"Sky Flakes," napapangiwi sa sakit na sagot ni Sky sa nurse na nagpi-fill up ng information sheet niya habang ginagamot ng doctor ang sugat sa kanang galanggalangan niya.
Alas-siyete ng umaga at nasa loob siya ng ER ng ospital. It was nothing new. Mula pa nang matuto siyang gumapang ay normal na talaga ang maya't mayang pagbisita niya sa ER ng ospital. Not because she was an abused child or anything. It was simply because she was born this way. Accident-prone. Clumsy. Inept, graceless, gawky, uncoordinated. Name it, she got it.
Bago pa man siya maglimang taong gulang ay matalik na kaibigan na niya ang mga doktor at nurses sa ospital na malapit sa bahay nila noon sa Cebu. Her father probably paid for an entire wing of that hospital. Sa dalas ba naman kasi ng pagbisita niya roon dahil sa mga aksidenteng kinasasangkutan niya, magtataka na siya kung hindi.
Anim na taong gulang na si Sky nang magtayo ang kanyang ama dito sa Metro Manila ng branches ng Buico-Flakes Pawnshop. Matagal nang kilala ang pawnshop at money transfer business ng pamilya nila sa Cebu. Pero sa kadahilanang hindi pa rin niya alam hanggang ngayon ay biglang nagpasya ang kanyang ama noon na ilipat sa Manila ang main office ng kompanya nila.
Hindi lang ang Buico-Flakes Pawnshop na minana pa ng ama niya mula sa lolo nito sa side ng ina nito ang inilipat nito sa Metro Manila. Pati ang import business na ito mismo ang nagtayo ay inilipat rin nito ang base ng operasyon sa Manila. Ibinenta nito ang ancestral house ng mga Buico sa Cebu at nagpatayo ng bahay sa Alabang na siyang tinitirahan nito at ng ina niya hanggang ngayon.
Tulad ng inaasahan, within weeks matapos nilang makalipat noon sa Alabang ay first name basis na agad si Sky at ang mga doktor at nurses sa ER ng ospital na malapit sa bagong bahay nila. Nang umalis naman na siya sa tahanan ng mga magulang niya at lumipat sa townhouse na tinitirahan niya ngayon, ganoon rin ang nangyari. Ang pinakamalapit na ospital sa subdivision niya ang unang-unang nakabisa niyang puntahan. At bukod sa first name basis na sila ng mga doktor at nurses sa ospital ay nakikipagpalitan na rin siya ng Christmas gifts sa mga ito tuwing Pasko.
Pero ngayon, dahil hindi iyon ang ospital na madalas puntahan ni Sky sa tuwing nadidisgrasya siya, hindi siya kilala ng mga doktor at nurses na naroon. Pasaway kasi ang kasambahay niyang si Wanda. Sa sobrang katarantahan siguro nito nang makita ang ayaw maampat na pagdurugo ng kanang braso niya, nilampasan nila ang pinakamalapit na ospital sa subdivision nila at dito pa siya dinala.
Kung hindi nga lang expired na ang lisensya niya at nag-aalala siyang baka ipa-deport na siya sa outer space ng gobyerno ng Pilipinas at ng mga Filipino'ng mamamayan sakaling makadisgrasya na naman siya sa daan, malamang siya na mismo ang nagmaneho ng kotse niya papunta sa ospital. Daig pa kasi ni Wanda ang nagmamaneho ng karo ng patay kanina.
"Sky Flakes?" kunto-noong tanong ng nurse ka Sky. "Nagugutom kayo, ma'am?"
"Hindi, nurse. Iyon ang pangalan ko. Sky Flakes. Unique, di ba?" napangiting tugon ni Sky.
At tulad ng inaasahan bumakas sa mga mukha ng doktor at nurse
ang kabiglaan dahil sa pangalan niya.
"Sky Flakes ang pangalan mo?" panabay pang untag ng dalawa.
Proud na tumango naman siya.
Yes, her name was Sky Flakes. First name Sky, last name Flakes. And no, it's not a pen name, an alias or a screen name. Mas lalong hindi rin niya kahawig ang hitsura ng kilalang crackers with the same name. Iyon talaga ang pangalang nakalagay sa birth certificate niya. Sky Mejica Flakes. Salamat sa pagkakaroon ng apelyidong Flakes ng kanyang Filipino-American na amang si Donald Flakes. At salamat din sa pagpapangalan sa kanya ng Sky ng kanyang Filipina'ng ina na si Christinamarie Mejica-Flakes.
BINABASA MO ANG
Barely Heiresses- Sky
RomanceNang matuklasan ni Sky na lolo niya ang bilyonaryong si Don Alfonso Banal ay labis-labis ang naging tuwa niya. Nang matuklasan naman niyang may pito pa siyang mga kapatid sa ama ay nag-uumapaw ang kaligayahan niya. Subalit nang matuklasan niya ang p...