TALUMPATI #1: PARA SA MGA BABAE

7.7K 16 2
                                    

            Nakasaad sa bibliya na ang babae ay nabuo sa pamamagitan ng tadyang ng lalaki. Sinasabi nila ang mga babae ay may katangian na mahihina, mga lampa at laging sunod-sunoran sa mga lalaki. Pero ano na ba ngayon ang katayuan ng mga babae sa ating lipunan? At sino ba sila sa buhay ng bawat tao?

           Ate, tita, nanay at lola ito ang mga gampanin na binibigyang buhay ng bawat babae. Pero bakit parin ang iba ay tingin nila sa atin mga kababaihan ay bilang tagapag-alaga, taga-pagturo, tagapag-asikaso at iba pa.

Pero hindi ba nila alam na kaya nating mga babae na gawin ang mga gawaing ginagawa ng mga lalaki katulad ng pagkakarpentero, pagiging magsasaka, tubero, director sa isang pinekula, pulis at arkitektor.

           Dito sa talumpating na ito, masasabi natin na hindi tayo mahihina, lampa o walang magagawa sa ating lipunan, dahil tayong magagawa kong tayo ay nagkakaisa lamang.

            Pero sa pabahon ngayon, ginagalang pa ba ang karapatan nating mga babae o sadyang hindi rerespeto, ina-alipusta/pang-aabuso at diskriminasyon ang nakukuha natin sa kararamihan. Kaya dito, may ginawang mga batas ang pangulo para matitigil itong mga gawain.

Ang batas na R.A no. 9262 o anti-vilolence act against women and their children, tumutugon ito sa pang-aabuso sa mga kababaihan at mga kabataan o ang kanilang mga anak. At ang R.A. no. 6725 ito naman ay para maiwasan ang diskriminsyon sa mga babae.

           Nalaman natin na hindi lamang mga kalalakihan ang mayroong mga batas para maalagaan o maprotektaha sila. Dahil dapat rin may batas para mapangalagaan ang mga babae. Para may pagkakapantay tayong lahat.

         Tunay ngang nagbago ang estado ng mga kababaihan sa ating lipunan. Subalit hindi pari ganap ang kanilang kalayaan para ipahiwatig ang kanilang gusting gawin. Dahil marami parin dumidikta at nagdidiskriminasyon sa kanila.

Tandaan din na ang lahat ng tao sa mundo ay pantay-pantay parin sa paningin ng Dyos na siyang lumikha sa ating lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TalumpatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon