Chapter 3

95 4 1
                                    

Dedicated nga pala toh kay unnie kong mabait :D <3

Smiile :")

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 Now Playing: Why (Are we still Friends)

please CLICK the video for the music :) pag tapos na ulitin nyo nalang para maganda :)) ----------------->>

Tapos na kaming kumain.. ay ako lang pala! di naman kasi msyadong kumain si Thunder eh :(

nakaupo kami ngayon sa may pinto ng Tree house namin

walang nag iimikan

hinihintay ko pa kasi syang magsalita eh

ayoko namang pangunahan sya..

Silence..

Silence..

Silence..

" Hazel" hala! nagulat naman ako.napahawak tuloy ako sa dibdib ko -.- anuubeyens.

"Thunder ano ba yung sasabihin mo?" 

"A-ano k-kasi.. uhm.. ano.. may ano kasi.. yung ano..--"

"Ano ngaa?!! puro ka naman ANO jan eh.pa'suspense lang teh?" kasi nman eh.pano ko ba naman yun maiintindihan sinabi nya? aish!! T_T

"kasi ano nga.."

"Ano nga ba kasi yan?!! di mo pa kasi pinagpapatuloy eh!" 

"Sabat ka naman kasi ng sabat pano ko matatapos kung ayaw mo naman ako patapusin?" okaaay! sabi ko nga tatahimik na.. (_ _ )"

"Hazel.. sorry haa, pero sana wag ka munang magsalita hanggang sa matapos ako sa mga sasabihin ko.PROMISE?"  nakatingin sakin si Thunder habang sinasabi yun tapos tinapat nya sakin yung  little  finger nya na parang niyayaya nya akong mag pinky promise..

"Pinky Promise"sabay abot ng  little  finger ko.

" Noon pa lang,nandito kna sa tabi ko kapag kailangan kita.. palagi kitang naasahan sa mga bagay bagay.ikaw lang naman ang nag iisang taong nkakaintindi kung ano ako." nkatingin lang sya sa kawalan habang sinasabi yun.. "ikaw lang ang napagkakatiwalaan ko, alam kong ganun ka din para sakin.. Alam mo bang natutuwa ako pag nakikita kitang masaya, pero natutuwa din ako pag nkikita kitang malungkot at umiiyak?" nkatitig lang ako sa kanya, tpos bigla syang ngumiti.. " kasi alam ko na ako ang tatawagin mo para patahanin ka. Na ako ang kkailanganin mo para ngumiti ka ulit. Na pagkatapos mung umiyak ay bibigyan mo ako ng napakahigpit na yakap at yayayaing kumain ng Ice cream."

"Pero di ko akalain na hahantong ako sa ganito .. matagal ko na tong gustong sabihin pero alam kong maling mali kapag sinabi ko, pero di ko kasi kaya na sarilihin to eh. ang BIGAT BIGAT sa pakiramdam. ang hirap magsinungaling, ang hirap magpanggap.."

ano bang pinagsasasabi nitong Thunder na to?

nalilito na ako. bakit ba kasi ang dami nya pang paligoy ligoy? hayst!

"Hazel MAHAL KITA.."

HANUUUDAAAW? M-Mahal nya ako? kaloka teh! to the highest level! LAGOT naa!!

"P-pero Thunder alam mo naman ang sitwasyon natin diba? " 

"alam ko :( di ko naman hinihingi na maging tayo eh.. gusto ko lang naman na malaman mo ang nararamdaman ko. Hindi ko din hinihingi na mahalin mo ako pabalik Hazel.."

Holooo! spell AWKWARD?   N-G-A-Y-O-N.

 ang AWKWARD ng atmosphere ngayon!!!

sasabihin ko na bang mahal ko din sya?

para san pa? lalong gugulo ang lahat nyan eh! anuubeyaan!! >.<

Drag me to hell na please?!!

inhale..

exhale..

"Thunder ano kasi eh.. Mahal din naman kita eh, matagal na.. di ko din naman akalain na mahal mo din pala ako. Pero kahit ano kasing gawin natin wala na tayong magagawa.. Hindi tayo katulad ng ibang lovestory ng mag bestfriend na nagkakatuluyan din sa huli. Ibang iba ang case natin Thunder. Mahal nga natin ang isa't isa pero isang pagkakamali ang maging tayo Thunder. Sana maintindihan mo .."

"Alam ko naman yun Hazel eh.. pero paano ko naman maiiwasan ang nararamdaman ko para sayo kung palagi kitang kasama? Mahirap yun Hazel.. "

(_._ )

ano bang nararapat gawin? :(

"Thunder sa tingin ko dapat muna tayong maghiwalay.. subukan nating kalimutan ang nararamdaman natin sa isa't isa. At pag sa tingin natin wla na yung LOVE na more than friends na nararamdaman natin sa isa't isa bumalik tayo sa lugar kung saan tayo maghihiwalay.. at dito yun."

"Hihintayin naman siguro natin ang isa't isa diba? basta ba pag may nahanap ka ng iba pakilala mo sakin.. ako dapat ang Maid of Honor nyo :)"

"Baliw ka talaga Hazel! kaya mahal kita eh! ^^"

"Loko!" XD

"basta dito ulit tayo magkikita haa. Pinky Promise?" sabay lend ng  little  finger nya..

"Pinky Promise! :) " at inabot ko na din ang little finger ko sa kanya..

( A/N: The song will end here XD )

Umuwi na kami pagkatapos nun..

humiga na ako, ang sarap pala sa pakiramdam na wala ng tinatago :)

Alam ko namang mahirap ang naging pag uusap namin ni Thunder pero para din naman sa amin yun eh..

we Let Go of each other na masaya.. 

Hindi din naman kasi yun katapusan ng Friendship namin eh.

He will still my Dakilang Bestfriend Forever! XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Letting goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon