First love dies | one shot

17 2 0
                                    

Everything dies.

E R I N

Ilang taon na rin ang nakakalipas, simula nung maka-alis ako sa lugar na iyon. Kung saan nangyari ang lahat, first friendship, first love, first argue, first kiss, first pain, first break up. Pero hanggang ngayon, eto pa rin patuloy sa pag-asa na sana, sana hindi pa huli ulit ang lahat.

"Erin, tara na?" Tanong ng kaibigan 'ko kaya lumingon ako, nginitian at tinanguan siya. Sana, eto na ulit ang umpisa, para sa lahat ng pagkakamali na gusto 'kong tuldukan.

Katabi 'ko ang PA 'ko sa Van na sinasakyan namin, sa loob ng Anim na taon marami nang nagbago. Pero mayroong isang bagay na hindi nagbago, simula pagkabata.

Sana sa pagdilat 'ko, ako na ulit. Sana sa pagdilat 'ko, hindi na ako umaasa sa taong alam 'kong wala ng pagasa pa.

Nagising ako, kasabay nang paghinto ng sasakyan.

"Erin, una na kami. Sumunod ka na lang" Tinanguan 'ko ang PA 'kong lumabas na para ayusin ang mga gamit na kakailanganin para mamaya.

Kinusot 'ko ang mata 'ko at naginat, sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Bago inayos ang gamit, inayos 'ko na rin ang sapatos 'ko bago lumabas.

Sa paglabas 'ko, kasabay nu'n ay ang pagbalik ng alaala na matagal ng nakatago. Ang sakit na matagal 'ko ng binabaliwala at tinatago, ay tila kumawala muli.

Eto ang lugar kung saan, nagsimula ang lahat. Kung hindi dahil sa saranggola niya ay hindi 'ko siya nakilala. Salamat sa kupido, at pinana mo kami, gamit ang saranggola.

Ang lugar kung saan, laging magkahawak ang mga kamay. Pinagsasalikop ang kamay, dahil baka bumitaw.

Mahal, maaari bang hawakan mo ulit ang mga kamay, at hindi 'ko na muli itong bibitawan pa.

Umihip ang hangin, kaya napalingon ako sa paligid at nagsisi akong lumingon pa.

Nakita 'ko siya.. Masaya.. Walang bahid ng lungkot.. Tila walang nangyari sa buhay niya na sobrang sakit, bakit ang daya? Sa kanya ang dali-dali lang, sa akin ang hirap.

Nakatitig lang ako sa kanila, ang lahat ng detalye ng mayroon kami, unti-unti 'kong nakikita sa utak 'ko kasabay nu'n ay ang paglingon niya sa direksyon 'ko.

Hindi 'ko inaasahan ang lahat. Pero inasa 'ko na mayroon ng iba, dahil matagal-tagal na rin nang huli naming pagkikita, noong una ako pa ang kasama niya, kayakap niya, katawanan niya, ako lahat. He's my First love and I'm his.

Nakatitig kami sa isa't-isa, pero mas minabuti 'kong umiwas na baka mahuli pa ng girlfriend niya. Lagot na, ayoko pa naman ng away.

Lumapit na ako sa PA 'ko at inasikaso naman nila ako, ni retouch ang make-up 'ko, pinagpalit na rin nila ako ng damit, pagkatapos nu'n ay pinapunta nila ako sa p-pwestuhan 'ko.

I tried to be happy, para sa magazine na ito. I tried to smile like I'm happy, for this summary story. I tried not to be distracted, I tried not to be cried. But I can't. I can't because he's here. Standing right in front of me, with his girl. They watching me.

Masakit pa rin pala, ang akala 'ko okay na kaya ako pumayag na dito ganapin ang shoot. Pero sana kaya 'ko pang bawiin. Bawiin kung ano talaga ang akin at kung ano ang pagkakamali 'ko baka sakaling magawan 'ko pa ng paraan.

"Erin, break muna! Paki retouch ulit make-up ni Erin! Pati yung buhok tapos new dress yung white!" Sigaw ng photographer. Umalis ako sa pwesto 'ko at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan, pinilit 'kong dumeretso ng tingin. Dahil alam 'kong masasaktan ako kapag lumingon pa ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First Love Dies [ o n e  s h o t ] Where stories live. Discover now