sa features niya. Simpleng maganda si Sunshine.
Hindi mahilig sa fashion si Sunshine, basta comfy (ika nga nya!) siya sa kanyang kasuotan, ok na sa kanya khit hindi sunod sa uso. Madalas nka fitted baby tshirt, belbotton na pants at snickers or sandals lang ang porma niya pag papasok sa school (since wlang uniform ang unibersidad na pinapasukan niya) o papasyal lang sa mall.
Masayahin at palabiro si Sun lalo na sa mga kaibigan, kaya naman hindi mahirap makahanap ng mga bagong kaibigan ito sa tuwing naipapakilala sa ibang tao. Magaling makisama. Mababang loob. Kaya nga lang, may pagka tigasing bata. Madalas napagkakamalang "one of the boys" dahil sa mga kilos niya.. pero ganun pa man, may taglay siyang "simple pero rock na ganda" na imposibleng hindi lilingunin ng sino mang lalaki lalo na sa ganda ng kanyang mga ngiti. Nakakabighani baga! hehehe.
Very smart si Sun, sa pananalita pa lang niya malalaman mong edukada syang tao. Siya ung tipo ng taong may sense ang sasabihin pag bumuka ang bibig.
BINABASA MO ANG
Summer Love
RomanceA Love story about believing in a fairytale once... but not all fairytale ends well... not all fairytale lives happily ever after.