2

20 0 0
                                    

Jared's POV

hi. ako po pala si jared faustino. 4th year na at bestfriend ako ni kylie.

papunta ako ngayon sa canteen. tsk dapat kasi kanina pa e. kaso napagalitan ako ni sir dahil unang araw late ako.

di ko naman ginustong ma late e. tsk si kylie naman kasi biglang umalis. akala ko naman may titingnan lang kaya naghintay ako sakanya. akala ko babalik pa sya kaso nakita ko sya na kasama yung marcus na yun. tsk di pa ba sya sumusuko dun sa marcus na yon. ni hindi nga sya pinapansin nito e. 2 years na syang naghahabol doon pero hindi naman sya pinapansin.

kaya ayun nalate ako kakahintay sa kanya. nakasabay ko sa pila ng mga late yung kaibigan nya. kaklase yata nya yun ngayon. nakita ko sa board e. kaya nakipagkwentuhan nalang ako sakanya saglit. hiwalay kasi ang flag ceremony ng mga late e. ewan ko ba sa school na to.


Papasok na sana ako sa canteen ng may masalubong ako babaing tumatakbo at umiiyak..

si kylie yun ah?

sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa may school garden at nakita ko syang umupo sa isa sa mga bench doon.

sinundan ko naman sya at umupo sa tabi nya.

"sino nanaman bang nagpaiyak sa maganda kong bestfriend?" sabi ko at inabutan sya ng panyo. nagulat pa ata sya ng makita ako pero agad din naman syang nakabawi at tinaggap ang panyo na iniabot ko sakanya.

"best. ang sakit.." ang tanging nasabi nya at umiyak nanaman.

"ano bang nangyari ? bakit ka umiiyak ?" sabi ko habang hinahaplos ang likod nya.

"hinahanap kasi *huk* kita kaso sa paghahanap *huk* ko sayo di ko napansin ang dinadaanan *huk* ko kaya nabunggo ko si marcus *huk* best masaya na sana ako e kasi nagkalapit kami kaso sinabihan nya ako ng papansin, bobo, at siguro daw sinadya ko pa daw na banggain sya para mapansin ko daw sya" sabi nya sakin na parang batang nagsusumbong sa magulang at muli nanamang umiyak.

so si marcus nanaman pala ang dahilan kaya ka umiiyak ng ganyan. kelan kaba kasi titigil sa kakahabol sakanya? nandito naman ako o. naghahangad din na mapansin mo. bakit ba sakanya ka lang nakatingin lagi ? bakit ba hindi mo subukang tumingin sa iba para hindi kana nasasaktan ng ganyan.. sabi ko sa isip ko..

"wag na kasi sya kylie. alam mo namang playboy sya e diba? lagi syang nakikitang ibat ibang babae ang kasama sa bawat araw!" sabi ko naman sakanya.

"alam ko yon best! pero wag mo naman syang siraan sa harap ko! bestfriend lang kita!" nagulat ako sa sigaw nya at sumakit ang puso ko sa mga salitang sinabi nya.

"S-sorry.." sabi ko niyakap ko nalang sya.. naramdaman ko na parang bumibigat sya at pagtingin ko nakatulog na pala sya.

binuhat ko sya at dinala sa clinic para makapagpahinga.

oo. mahal ko ang bestfriend ko. cliché ba? hindi naman kasi maiiwasan yun. kahit naman gustuhin ko na magmahal ng iba. ang hirap. hindi mo naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal ng iba e. kung siya hindi nya napigilan yung nararamdaman nya kay marcus. e pano pa kaya ako diba? ewan ko ba dito kay kylie kung manhid ba o ano . pero kahit ganon. umamin na ako sakanya dati..

*flashback. 2years ago.*

"kylie. pwede bang manligaw? alam kong magbestfriend tayo. kaso hindi ko talaga mapigilan e  mahal kita.." sabi ko habang nakatingin ng diretsyo sa mga mata nya.

