○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○
Kristell's POV
"Kyahhhhhhh!!!! Oh my gosh! Oh my gosh" sobrang kilig na sigaw ko kasi naman nanonood kami ng movie ng bestfriend ko na si Claire at yung scene na tinilian ko ay yung hinalikan ng idol ko na si Prince Angelo Alcantara ang leading lady niya hmp! Nakakaselos pero kasi ini imagine ko na AKO IYONNNN!!! KYAHHHH!!!!
"Uy! Ang O.A mo na" bulyaw sakin ni claire pero hindi ko siya pinansin at nakatulala lang ako na parang tanga tapos sisigaw ulit
"KYAHHHHH!!!!" kinikilig na tili ko fudge! Ang lambot... ang lambot ng labi niya tapos.. tapos yung buhok niya sobrang ganda parang mas maganda pa yung buhok niya kesa sakin *pout*... tapos ang ilong niya ang tangos... tapos yung mata niya! Pampalaglag panty...
"ARAY!" sigaw ko ng sapukin ako ni claire urghhh ano ba iyan! Panira siya! nag de-daydream ako eh >3<
"Para kang baliw sisigaw, ngingiti, tatahimik, tapos sisigaw ulit, ngingiti, tatahimik tapos uulit nanaman" kunot noong bulyaw niya sakin kaya napabusangot ako
"Eh? Masama?" tanong ko sakanya pero siya ayun sermon ulit
"Hindi, nakakabaliw" sagot niya kaya sinumbatan ko siya
"Bakit ikaw?! Kapag ba pinapangarap mo yung crush mo pinapagalitan kita? Diba hindi? Bagkus sinusuportahan pa kita!" pasigaw na sumbat ko sakanya pero nginitian niya lang ako
"Ahehehe sabi ko nga sige ituloy muna" sabi niya at ngumiti ng alanganin
"Hindi na wala na ako sa mood" ~3~ nakabusangot pa din na sabi ko kaya lumapit siya sakin
"Sorry na, nag wo-owrry lang naman ako eh para ka kayang tanga" sabi niya pa kaya lalo akong napabusangot hmp! Bwisit!
"Joke lang naman. Alam ko na para hindi ka magalit ililibre kita ng gamit na may kinalaman kay prince" sabi niya kaya parang lumiwanag ang buong paligid at may naririnig akong mga kumakanta na angel anyways prince ang tawag ng lahat sakanya pero ako angelo ang tawag ko sakanya kaya nga nag-iisa lang ako eh *wink*
"Talaga?" kumikinang ang mata na tanong ko kaya tumango siya at inayos ang mga gamit niya, kaya habang nag aayos siya ng gamit niya at ng pinagkalatan dali dali akong naligo at nagbihis syempre noh! Baka sakali na may concert pala sa mall si baby angelo ko tapos ang pangit pangit ko xD
After kong mag ayos lumabas na ako at nakita ko si claire na naghihintay sa loob ng kotse niya... diba may kotse kotse pa siyang nalalaman samantalang ako jeep lang
"Ano pang hinihintay mo?" masungit na tanong niya kaya sinagot ko siya
"Hinihintay ko yung pagkikita namin ni angelo my babes" sabi ko at nag daydream ulit hayyy ang gwapo gwapo niya talaga tapos ang talented pa niya nasa kanya na ang lahat, may chance kaya na magkita kami?
"Bahala ka aalis na ako hindi na kita ililibre" sabi niya at pinaandar na ang kotse niyang violet kaya dali dali akong pumasok sa loob buti hindi naka lock yung pinto
"Ikaw naman hehe, hindi ka pa nasanay sakin" sabi ko at natawa pero siya seryoso lang na nakatingin sakin >. < ano nanaman ginawa ko?
YOU ARE READING
I'm His Fangirl
FanfictionAaminin ko ako yung taong handang gawin lahat para lang sa idol ko yung tipong handa akong magpuyat para lang mapanood lahat ng movie niya o hindi kaya mapanood ko lang mga music videos niya, handa din akong bumagsak sa test para lang mag stalk ng p...