Jin Pov
Nandito ako ngayon sa labas ng school at naghuhugas ng kamay kakatapos lang kasi namin mag-jogging. Oh wait! Si Jimin ba yun? Shems siya nga, hala anong gagawin ko. Pretend na nga lang ako. Relax! Jin, Relax. Madaming tao dito kaya relax lang Jin
Yes! I have a big crush on Jimin Noah Park. Nakakaattract kasi ang ngiti niya eh sarap kurutin, gwapo, singkit, matangkad, may magandang papangatawan, at higit sa lahat ang cool niya kaya saan ka pa.
Papunta siya ngayon sa lugar ko at hindi pa ako natatapos maghugas ng kamay ang dumi kasi eh. Mukhang may pinaguusapan sila ng lalaking kasama niya hindi ko alam kung sino yun eh basta alam ko kaklase namin. Minabuti kong makinig sa kanila eh ang lakas lakas kasi nila magusap kaya nakinig na ako paki mo ba.
"Pre, ano ba gusto mo sa babae?" tanong nung hopia ba yun? Hopi? Hogi? Ay ewan basta yung kasama niyang lalaki.
"Gusto ko pre yung simple lang yung walang kaarte arte sa katawan gaya ni Dahyun" sagot naman ni Jimin sa tanong ni Hobi. ayun Hobi pala pangalan niya.
Sa narinig kong iyong ay di ko sinasadyang madiinan ang faucet kaya ayun natanggal siya at tumalsik sa akin ang tubig mula sa loob nito
"ANO BA YAN!!" sigaw ko na pabulong. Ang malas ko naman nabasa pa tuloy itong uniform ko.
Tinakpan ko ang butas para di tumalsik ang tubig sa akin at inayos ito ng walang kahirap-hirap. At tumakbo na palayo sa lugar na yun
Nakita ko naman na tinignan nila yung faucet. Mukhang nakaiwan pa ata ako ng marka dun. Aish! Ang tanga mo talaga Seojin, Kabanas! Mapapagalitan nanaman niyan ako kay nanay neto eh. Sana di ireport yun
*******
8 YEARS AFTER
Jin Pov
Andito ako ngayon sa kwarto. Wala akong magawa wala din naman akong trabaho, malinis naman ang bahay, at may grocery pa naman. Nakakainip lang. Wala kasi mga tao dito sa bahay. Nasa bakery si mama nakikipag-usap sa mga kumare at si papa naman ay nagba-bake sa bakery namin, yes we own a bakery shop ang pangalan ay Seojin's Wallnut Shop. At si Gerald Vincent nasa trabaho yun isa siyang doctor. Ako lang talaga ang walang ginagawa dito buti pa ang kapatid ko may trabaho na, eh ako naman nga-nga
Binuksan ko na lang ang cellphone ko na 3 years ko nang ginagamit. Tinitigan ko muna ang future boyfriend ko na si Jimin. Hay ang pogi niya talaga sa Police Uniform niya. At yung ngiti niya talaga ang cute lang.
Napapadyak tuloy ako sa kama ko. Ay wait lumindol nanaman ata. Kasalanan ko yun eh may Strength kasi ako na namana ko pa sa kaninu-nunuan kong lola ganito kasi yun.
Yung mga lola ko sa tuhod ay nabibiyayaan ng natatanging lakas. Andaming ngang libro eh, doon kasi nakalagay ang mga nangyari sa kanila habang hawak pa ang kapangyarihan na yun. Nandun nga yung kay mama eh kaso kakatuwa lang kasi dalawang sentence palang tapos na ang sa kanya. Kasi di mo na yun magagamit kapag nawala na ang lakas na yun sa iyo. Gaya na lang nung isa kong lola nawala ang lakas niya nung ginamit niya iyon para makakuha ng pera sa mga taong tinutulungan niya, kahit na mabuti ang gawain niya pero masama naman ang hangarin niya kaya nawala ang lakas niya. Pero maipapasa pa yun sa mga susunod na henerasyon ng babae sa pamilya namin.
Anyways, Im Greyce Seojin Kim nakatira sa Sejing, Sejin. May kambal ako kaso lalaki nga lang at matangkad pa yun sa akin kahit na matangkad naman ako, yung height ko nasa 5'3" oh diba ang laki ko na. 24 years old na ako. Pero bakit ganun mas malaki pa din sa akin si Jimin 5'11 height nun eh. Aish! Basta malaki ako.
Binuksan ko ang laptop kong kulay pink pagkatapos kong pagnasahan este pagmasadan ang picture ng mahal ko.
Naghanap ako ng trabaho sa google. Oo wala pa akong trabaho ewan ko ba kung bakit wala akong mahanap na maayos na trabaho. Pero may experience naman ako sa pagtatrabaho. Pumasok na ako bilang Call Center Agent at Sales Lady. Pero di rin ako nagtagal dun kasi may gusto akong pasukan na trabaho eh. Gusto ko kasing maging Game Developer, yung gagawa ka ng game. I want to be a famous Game Developer someday.
Kailan kaya ako makakapasok sa kumpanyang AinSoft. Yung AinSoft kasi ang pinakasikat na Game Developer Company sa buong Korea.
Nagpatuloy na lang ako maghanap ng mapapasukan na trabaho hanggang sa gumabi na.
Nakauwi na kaya si Suga, wag kayo babae yan ang real name niyan is Sofia Gayle Min, but mas gusto ko siyang tawaging Suga.
Nakita ko naman na may nakatalukbong sa kama ko at nang silipin ko yun ay si Suga nga na natutulog take note nakabuka pa ang bibig niya. Tsk, tulog mantika nanaman to, kahit kailan na lang
Tumabi na ako sa kanya at nagsimula ng magdasal bago matulog. Pinagdasal ko lang na sana makapagtrabaho ako sa AinSoft at maging asawa ko na talaga sa Jimin.
Pagkatapos kong magdasal ay unti-unti ko na ipinikit ang aking mata hanggang sa masakop na ako ng dilim.
~~~~~~~~
Chapter 1 done!Anong napapansin niyo so far? (away)
Vomments are really needed
YOU ARE READING
Poder De Amor
RomanceIsang babae na nasa lahi na ang pagiging malakas Isang lalaking nanganganib ang buhay Paano kaya kung ang kanilang mga landas ay magkita. Ito nga ba ay tadhana o sumpa sa kanilang dalawa? Tungyahayan natin lahat ng ito sa aking storya 30% Fantasy 20...