"ano ba naman yan best. patawa ka talaga. kumain ka na nga lang dyan. hahaha" aray..

"kylie hindi ako nagpapatawa. seryoso ako sa nararamdaman ko sayo.." sabi ko at hinawakan ang kamay nya..

yumuko sya at huminga ng malalim.. at saka tumingin sakin.

"jared.. alam mo naman na mahal din kita. mahal kita pero ibang pagmamahal ang nararamdaman ko sayo. yung pagmamahal para sa kapatid. ayokong mawala ang pagkakaibigan natin. so please stop this already. hindi nakakatuwa " yun ang huli nyang sinabi at umalia na..

*end of flashback*

mula nun iniwasan ako ni kylie. pero hindi naman namin natiis ang isat isa at nagkabati din naman kami. ang sakit na malaman na kapatid lang ang turing sayo ng mahal mo. pero hindi ako susuko. maghihintay ako hanggang sa ako naman ang mapansin nya.

she's an angel while sleeping. namumula pa ang ilong nito tanda na kakagaling lang nito sa pagiyak.

i kissed her forehead at umalis na ako. baka malate nanaman ako sa klase ko. sinabihan ko ang nurse to take care of her at tuluyan ng umalis.


Janel's POV

pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang puting kisame.

"gising kana pala.. " sabi ng nurse na nasa tabi ko.

nasa clinic pala ako.. nakatulog siguro ako sa kakaiyak..

bumalik nanaman ang sakit sa dibdib ko ng maalala nanaman ang nangyari.

*flashback*

"marcus.." yan nalang ang nasabi ko dahil nagsalita nanaman sya..

"wait a minute. i know you.. you're ms. chua right?" sabi nya sabay turo saakin.

napatango na lamang ako bilang sagot.

"yung stalker ko na habol ng habol saakin." sabi nya at naka smirk pa.

nagulat ako sa sinabi nya.. at napayuko nalang sa kahihiyan. akala ko aalis na sya pero hindi pa pala tapos.

"ano nang gagawin mo ngayon sa nadumiha  kong damit. ang tanga mo naman tsk. nagpapasikat kaba ha?! ohh. tss. i get it. siguro sinadya mo to para mapansin kita diba? tss. napaka desperada mo naman" sabi nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

hindi ko na nakaya at tumakbo nako palabas ng canteen..

*end of fb*

hindi ko namalayan umiiyak na naman pala ako. ang sakit lang kasi na yung taong mahal mo napagsalitaan ka ng mga hindi kaaya ayang salita. pero bakit ganun. kahit ang sakit. hindi ko magawang magalit sakanya. ganun na ba talaga ako kahina pagdating sakanya ?

nag ayos nako ng sarili ko at pumunta na pabalik sa classroom. malapit nadin pala maglunch..

"o kain ka oh. gusto mo hati tayo dito?" alok sakin ni tammy. kaso wala talaga akong ganang kumain e.

"tammy.. pano kayo tumagal ni ian ng 3years?" tanong sakanya ngunit nakatingin parin sa kawalan..

"kasi mahal namin ang isa't isa" sagot nya at lumabas na ng classroom.

buti pa si tammy. bakit pa kasi kailangan natin masaktan para lang sa taong mahal natin. hindi talaga lahat ng gusto mo ay pwede mong makuha. haayy..

malapit nang matapos ang lunch ng may marinig akong hiyawan sa labas.. ngunit di ko yang pinansin at patuloy na tumingin sa kawalan.

pero nagulat nalang ako ng biglang magbukas ang pinto..

"marcus?.." heto nanaman bumabalik nanaman ang kaba sa dibdib ko.. bakit sya nandito.. kulang pa ba yung mga sinabi nya sakin kanina sa canteen?..

"pwede ba tayong magusap?" sabi nya habang nakatingin sakin ng diretsyo. kinakabahan talaga ako..

"s-sige. " ang tanga mo talaga janel bakit ka pumayag. kaso hindi ko talaga sya matitiis .. hayy bahala na nga..

A Little Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon