Perfect 1

69 3 0
                                    

Chapter 1
Mansyon

Zaikin 'Ikin' Aguirre is my boyfriend. Our relationship started a year ago. Nagkakilala kami sa kasal ng kaibigan naming pareho. We exchanged phone numbers, few dates and eventually fell in love with each others.

After a couple of months, we decided to live in a house together. Pareho kaming ulila sa mga magulang. Kaya nagpasya kaming magsama na lang. Wala naman kaming naririnig sa mga paligid namin. O kahit pagtataka sa common friends namin. Afterall, hindi lang naman kami ang gumawa ng bagay na ito. There are plenty couples that firsts on us.

At wala rin naman akong pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao. We're on the right age, I'm nineteen and he's twenty five. Nasa tamang edad na kami kaya alam na namin ang consequences ng aming ginagawa. Ang mahalaga ay masaya kami sa desisyon namin.

"Munchcake, kumain ka muna ng breakfast bago pumasok." sigaw ni Iking mula sa kusina.

Isa iyan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Maalaga at malambing siya sa akin. Paggising ko ay may nakahanda na akong pagkain. Siya talaga ang naghahanda ng pagkain kahit mas madami akong oras kesa sa kanya. Siya ang madalas maglinis ng bahay, maglaba at mamalantsa. Hindi niya ako hinahayaan na gumawa ng gawaing bahay. Kung ituring niya ako ay para akong prinsesa. Katwiran niya ay ayaw niya na nahihirapan ako. At pinakaayaw daw niya ay ang may maisusumbat ako sa kanya.

Bakit ko naman siya susumbatan? Lahat kaya ng ginagawa niya ay gusto ko at alam kong pinaghihirapan niya. Kaya lang ayoko naman ng binibeybi niya ako.

"Nagmumukha akong walang silbi dito sa bahay dahil sa ginagawa mo. Hindi ako prinsesa." bulyaw ko sa kanya.

Ngumiti siya at niyakap ako mula sa aking likuran. "Prinsesa naman talaga kita," masayang sabi niya.

"Hindi ako natutuwa." nakalabing sabi ko.

"Hindi ka natutuwa? Bakit? Hayaan mo..." he paused. Naramdaman ko na nilibot niya ang kanyang paningin sa maliit na bahay na inuupahan namin. Na kaunting hakbang mo lang ay kusina na at katabi na ang pinto ng banyo. Mabuti na nga lang at may sariling pinto ang kwarto. "...kapag nakaluwag-luwag ako. Magkakaroon na tayo ng sarili nateng mansyon."

"Tapos?"

"Ikukuha kita ng maid, pada hindi ka na mapapagod sa mga gawaing bahay." ipinihit niya ako paharap sa kanya. At kinuha niya ang mga kamay ko. "Hindi na gagaspang ang mga palad mo. Kasi magiging reyna ka na ng malaki at totoong kastilyo."

Yumakap ako sa kanya. Gustong-gusto ko kapag ganito kami. At dinadama ang kanyang maskuladong katawan. Palibhasa batak sa trabaho kaya naman kahit na hindi siya mag-gym ay maganda pa rin ang kanyang tindig. "Ayos lang naman sa'ken ang simpleng buhay. Basta ba ikaw ang kasama ko."

Umiling siya at pumatak ang isang halik sa aking labi. "Hindi... Mas bagay talaga sa'yo ang nasa mansyon."

"Malabong mangyari yan, cupcake." sabi ko.

Munchcake and cupcakes are our endearmeant. Siya ang nakaisip niyan. Naiinis nga ako kasi ang corny-corny. Pati na 'yung theme song niya daw para sa amin-Love Me Like You Do. Kinikilabutan ako.

Humiwalay ako sa kanya at naghanda para sa pagpasok. Pati ang pampaligo ko ay siya rin ang naghahanda. Lagi siyang nagpapakulo ng tubig para hindi daw ako lamigin. Kulang na nga lang ay siya ang huminga para sa akin.

Minsan ay may pagkachildish siya at mas madalas na matured pa akong mag-isip. Masyado niya akong sinanay na laging nakadepende sa kanya. Siguro kapag nawala siya ay hindi ko makakayang gumalaw ng wala siya. Mabilis kong binura sa isip ko ang bagay na iyon. Hindi mangyayri na magkahiwalay kaming dalawa. Sapat na ang mahal namin ang isa't-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect Love HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon