3: Jealous

31 2 0
                                        

Gabie's Point of view.

Nakahiga ako sa kama ng biglang tumunog yung phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Kate dun.

Padabog na sinagot ko yun. "Hello?!" Sigaw ko.

["Grabe naman, beastmode. Agang-aga!"] Sigaw nito pabalik.

"Eh pano hindi mabibeastmode? Matutulog sana ako, kaya ang tumawag kang chaka ka!"

["Bored dito, bonding naman tayong tatlo mamaya!"] Nagmamakaawa niya.

"Letse! Sige, sige. Mamayang 3:30, ok?" Sasagot pa lang sana siya inend ko na agad yun.

Humiga ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi nagising ako sa panaginip na ayaw ko!

Naglalakad ako papunta sa locker ko ng bigla na lang akong napatingin sa direksyon ng dalawang---
Wait! Si Yuan yun ah.

Agad akong nagtago at sinilip sila. Ang saya-saya nila. Nagtatawanan sila na parang inlove sila sa isa't-isa.

Lumayo na lang ako sa lugar na yun kasi parang may bumabaon sa puso ko.

At ayon! Ayon ang ayaw na panaginip ko.

Gabie, alam mo. Pinapaasa mo lang sarili mo. Naniniwala ka sa mga issues!

Hayy..

Makatulog na nga lang!

----

"Ma, nasan sina Ate?" Tanong ko kay Mama habang kumakain kami.

"Ah, puro nasa trabaho. May mga meeting." Sagot niya sa akin.

Natapos na ako sa pagkain kaya tumayo na agad ako. "Ma, may pupuntahan nga pala po ako. Bye po." Pagpapaalam ko sakanya.

Tumaas na ako at nagtext kay Kate na sa SM na lang kami magkita.

Nagbihis na ako at isinakbit na ang bag ko sa balikat ko.

Umalis agad ako dun kasi gustong-gusto ko na silang makita.

Sumakay na ako ng taxi. After a few minutes, narating na agad namin ang SM kasi ang bilis magdrive ni Kuya eh.

Pagpasok ko pa lang sa SM nakita ko na agad sina Yosha dahil saulo ko na hata mukha nila eh.

"Yosha! Kate!" Lumingon agad ito sa akin at tumakbo palapit.

"Hi Gabie!" Bati nila sa akin.

"Kain muna tayo bago tayo gumawa ng kung ano-ano!" Pagyayaya ni Kate.

"Kakakain ko pa lang eh. CR lang muna ako." Sabi ko. Tumango na lang sila kaya naglakad na agad ako papuntang CR.

Habang naglalakad ako bumaling ang tingin ko sa chowking. Nakita ko ang isang lalake na pamilyar ang likuran sa akin na may kausap na babae. Humarap ang lalake at-- Si Yuan?!

Tadhana talaga!

Mukhang ang sweet nila! I hate it!

Hayy..

I have feelings for you, Yuan. I wish you feel the same kaya lang, may girlfriend ka.

Sana hindi na lang ako nainlove sayo. Ang hirap eh. Pero hanggang sana lang ako, kasi nagawa na ng tadhana eh. Complicated, right?


Falling Again * On-going Where stories live. Discover now