Minsan pumasok sa aking isipan saan ba talaga galing ang sakit na ito
Ang sakit sa ulo kung iisipin
Bakit walang nakakaalam kahit ang gobyerno ay parang hindi kumikilos, walang ginagawa, nasaan na kaya sila? Lahat sila. Maraming nagugutom sa dati kong camp na tinitigilan ko, yung iba mercy killing na sa hospital dahil konting galos na mula sa infected, ay maari na siyang maghasik at magmultiply sa loob ng isang oras sa buong camp ng walang kahirap hirap. Isa ako sa mga voluntaryo na umalis sa camp dahil overpopulated na. Nakakapagtaka. Overpopulated? Ganon? Ipapaubaya ko nalang sa mga maliliit na bata ang space ng camp. Hindi ganoon kadali mag volunteer syempre iniisip ko rin ang aking kapakanan. Survival na ito wala ng matitira kundi ang matibay sa lahat matitiba.
Akala ko sa movie lang ito nangyayari, parang kelan lang nanunuod kami ng bestfriend ko ng sci-fi old movie tapos, enjoy pa. Ngayon hindi pala masaya dahil parang tumutulay ka sa alambre na kababagsakan mo ang isang kumukulong tubig.
Unang-una mo isaalang alang iligtas mo lahat ng minamahal mo. Baka magsisi ka sa huli tulad ko. I-save mo lahat ng mga mahal mo a buhay, hindi tulad ko namatay pa sa harapan ko.
Pangalawa, matutong mag-distinguish kung sino ang tunay na patay at buhay. Ayan lesson learned, muntik na ako maging isa sa kanila noong hinawakan ko si mommy. Kung hindi lang pinigilan ni Daddy malamang zombie family na kami. At si daddy? Nakokonsensya ako kasi hindi ko alam kung nakaligtas si daddy, naging makasarili akong tao.
Pangatlo, tumakbo ka hanggat kaya mo. Takbo hangga’t may lupang tinatakbuhan. Malayo layo ang lalakbayin, walang masasakyan, maliban nalang kung may Makita kang abandunadong sasakyan, grab that opportunity, as long as walang zombie na nasa sasakyan, kung hindi yari ka matutulad ka saakin muntik nanaman akong lapain ng pesteng halimaw na iyan.
At pang-apat hanapin mo ang kampo ng inyong lugar, well sa sitwasyon ko na nag volunteer na umalis sa camp hanap hanap din pag may time, eh wala na ngang time puro halimaw nasa labas.
Eh pano kung matulad ka saakin? Na patuloy na naghahanap ng matutuluyan wala, nga-nga.
Sa panahong ito matindi na ang nangyayari dapat alam mo ang ginagawa mo, wag na basta basta magtiwala dahil nga minsan kapwa tao nag papatayan para lamang para mabuhay. Naranasan ko pa na maloko ng isang matanda, naghahanap ng masasakyan, yun pala armado si Lola. Ayan kasi medyo tange kasi ako madaling maawa, pero kaya ako ganito hindi naman ako tinuruan ng magulang ko na maging masama at magdamot sa kapwa pero eto na yun eh, medyo nakakainis.
Pero sa aking pag lalakbay may nakita akong bata.
Takot na takot sa loob ng kinakalawang na tangke kitang kita ko sya sa butas iyak ng iyak, hindi ko sana tutulungan, kaso halos ilang metro lang layo nya sa mga gutom na halimaw,dali dali kong inilapit ang sasakyan ko sa tangke, biglang tumahan ang bata.
“Ateee! Tulong! Iniwanan ako ng mga kasamahan ko.” Awang awa ako sa batang iyon, dali dali kong inabot ang kamay ng bata at ipinasok sa sasakyan.
“Bilisan mo akin na kamay mo bilis.” Ang sabi ko sa kanya. At mayroon syang tanong saakin na hindi ko alam ang tamang isasagot.
“Ate anong nangyayari?” sabay tanong ng batang tumahan sa kanyang pag-iyak.
“ Bata kahit ako hindi ko alam ang nangyayari, nasaan ang mga kasamahan mo? Ang aking tanong naman sa kawawang bata.
“Ate iniwan ako ng mga sumagip saakin dahil hindi na daw po kasya iniwanan po ako nila dahil daw po wala na po mga magulang ko wala na daw po akong kailangang hintayin pa.” Ang sabi ng bata.
“Wala talagang mga kuwenta” ang aking bulong.
“Ang alin po ate? Ang tanong ng bata.
“Ah wala iyon kumain ka nalang dyan may nakuha akong pagkain sa abandonadong store pag daan ko sa bayan kanina, marami yan may tinapay at soda dyan.” Alam ko naman na hindi pa sya kumakain kaya pinakain ko na.
“Ate sa tingin mo bakit ganoon mga tao ngayon ang papanget at ang babaho?” ang usisa ng bata.
“Naku hindi ko rin alam, ang alam ko lamang ay isa silang patay na nabuhay ulit.” Ang sagot ko, kasi naman kung i-eexplain ko napaka complicated.
“Nasaan ang mga magulang mo?” ang tanong ko.
“Hindi ko po alam nakikitira lang din po ako sa Auntie ko.” Ang sagot ng bata.
“ Ah nasaaan sila?” ang aking usisa sa bata.
“Yung Auntie ko po hindi ko po alam kung nasaan sila basta po nagtakbuhan po sila, tapos po hindi ko na po alam kung nasaan sila, ako naman po takbo din ng takbo tapos may nakita po akong mga panget na tao, tumakbo ako tapos umakyat ako sa puno tapos, ayun nagsawa po yata iniwanan ako. Hihihihihihi!” ang kuwento ng bata.
“Anong panglan mo?” ang aking tanong.
“Ako nga po pala si Clover Ramos seven years old nakatira sa centro ng ciudad” ang sagot ng bata.
“Ako nga pala si Tristana Esperanza.” Ang sagot ko.
“Kaano ano mo po si Dr. Esperanza? Bestfriend sya ni tito nakikita ko po sya minsan sa bahay kasama yung magandang babae na mahaba ang buhok. Ang dagdag ng bata.
“Ah! Sya ang Daddy ko at Mommy ko” ang sagot ko sa bata.
“Kaya po pala pamilyar ang mukha mo saakin” dagdag ng bata.
Napangiti nalang ako habang maneho ang sasakyan, napaka daldal naman nyang bata parang matured na magisip sa edad ng pitong taon. Maraming alam ang batang ito.
“Ate saan tayo pupunta?” ang usyoso ng bata.
“Hahanap tayo ng Camp na matutuluyan kung wala naman hahanap ako ng lugar na walang mga patay na tao na naglalakad” ang sagot ko sa kanya.
Hindi ko alam tulog na ang kausap ko, malamang sobrang pagod na itong batang ito. Hindi ko namalayan na nasa gitnang ciudad na kami. Ilang oras ko din nilakbay ito. Pero hindi ko matandaan ang palabas ciudad ngayon palang ako nakarating dito at hanggang kuwento lamang ang aking daddy ang hitsura ng palabas ng ciudad.
Wala na ang ibang Camp, abandonado na ang iba, ang iba nag alisan na sa lugar dahil hindi na kaya ng facilities. Malakas ang mga zombie sa gitna ng ciudad kumpara dito, ang swerte ng batang ito dahil nakatakas pa sa mga patay na ito. Ang nakakapagtaka bakit hindi kaya gibain ng zombie ang puno na kinaakyatan ni Clover.
Maraming tanong saakin ang bumabalot sa panahong ito. Sana may Makita na kaming matutuyan kahit isang sulok na mapaparadahan manlang namin na safe at hindi kami makikita ng mga zombie na ito.
Hindi ko alam ang susunod na mangyayari. Bahala nalang kung anong mangyari basta, I tried to live and survive sa apocalypse na ito.
BINABASA MO ANG
Tristana the Zombie Slayer
AdventureAnong Gagawin mo? Sa pag-uumpisa ng Zombie Apocalypse? Tutunganga? Iiyak? o Tatakbo? Sundan si Tristana sa kanyang paglalakbay sa makabagong mundo. Mahahanap niya kaya ang lunas sa kumakalat na epidemya na kung saan na buhay ang mga patay (Zombie...