Chapter Two

1.3K 29 1
                                    

**************

• Mahilig magChess

• Mahilig magBadminton

• Mahilig magVolleyball

•  Mahilig magGguitara

• Mahilig siya sa Chocolate Cake

• Favorite Juice niya is Ice Tea Apple

• Mahilig din siya sa Cookies

Okay. 7 yung pareho kami. Kaso ang problema lang eh..--

"Best ano? Okay na ba?" Tanong ni Eya, uwaaaaa~

"May problema best eh.."

"Ano?!" = _______ = Pwede kayang di siya sumigaw?

"Eh kasi anong gagawin ko kapag nagawa ko na yung step one?" Tanong ko sakanya.

"Gaga ka talaga. Hahaha, syempre gagawin mo. At dapat habang ginagawa mo yan make sure na nandun din siya. Di ka magpapaimpress parang ipapakita mo lang na pareho kayo ganon chuchu~ Tapos diyan sa 7 na nasa listahan mo pumili ka lang ng isa." 

Tumingin ulit ako sa papel na hawak ko. Nandito silang 7, ano namang pipiliin ko?

╥ ﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏╥

"Classmates! Wala daw tayong pasok ngayon. Kasi magkakaclub daw kasi wala daw tayong club next week. Kaya ayun, bahala na daw tayo kung saan gusto basta magpalista na lang daw sabi ni Ma'am." 

Eh? Bakit mawawalan next week? Kaya pala pinagP.E kami ngayon, bakit kasi di pa nila sinabi kahapon di ba? Haha.

"Best, anong sasalihan mo?" Tanong ni Eya.

"Ewan ko. Ikaw ba?"

"Pumili ka dyan sa listahan mo. Ano ka ba, baka magTaekwondo ako e."

"Dun na lang din ako!"

"NO. Pumili ka dyan ano ka ba?" Pagpupumilit niya at umalis na. Ano naman kaya ang pipiliin ko dito? Help nyo ko~

• Mahilig magChess

• Mahilig magBadminton

• Mahilig magVolleyball

"Meanie Meanie Mainie Mo! Chatcha Chatcha Pineapple!" 

>﹏﹏﹏﹏﹏﹏<

O__________-

-___________O

Teka saan ba to? Tumingin ako sa board kung saan tinapatan ng kamay ko kanina ang magiging club ko. Sana naman tumama to. Bawal na kasing magback out sa club, bawal lumipat.

"Room A-2"

3rd floor pa talaga? Nakakatamad naman umakyat eh. Dami kong reklamo eh aakyat na lang din naman ako. Haha

Habang nasa Hall way ako may narinig akong 2 babae naguusap..

"Girl, si Oliver basketball daw yung club na sasalihan?" Girl 1

"Oo ata, narinig ko kasi kanina." Girl 2

"Eh? Saan?" Girl 1

"Nung papunta ako sa Canteen, ang daming tao sa Gym tapos puro babae." Girl 2

"Oh?! Eh di tara na lang magCheer Leading club?" Girl 1

"Sige tara na, baka di na pwedeng magpalista eh!" Girl 2

Ibig sabihin..nagkamali ako ng pili kanina? Sino nga ba naman makakasigurado na magiging tama yon. Bahala na, dito na lang din naman ako. Nasa 2nd flr na ako alangan namang bumaba pa ako para lang dun. Tsaka Cheer Leading? No way. Ayoko. Nu-uh, hahaha.

"Pare! Ano, chess club tayo?" Boy 1

"Oo naman! tara na, unahan tayo!" Boy 2

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing~

"Hello?"

"Best! Ano na?"

"Anong ano na?" O_e

"Wala! Nasan ka?"

"Malapit na sa Room A-2"

"Sige. Bbye!"

Ayun lang yung sasabihin niya? Hahahahaha.

Malapit na ako. Dito na lang din naman ang punta ko. Kaso walang maganda view!!

"Hi! Welcome to the Chess Club!"

Tama nabasa nyo. Sa Chess Club ako sasali. Dito na ako, dito na. At walang maganda view dito. Wala pero masaya dito, tahimik.

Umupo na ako dun sa may gitna. 

"Hi :)"

"Hello." 

"I'm Jude. And this is Chel, Mae, Sarah and Ranz." 

"I'm Kezia. Nice to meet you"

May mga talagang pinapala talaga sa mundo to no? Ang gaganda at cucute nila. Kabatch ko tong mga to eh pero ngayon ko lang sila nakilala at nalaman ang mga pangalan nila. 

Nagstart na ang Club. Meeting lang naman at nagpakilala isa isa. Tapos binigyan kami ng isang index card. Name and section daw ilagay. Tapos next meeting magkakaI.D kami. 

"Sorry. I'm late.."

"It's okay. Umupo ka na."

O__________o

^___________^

^///////////////////////^

Hehehe~ Akala ko ba basketball club siya? Bakit nandito si Oliver?! * o*

"Kezia. paabot naman kay Oliver tong index card."

Amfufu, nangangatal ako. Uwaaaaaaaaa~

"O-Oliver, index card..mo"

"Thankyou. :)"

Mahihimatay na ako. Mahihimatay na ako. Ngumiti ba talaga siya sakin? Nakausap ko ba talaga siya? O baka naman nananaginip lang ako? Uwaaaaaaaaaaaaa~

"Choose your partner now.."

At sa pagddaydream ko. Di ko namalayan, wala pa pala akong kapartner. Paano ako niyan..?

"Ugh, may kapartner ka pa?"

Tanong ni.."pare, wala pa siyang kapartner. Ikaw na lang."

"Sige, tara na!"

Kapartner ko si Olver!! *////////////////////////*

"Black or white?"

"Ikaw.." * 3*

"Ano?"

Teka, anong sabi ko?!?! "Ang sabi ko, a-ano ikaw m-muna hehe-hehe."

"Hahaha, black sakin."

Natutulala ako kapag tumitingil siya at tumititig sa Chess Board. Parang.. so close but yet so far. Cconcentrate muna ako sa laro. Ayokong matalo no. Mahal ko ang Chess, pero kasi nasa harapan mo yung gusto mo. Di ako mapakali, alam nyo yun?

Bahala na, basta concentrate muna ako dito.

5 mins..

6mins..

7mins..

8mins..

9mins..

10mins..

...

...

...

..

..

..

.

.

.

.

.

"CHECKMATE!" 

10 ways - About Crush ♥ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon