Ikaw yung nagbibigay
Sigla sa aking buhay,
Ikaw yung nagpatunay,
Na kaya ko mawala ang lumbay.Ikaw yung hindi ko pinangarap,
Pero dumating sa isang iglap,
Ikaw yung kayang yumakap,
Kahit ako'y naghihirap.Sumagi sa aking isipan,
Na baka ako'y iyong iwan,
Takot, aking naramdaman,
Baka mawala ka ng tuloyan.Sobrang saya,
Kasi andyan ka,
Sobrang saya,
Kasi di ka nawala.Ikaw yung nagpapatawa,
Sa tuwing ako'y naluluha,
Nagbibigay ligaya,
Kahit ako'y nasasaktan na.Problema, kaya natin lampasan.
Hiwalay, hindi natin alam yan.
Mag aaway, pero walang iwanan.
Ikaw, ang mamahali kahit kailan.