Goodbye?

6K 81 2
                                    

Justin Lance Mariano's POV

"May type O ba sa inyo? We need it now kung hindi magkaka anemia si Ms. Lopez" Malayo palang narinig ko ang sinabi ng doktor.

"Type A ako" Sabi naman nuong pinsan ni Jai na si Shey ata?

"Type B kami ni Lucas. Paano na?" Sabi nuong Aidan ba yun?

"Ako nalang..."Ako.

"Sino ka?!"Shey.

"I'm Justin Lance Mariano, Jai's half brother.."

"Kapatid mo siya?!"Segunda ni Lucas.

"Paano nangyari iyon?"Tanong naman nuong Shey.

"Tara sumunod kayo at ikukuwento ko..." Yaya ko dahil habang nagpapakuha ako ng dugo para kay Jai ikukwento ko paano ko siya naging half sister si Jai.

Well nalaman ko lang noong ...

*Flashback*

*Sa resort nuong nagkiss si Lucas at Alisa*

"Shey wag kang umiyak" Niyapos ko si Shey. T*ngin*ng lalaking iyon. Girlfriend niya pala si Jai sasktan niya? Pakiramdam ko gusto ko suntukin yung Lucas na yun.

Mahalaga sa akin si Jai hindi ko alam kung bakit basta gusto ko lang siya protektahan.

"Sinaktan niya ako Justin eh*sob*" Napatingin ako sa mga mata niyang may luha. Nasasaktan ako pag umiiyak siya.

"Akin ka nalang..Jai hindi kita sasaktan" May gusto na ata ako sa kanya?

"Kaya mo ba akong pasayahin?" Nagulat ako ng hawakan niya magkabilang pisngi ko.

"Jaim---" O.o Hinalikan niya ako. Sa sobrang gulat ko hindi ako nakapalag. Naramdaman ko nalang na may dumapo sa mukha ko.

*booogssh*

Nasuntok ako ni Lucas...Bago ako makaganti eh nahimatay si Jai at ganun din si Lucas. Itinayo ko si Jai. Nakita ko naman inlalayan nuong babae si Lucas. Hinayaan ko nalang at umiinit dugo ko na niloko niya lang si Jai.

Dinala ko si Jai sa kwarto nila ni Lucas dahil nasa kanya namab ang susi at saka mukhang di dito matutulog si Lucas.

Inalagaan ko si Jai nung gabing iyon hanggang sa nakatulog ako at maaga ding nagising. Umupo muna ako sa edge ng kama at pinagmasdan si Jai bago tumingin ng diretso sa pader.

"Okay ka na Jai?" Napatingin ako sa kay Jai na nagising din.

"Ayos lang.. teka.. Nasaan ako?" Tanong nya at iniupo ang sarili.

"Sa room mo. Mabuti at nahanap ko yun susi sa bulsa mo..." Sabi ko at ngumiti. Nakita ko napasimangot siya siguro may naalala siya kagabi.

"Hmm Jai okay ka na ba talaga?" Tanong ko pa at parang may iba kay Jai.

"Oo nga tsaka naalala ko sinuntok ka ni Lucas? Ayos ka lang?" Nagulat ako ng hawakan niya mukha ko.

Tinanggal naman agad iyon dahil naawkard ako. Bigla naman may nagtext sinilip ko cellphone ko ng hindi napapansin ni Jai... Si papa nagtext. Importante daw ang paguusapan uwi na daw ako.

"Alis muna ako Jai. Sige. Bye" Nagmadali akong umalis dahil iba ang kutob ko.

-Sandoval's Family mansion.

Bahay ito ni dad. Hindi ko sila kasama dito kasi I live seperately dahil nga half son lang ako. Ako na din nagpoprovide sa sarili ko.

Pinagbuksan na ako ng katulong ng pinto.

"Justin.. We found her.." Salubong ni papa ng makapasok ako.

"Who?"

"Your half sister.. " Nakangiting sabi ni papa.

"Sino siya pa?!" Hindi ko alam bakit na excite ako.

"Jaimie Lopez.." Pagkarinig ko ng pangalan ni Jai parang nagiba pakiramdam ko.

*end of flashback*

Tapos na akong kuhanan ng dugo pagkatapos ng kwento at sinasalinan na ngayon si Jai.

Naguluhan ako sa naramdaman ko pero akala ko pagibig na pero hindi pala pag ibig lang ito bilang kapatid.

"Hindi ko alam... pasensya na.." sabi ni Lucas.

"Papatawarin kita Lucas pero, sa tingin ko si Jai? Malabong mapatawad ka nya pagkatpos ba ng nangyari?" Mariin kong sinabi.

"Hindi ko yun ginusto Justin! Alam mo yun!"

"I know pero si Jai hindi na madaling maniniwala.. since.. Sinira mo tiwala niya"

----

Lucas'POV

"I know pero si Jai hindi na madaling maniniwala.. since.. Sinira mo tiwala niya"Justin. Umalis ito bigla dahil may tumawag.

Hindi ko alam ang gagawin. Nasaktan kami. Nawalan kami ng anak...

"Ahh Lucas uuwi na kami..Importante lang.." Paalam ni Shey na parang na aakward sa nangyari.

"Sige" Maiksi kong sagot at saka umalis sila ni Red.

Bumalik naman si Justin kasabay ang paglabas ng doktor sa operating room kung saan doon sinalinan si Jai ng dugo.

"Maayos na ang kalagayan ni Ms. Lopez. Pwede na siyang umalis dito pagkatapos ng one week."Ngumiti ang doktor. Medyo sumaya naman ako at maayos na si Jai.

"Salamat doc!"Justin. Umalis nadin ang doktor.

"Lucas..." Biglang tawag ni Justin na parang nabagabag ang mukha.

"Hmm?"

"Kaya mo ba kapag nawala si Jai?" Kinabahan ako sa sinabi niya. Ani ibig sabihin ni Justin?!

"Ano s-sinasabi mo?" Medyo nautal ako. Hindi ko kayang mawala si Jai sa akin. Kapag nangyari iyon baka mabaliw ako.

"Paano kapag sinabi kong pupunta siya sa US pagkalabas ng ospital?"

"Ano?! Hindi pwede! Hindi niya ako iiwan Justin!" Sinunggaban ko ng hawak ang kwelyo ng damit niya.

"Bitiw Lucas...Kanyang desisyon iyon. Pagkalabas niya dito. Itatanong ko kung gusto niya pumunta ng US at tumira doon for good. Gusto ko mahimasmasan siya sa karanasang ito." Mahabang sabi ni Justin pero hindi padin ako makaka payag na umalis si Jai. Mahal ko si Jai ayokong mawala siya.

"Wala siyang kasama doon!" Pagtututol ko pa ng maramdaman ko may mainit na tumulo sa pisngi ko.

Luha.

Napabitiw ako kay Justin at umupo ulit sa upuan sabay takip ng kamay sa mukha.

Fvck. Kalalaki kong tao umiiyak ako? Ganun talaga pala kung mahal mo ang taong iyon..

"Si Aidan...kasama niya."Justin.

Aidan?! Siya pa? Gaguhan lang talag kami ng pinsan kong iyon.

"Ano gagawin mo?" Tinapik ni Justin balikat ko.

"Ipaparamdam ko sa kanya na ayaw ko siyang mawala..."

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Vote

Comment

May 2, 2014

Fvck Me book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon