"Kailangan ba natin siyang dalhin sa manggagamot sa kabilang isla Romy?" aniya ng kanyang lola Marta sa kalalabas lang ng kwarto na lolo Romy ni Adelline. Nasa Pitumput-anim na taong gulang na ang kanyang lolo Romy. Puti na ang lahat ng buhok nito. Pero may kalakasan pa din ang pangangatawan. Dala na din marahil sa nasanay na ang katawan nito sa dagat at init ng araw sa pangingisda na siyang ikinabubuhay nito nung kabataan niya.
" Hindi na siguro,at magigising na siya mayat-maya lang," ang sagot nito sa kanyang abwela na makikita na sa mukha ang madaming linya sa noo na dala na din ng katandaan, ang pag-aalala sa lalakeng napadpad sa kanilang munting isla. Mangilan-ngilan lang dati ang nakatira sa isla Antike,kung saan siya lumaki at nagkaisip. Pero ngayon,madami ng nakatira dto.
Nakadungaw siya sa bintana at nakikinig lang sa usapan ng kanyang lolo at lola ng marinig niya na tinawag siya ng lolo Romy nito. " Adelline, mabuti pa siguro ipainit mo na ang sabaw ng isda para paggising niya ay saktong makahigop siya ng sabaw para bumuti ang pakiramdam niya." Anito sa kanya na ang tinutukoy ay ang lalakeng naisalba niya sa dagat. "Sige po," ang tipid niyang sagot sa abwelo nito.
Madami ngayon ang iniisip niya tungkol sa lalake. Kung saang lugar ito nanggaling, kung saan ito nakatira, ano ang nagyari at bakit nalunod ito at napadpad sa isla nila. Ng sa di kalayuan mula sa kanilang kusina, nakita niya sa nakabukas na kwarto na nagmulat ng mata ang lalake at biglang bumangon sa pagkakahiga. Dali-dali siyang tumakbo at pumasok sa kwarto.
" Aray," sapo nito ang noo. " Saan ako naroroon, bakit ako nandito,anong nangyari, sino ka? Ang sunod-sunod na tanong nito sa kanya. "Huwag ka munang masyadong gumalaw baka dumugo yang sugat mo sa noo." Aniya niya sa estrangherong lalake. Saka nito hinawakan ang noo. Noon lang nito napansin ang gasa na nakapalibot sa ulo papuntang noo . "Saglit lang, may kukunin lang ako sa kusina. Huwag ka munang tumayo,baka makasama sayo." Pagkasabi niya sa lalake,bigla siyang tumungo sa kusina,at ipinagsandok niya ang lalake ng sabaw. Iniisip niya na makakabuti nga sa lalake na malamnan ang tiyan nito para kahit papano bumuti ang lagay nito, at matanong na niya dito kung saan ito nakatira at baka nag-aalala na ang pamilya nito sa kanya.
Pagbalik niya,nakita niya ang lalake na nakatitig sa kisame. Saglit niyang napagmasdan ang mukha nito. Mas gwapo pala ito sa malapitan, maamo ang pares ng mga mata nito na parang nangungusap. Matangos ang ilong na binagayan ng manipis at mamula-mulang mga labi. " Anong nangyari at bakit ako nandito?" tanong ng lalake sa kanya na ikinatigil niya sa pagsusuri sa mukha nito. Agad niyang naramdaman na uminit ang pisngi niya dahil sa pagkapahiya sa sarili. Gaano ba katagal na pinagmasdan niya ang mukha ng lalakeng ito? "Ang sabi ko, bakit ako nandito?" ulit ng estrangherong lalake sa kanya. "Ah eh kasi nakita kita sa may tabing dagat,walang malay at may sugat. Binigyan kita ng paunang lunas hanggang sa magkamalay ka. Mabuti nga nandoon si lolo sa di kalayuan at inaayos ang kanyang bangka kasama ang ibang mga kalalakihan at doon humingi ako ng tulong na mabuhat ka at maiuwi dito sa bahay dahil nawalan ka uli ng malay." Ang mahaba at mabilis na sagot niya sa lalake dahil nahihiya siya sa pagkahuli sa kanya kanina na niya ang mukha nito. Hindi na tuloy siya makatingin ng diretso sa mukha nito.
BINABASA MO ANG
Island Girl
RomanceSaglit na napagmasdan ni Adelline ang lalake na kanyang iniligtas sa dagat . Matipuno ang pangangatawan at bagamat nakapikit,mapapansin na maganda ang mga pares ng mga mata nito. Pero kita sa mukha ang hirap na pinagdaanan sa trahedyang sinapit nito...