Una

0 1 0
                                    

Pinag-masdan ko siya. Nakaratay siya sa kama at tila ba hirap na hirap na. Linapitan ko siya. Hinalikan ko siya sa noo. Nangingitim na ang kanyang mga labi at nakatingin na lamang sa itaas. Tila ba nawawalan na ng pagasa. Tiningnan ko ang kanyang balat. Namumutla na ito. Pinilit kong hindi umiyak.

"Lumaban ka. Isipin mo ako. Isipin mo lang. Kakayanin mo 'yan." Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay. Pagtalikod ko ay bumuhos na ang aking mga luha. Lumabas ako sa kwartong iyon at nag-tungo sa CR. Hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan.

Lagi kong naaalala nung mga araw na magka-laro lang kami at sabay kaming ipina-pasyal nila tita. Ang mga buhok niyang kasing haba nung akin dati ay wala na. Nakakapanghina isipin. Nakakapang-hina. Ang hirap tanggapin na unti-unti na siyang kinukuha sa amin.

"Tita mauuna na po ako, babalik nalang po ako bukas. Magpapahinga lang po at kukuha na rin ng damit para mabantayan ko siya bukas" Paalam ko kay tita, tumango naman ito. Napansin kong nangangayayat si tita at tulala. Mugto naman ang mga mata nito. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Magiging okay din siya tita. Ipakita nalang natin sakanya na kaya natin lumaban kaya dapat kayanin din niya. Lalaban siya tita. Wag lang natin ipakita na mahina tayo dahil lalo siyang manghihina." Yinakap ako ni tita. Mahigpit. Sobra.

"Salamat, hija" narinig ko ang hikbi ni tita. Hinagod ko ang likod niya. Kailangan namin maging malakas.

Pagkatapos noon ay umuwi muna ako. Nag-impake ako ng iilang mga gamit at nagpahinga. Nagising ako dahil sa tapik ni ate.

"Mal-late ka na, dumiretso ka na doon mamaya." Nag-handa na ako para sa pag-pasok. Ngunit hindi ako makapag-focus nang maayos dahil sa kalagayan ng pinsan ko.

"Kamusta na ang pinsan mo?" Nabalik ako sa huwisyo nang may magtanong sa akin noon. Tumingala naman ako at nakita si Francis. Kaibigan din siya ng pinsan ko noon.

"Ganun pa rin, nanghihina." Malumanay kong sagot. Pilit akong ngumiti.

"Puntahan natin siya mamaya, para makita ka niya. Panigurado ay matutuwa iyon." Ngumiti naman si Francis at pumayag. Dala ko ang mga gamit ko. Friday ngayon at doon ko gugugulin ang dalawang araw ko. Siya lang ang nakakaalam sa kalagayan ko kung bakit wala akong gana. Pinakiusapan ko rin siya na wag nalang sabihin sa iba dahil ayaw rin ng pinsan ko na marami ang nakakaalam tungkol sa paghihirap na tinatamasa niya

Nagdaan ang mga araw at lalong nanghihina ang pinsan ko. Minsan ay bigla nalang siyang hahagulgol. Nasasaktan kami. Minsan ay hinihiling niyang matulog na nang tuluyan. Hindi pwede. Hindi namin kaya. Sinikap kong hindi mapabayaan ang pag-aaral ko kahit ang totoo ay hindi na ako nakakapag-aral nang maayos dahil sa kakaalala sa pinsan ko.

"Palagi ka na lang tulala. Kapag may nagsasalita na teacher sa harapan hindi ka nakikinig. Lagi ka nalang nakatingin sa malayo. Pati kaming mga kaibigan mo hindi mo na kinikilala. Pati pag-aaral mo napapabayaan mo na." Pangaral sakin ni Gwen pero hindi ko ito pinag-tuunan ng pansin. Sinabi niya ito isang araw nang pumasok ako sa aming klase at nanatiling tulala buong araw, iniisip kung paano ako magpapakita sa pinsan ko na tila malakas at hindi natitinag kahit ang totoo'y nanghihina ako.

"May problema ka ba?" Umiling ako. Itinuon ko na lamang ang sarili ko sa libro kahit hindi ko masagutan ito. Hinintay ko lang ang pamamaalam ng guro at tuluyan ko nanh nilisan ang silod na iyon. Dumiretso ako sa ospital kung nasaan ang pinsan ko.

"Nandito na ang pinsan mo." Narinig kong deklara ni Tita pagka-pasok ko ng kwarto na iyon.

"Good morning tita. Sorry at ngayon lang ako naladating. Pagod po ako kahapon at di nakadaan."

"Ayos lamang hija. Maiiwan ko muna kayo dito." Sagot naman ni tita

Lumapit ako sa pinsan ko. Nakangiti ito sa akon at ngumiti ako ng pilit. Mahirap makita ang mahal ko sa buhay na nakaratay sa death bed na ito

"Nandito kami para sa'yo. Hindi ka namin papabayaan, cherry."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon