(See the picture of the characters above)
....................................................................................................................
Zyler POV
Sabi nila sa buhay natin maraming problema ang dumadating. May problema sa pamilya, pera, kaibigan at may ibang sa pag-ibig. Sa pagkakaalam ko ang pag-ibig ang napakahirap sa lahat dahil maraming pwedeng mangyari na hindi natin inaasahan. May iba nag lelet-go for the sake of his lover, but for me kung mahal mo, ipaglalaban mo, pumasok ka sa ganyang sitwasiyon kaya panindigan mo. All of that pinanghahawakan ko for almost 14 years since the day my ex lover left me, pero lahat ng 'yon hindi ko nagawa since the day na nakilala ko ang isang babae.
Should I ask for another chance to prove myself to her?
* * * * * * *
"WATCH OUT!!!" sigaw ko sa isang babaeng naglalakad sa hallway na may hawak na dalawang makakapal na libro. Nakaupo kasi ako ngayon sa isang bench habang inaantay ang mga kaibigan ko.
Booooooggssh
"ARAY!" sigaw agad nito nang matumba.
"Pwede bang sa susunod sa tabi ka dumaan?! Di mo naman pagmamay-ari 'to diba?" sigaw ng lalaki sa babaeng nabungo niya sabay turo sa hallway. Pano ba naman sa gitna talaga naglalakad ang babae.
"So-sorry." pautal-utal na sabi ng babae habang nakayuko.
Napatitig ako sa babae na 'yon, nakasuot lang naman siya ng malaking salamin, may mga malalaking pimples pa! grabi naman di man lang inalagaan ang mukha? may suot din itong sumbrero na color black na may nakatatak na 'Avenger', same taste kami sa avenger ah! haha. Kung sa pananamit naman nito, nakasuot siya ng dress na abot hanggang paa at naka doll shoes pa! aba ang sakit sa mata pre.
Napukaw ang atensyon ko nang biglang tumawa ng malakas ang lalaking kaharap ng babae. Ang atensiyon na ng lahat ng students ay nakatuon na sa kanila pati ang mga dumadaan lang ay napahinto na.
"Di ko marinig, may sinasabi ka ba?" pangangasar nito.
Di makagalaw ang babae sa kinatatayuan niya habang nakayuko.
"Sabi ko sorry"
Tumawa ulit bigla ang lalaki ng malakas at tinulak ang babae dahilan para matumba ito at tumilapon ang salamin pati na rin ang dala niyang mga libro.
Hindi naman ako masyadong maawain na tao pero sa nakikita ko ngayon parang gusto kong awatin ang matabang lalaki at tulungan ang babae.
"SA SUSUNOD KAPAG NAKITA MO KAMI TUMABI KA! TABI!"
Umalis na ang lalaki pati ang mga kasama niya, habang naiwang nakaupo sa lupa ang babae.
"Kawawa naman siya."
"Tara na nga baka madamay pa tayo."
Rinig kong usapan ng students sa paligid.
Tumayo naman yong babae at umalis na parang walang nangyari.
"Sorry we're late Dude" napalingon ako sa likod ko nang may naramdaman akong kamay na nakapatong sa balikat ko.
"Naaah. It's okay. Let's go?" sagot ko naman dito at umalis na kami
Papunta kami ngayon sa library para maghanap ng mga sagot sa mga assignment namin. Ngayon na siya ipapasa actually pero ngayon pa lang namin gagawin Haha
"Zyler, tama kaya to?" sabay abot ni Dyro ng papel niya
"Tama na yan"
"Baka hindi? naku baka makakuha na naman ako ng zero nito. Magsusulat na naman ako ng 500 sorry words langya naman" napangiti lang ako sa sinabi niya. Everytime kasi na nakakakuha siya ng zero pinapasulat siya ni Castler ng 500 sorry words.
"Then be ready kiddo" biglang sambat ni Castler habang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa
"Aaahhh ibahin mo nalang kasi wag nay-----"
"Ah dagchyeo, sikkeuleobda! May binabasa ako!" at natahimik bigla si Dyro.
By the way, tatlo kaming magkakaibigan. Since kinder magkasama na kami kaya kilala na namin ang isa't isa pati mga baho namin alam na haha
Si Dyro Lee, 18 years old ay kilala bilang 'Noisy kiddo' at halata naman siguro kung bakit siya tinawag na Noisy kiddo. Mayaman si Dyro at may sariling condo. Actually nasa states ang mga magulang niya kaya mag-isa siya dito sa Pilipinas. Food Business Management ang kinuha niya na course at baseball player din siya.
Si Castler Nom, 19 years old ay kilala naman bilang 'isangjeog-in sonyeon" ibig sabihin Ideal Boy. Tahimik na tao lang si Castler at mayaman din. Nasa states din ang mga magulang niya at kasama niya lang ang kuya niya dito sa Pilipinas. Engeneering naman ang kinuha niya na course major in information technology (I.T) at soccer player din siya.
Ako naman si Zyler Smith, 19, mayaman din ang pamilya ko at ako lang ang nag-iisang anak. Business management ang kinuha ko na course. Medyo pareho kami ni Dyro pero food lang sa kanya. May lahi kaming tatlo na koreano actually, pero si Castler ang pinakamukhang koreano saming tatlo kaya tinatawag siya in a koreano nickname.
Nag-aaral kami ngayon sa 'Skyerdev Academy' dito kami pinag-aral ng mga magulang namin for some reason at hindi namin alam kung ano.
Uriye nemo kaneun bloom
Eomjisongarageuro jangmikkocheul piweo
Hyanggie chwihal geot gata u
Ojik dulmane bimire jeongweonI feel bloom I feel bloom I feel bloom
Neoege han songireul deo bonaeTumayo na kami at lumabas ng library nang marinig na namin ang bell para sa first period this afternoon. At kung napapansin ninyo, kanta po talaga ang sign kapag time na at korean pa.
Habang naglalakad kami sa hallway, marami ang nakatingin sa amin. Actually sikat kami agad sa school dahil sa mga itsura namin at family background kahit isang buwan palang namin ngayon.
Habang patuloy kami sa paglalakad, nahagip ng paningin ko ang isang babae na nakahiga sa ilalim ng puno. Medyo malayo ito sa kinatatayuan ko, pero namumukhaan ko siya dahil sa suot niyang sombrero. Pinauna ko ang dalawa at nilapitan ito. Hindi din naman kami same building na pupuntahan kaya okay lang din sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Nerd is a Gangster
RandomAng kuwentong ito ay tungkol sa isang babaeng nagpapanggap para itago ang totoong katauhan. She is absolutely a brutal girl, walang inaawaan, mayaman. Maliban sa marunong mag guitara, mag piano, sporty girl, siya rin ay kilala bilang 'ruthless devil...