Nagising ako. Napuno ng hagulgol, iyak, at halu-halong boses ang kwarto. Siubukan kong gumalaw. Hindi ko kaya. Nanghihina ang katawan ko. Sinubukan kong magsalita. Binuka ko ang bibig ko at naramdaman ang pag-hapdi ng aking mga labi. Nagbabatak batak na ito, panigurado.
"Wag ka munang gumalaw" Naramdaman ko ang pag-hawak sa aking kamay. Mabuti at hindi pa namamanhid ang buong katawan ko. Tumingin ako sa paligid ko. Napuno ang silid na ito ng mga tao. Hindi ako sigurado kung mga kakilala ko ba ang mga ito. Iginalaw ko ang aking braso para palisin ang mga luha sa mga mata ko. Pero bigo ako nang napansin kong walang luha. Pero bakit nanlalabo na ang mga ito?
Pinapili ako. Kung sa bahay, sa hospice o sa hospital. Pinili ko ang bahay. Hindi ko gaanong mararamdaman ang paghihirap ko. Na may sakit ako. Na parang normal pa rin kahit ang totoo ay hindi na.
"Kakayanin mo pa 'di ba?" Tanong sa akin ng kapatid ko, sa boses pa lang ay halatang si Bryan iyon. Marahan akong tumango. Ang tango na iyon ay nag-papahiwatig ng kasalungat nito. Hindi ko na kaya. Hinalikan niya ako sa noo.
"Nandito lang kami para sa'yo." Binigyan niya ako ng ngiti. Smile of assurance. Pakiramdam ko ay pabigat lang ako dito. Pero nararamdaman ko pa ang katiting na pag-asa. Lumalaban sila para sa'kin. Masyadong unfair kung susuko ako agad.
Napansin ko ang balat ko. Hindi na ito katulad ng dati.
May lumapit sa akin. Hindi ko malinawan kung sino iyon ngunit nang magsalita ito ay nalinawan na ako. Si Cherry.
"Kakayanin mo 'yan. Isipin mo ako lagi. Isipin mo lang." Siya. Siya ang isa sa inspirasyon ko para lumaban. Pumikit ako. Sana ay madali nalang ang lahat. Naaninag ko ang isang sulok na may mga naka-suot ng uniporme ko dati. Sana ay estudyante pa rin ako. Sana nag-aaral nalang ako sa mga oras na ito.
Nagdaan ang mga araw, lalo kong nararamdaman ang panghihina. Lalo kong nararamdaman ang kalungkutan. Hanggang sa umabot sa puntong hindi na ako kumakain. Namamanhid na ang buong katawan ko.
Isang tapik. Isang tapik ang nagpabago sa buhay ko. Masaya ako dahil naramdaman ko ang tapik na iyon dahil buong akala ko ay mamamanhid na ang katawan ko. Hindi pala. Minulat ko. Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata. Ito ang araw na nagpahirap sa akin, sobra.
Akala ko ay bumalik na ako sa dati ngunit kadiliman lang ang aking nakita. Nagsalita ako ngunit walang boses akong narinig na tila ba walang nakikinig. Iginalaw ko ang aking kamay. Wala. Wala akong mahawakan at nangalay lamang ito.
Hindi pwede. Imposible! Ang sabi sa akin ng doktor ang ang hearing ang pinaka huling sense na mawawala. Hindi pwede ito
Sumigaw ako. Sigaw. Sigaw ako nang sigaw ngunit wala akong marinig. Naramdaman ko ang unti unting pang-hihina at ang pag-kalma ng aking katawan.
Ito na ang araw na aking hinihintay. Paalam.
Ito ang umpisa na nagsimula sa aking katapusan.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
Short StoryThis story is a special tribute for those people who are struggling real hard and experiencing difficulties in life. I hope this literary piece will help you to carry on and realize many things that can be your strength. The main idea of this story...