part 2

4 0 0
                                    

Nagdesisyon ako na bumalik sa dati kong paaralan para mag aral ng highschool,sobrang excited ko na pumasok kasi makakakilala ulit ako ng mga bagong kaibigan.
Unang araw ng eskwela sobrang excited ko pumasok at sa sobrang saya ko eh nakalimutan ko pa ang baon ko.Sa di inaasahang pagkakataon muli kong nakita si Jules nagulat ako na kaklase ko ulit siya sobrang gwapo niya at eto nga ako crush ko ulit siya.Naging close kami kahit papano at masaya nako doon lalo tuloy akong nahuhulog sakanya.Akala ko pag sinabi ko sakanya na gusto ko siya eh magustuhan niya ako pero di pala.Noong araw na ipinagtapat ko sakanya na gusto ko siya ay siyang pagsabi niya na magkaibigan lang kami na hanggang dito lang kaya niyang ibigay,nasaktan ako sa sinabi niya pero naisip ko na bata pa kami para sa ganon kaya pinalagpas ko nalang pero di pala doon nagtatapos ang lahat dahil nalaman ko na may nililigawa siyang iba at ayon nasaktan nanaman ako,siguro ganyan talaga ang buhay.
Nang matapos ang taon nag enroll ulit ako at sa pagkakataon na ito hindi ko siya kaklase pero nakikita ko siya araw araw sa school kaya kahit anong pilit ko na kalimutan siya ay wala pa din tinuon ko lang ang sarili ko sa pag aaral naging honor student ako at nakapagtapos ulit ako ng isang taon at sa pagkakataon ulit na to hindi ko siya kaklase pero siya pa rin ang crush ko.Hindi kami nakakapag usap dahil sikat siya marami siyang kaibigan at ako sakto lang.Nakapagtapos ako bg grade 9 at sa pasukan ay grade 10 na ako kaya sobrang excited ko.
Pasukan na naman ang ang saya ko kasi madami akong magiging kaibigan,nakita ko ulit si Jules pero sa pagkakataon na ito wala na akonv gusto sakanya.Nagkagusto ako sa isang lalaki na mas bata sakin siya si Angelo at naging boyfriend ko siya,masaya naman kami at nalaman ko na kaibigan pala ni Jules si Angelo.Akala ko masaya na ako pero hindi pala kasi naghiwala kami ni Angelo at nasaktan ako.Si Jules ang nandiyan non mga panahon na umiiyak ako dahil kay Angelo siya ang nagpayo sakin at nag paintindi sakin ng mga tanong ko kung bakit ako iniwan ni Angelo

FriendzoneWhere stories live. Discover now