Library

200 5 6
                                    

Don't give up if you still LOVE that pers0n,

Just remember,

trials are better than to say it's over ~

Nathan's P. O. V

Angela yan ang pangalan ng babaeng mahal ko since 1st year highschool ako. Una ko syang nakita noon sa library ng school namin. Tinamaan ako sakanya ng husto  kaya todo ang pagpapansin ko sakanya, na kada titingin ako sakanya ngingiti ako ng matamis at mag papacute ng todo, kaso iirapan nya lang ako at ibabalik ang kanyang mga mata sa pagbabasa ng libro.

Pero hindi parin ako sumuko hanggang ngayon ng 4th year high school ako inaabangan ko parin sya sa library, lalo na at February na ngayon at gra-graduate na ako ng highschool, hindi ko na paiiralin ang ka torpehan ko at magtatapat na ako ng nararamdaman ko sakanya.

Magbabasa na muna ako ng libro tungkol sa Greek Mythology diretcho ng review para sa English quiz namin mamaya. May umupo sa tabi ko pero Hindi ko ito pinansin dahil busy ako at alam ko naman na Hindi si Angela yun, pero nabigla ako ng kinausap ako ng katabi ko at pag angat ko ng tingin sakanya si Angela pala.

"Favorite mo ang Greek Mythology?" -tanong nya sakin  

Oo si Angela nga!!

"ah..eh o-oo"-Sh*t ba't ako nauutal  

"ako rin alam mo ba yung....blah blah blah"

Di ko na sya maintindihan, natulala nalang ako sa mukha nya, ang ganda nya talaga.

Hanggang sa matapos na syang magsalita huli ko nalang narinig

"sige, aalis na ako hah see you next time"

saka tumakbo na sya tumango nalang ako sakanya nung umalis sya pero may na pansin ako na naiwan nya isang notebook di na ako nag abalang habulin pa sya para isuli ito bukas nalang para may dahilan ako para lapitan sya umuwi na ako sa amin na ngiting ngiti panu ba naman na kausap ka ng taong mahal mo di ka pa ba matutuwa syempre oo, diba? Ka so natorpe na naman ako. Pagpasok ko sa kwarto ko dahil tapos nanaman akong mag hapunan eh naalala ko yung notebook ni Angela kaya kinuha ko sa Bag ko at tiningnan ko binuklat ko ang isang pahina at nakita ko ang naka lettering na :My Diary: at may pangalan nya Nika Angela Cortez sa sunod naman na page nakalagay ang una nya sigurong sinulat dito.

Dear Diary,

Alam mo masaya ako ngayon kasi nakita ko nanaman yung mahal ko nginitian nya ako pero syempre di ako nagpahalata kaya di ko nalang sya pinansin pero sa loob ko kilig na kilig na ako

Love, 

Angela

3rd page

Dear Diary,

napapansin ko lang palagi nya kung tiniingnan nakikita ko kasi palagi sa gilid ng mga mata ko pa simple ko syang tinitingnan may gusto kaya sya sakin kung liligawan nya naman ako pwedeng pwede kaso bawal pa dapat gra-graduate na akong 4th year di naman masamang mangarap kaya lubosin ko na hahaha.. 

Love, 

Angela

hanggang sa marami pa akong page na nabasa ang sakit naman nito may mahal na pala syang iba kaso eh di nakalagay ang pangalan magbabasa pa ako baka makita ko man lang

Dear Diary,

Magtatapos na ang 4th year di ko parin sya nakakausap nahihiya kasi ako sa kanya kasi di ko naman sya pinapansin yun ang pinapakita ko pero pag sa iba sya naka tingin sya naman tinitingnan ko hay kausapin na kaya kita mamaya Nathan Eldrich Reyes??? 

:Library:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon