Alamat ng Tanga

9.5K 211 58
                                    

Noong unang panahon, may isang babaeng nakatira sa "Bayan ng Maria Ngapaasa" o "Ma. Ngapaasa" kung tawagin. Ang ngalan ng dalaga ay Thanga, na hinango naman sa ngalan ng kanyang ina na si Donya Thaira at ama niyang si Don Ngario.

Napakaganda niya. Kabighabighani rin ang angkin niyang ugali na nagsusungit man ngunit, ginagawa lamang niya ito para maiwasan ang mga kailangang iwasan hangga't maaga pa. Dahil dito, marami ang nabibighani sa kanya at nagnanais ng kanyang pagmamahal. Sa makatuwid, marami ang nanliligaw sa kanya. Kilala din siya sa buong Bayan ng Ma. Ngapaasa dahil malapit siya sa puso ng mga tao dito.

Ni-isa sa kanyang mga manliligaw ay wala siyang napupusuan. Kahit pa ang pinakamasugid niyang manliligaw na si Ferrer. Siya ay hinahangad din ng napakaraming babae ngunit, si Thanga lang talaga ang talagang bumihag sa kanyang puso.

Nang nag-aral si Thanga ng Medisina, medyo nagkalayo sila ni Felisidad (ang kanyang matalik na kaibigan) dahil iba ang kinuha nitong kurso.

Samantala, may nakilala naman siyang isang lalaki, naging matalik niyang kaibigan ito at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay minahal niya ito ng sobra-sobra . Ang ngalan nito ay Francisco. Siya ang anak ng Tagapangasiwa ng Bayan ng Ma. Ngapaasa.

Simula ng makilala ni Thanga si Francisco, nagsulat na siya sa isang Diary. Upang kapag bumisita ulit siya kay Felisidad ay maipabasa niya ito sa kanya. Lagi niya itong dala kahit saan, upang wala siyang niisang detalyeng makaligtaang isulat. Samakatuwid, doon niya isinusulat ang lahat ng tungkol sa kanilang pag-iibigan.

Ngunit sa kasamaang palad, isang araw ay may sinabi itong lihim kay Thanga. Akala ni Thanga ay magtatapat na ito ng pag-ibig sa kanya ngunit ang lihim pala nito ay may lihim siyang sinisinta, at iyon ay ang kaibigan ni Thanga na si Felesidad.

Sobrang nasaktan si Thanga sa mga nalaman niya kaya iniwasan niya si Francisco.

Kahit na nasasaktan na siya ng sobra sobra (dahil sa tuwing kukulitin siya ni Francisco ay si Felisidad, si Felisidad at kung gaano niya kamahal si Felisidad ang laging bukambibig nito, kaya mas pinipili na lang talaga niyang umiwas), minamahal parin niya si Francisco.

Ilang buwan na niyang iniiwasan si Francisco nang mapagpasyahan niyang bisitahin si Felisidad upang sabihin na dito ang tungkol kay Francisco. Napag-isip isip niya kasi na baka kapag nalaman ito ni Felisidad ay hindi niya sagutin si Francisco kung sakasakaling magkalakas ito ng loob na manligaw dito.

Malayo-layo pa siya nang maaninag niya ang lalaking tila kamukha ni Francisco na nasa tapat ng bahay nina Felisidad habang si Felisidad naman ay nakatayo sa kanilang balkonahe kasama ang kanyang kapatid at mga magulang.

Lumapit pa si Thanga at dali-daling nagkubli sa isang halaman, sumilip siya ng bahagya.

"Dahil mahal na mahal, kita... ", ang napakagandang boses ni Francisco. Hinaharana niya pala si Felisidad kanina.

Dali-daling bumaba si Felisidad para puntahan si Francisco habang, si Thanga naman ay gulat na gulat sa ginawa ni Felisidad.

Ngayon, nakaluhod na si Francisco sa harap ni Felisidad. Samantalang si Felisidad naman ay nakatayo at nakangiti habang umiiyak. Napapalibutan sila ng mga romantikong palamuti at mga lalaking tila katulong ni Francisco sa panghaharana.

Lubos na nasasaktan si Thanga, habang pinapanood niya sina Francisco at Felisidad. Si Felisidad na kanyang matalik na kaibigan, at si Francisco na kanyang sinisinta... sinisinta niya ngunit, matalik na kaibigan lang din ang turing sa kanya. Kitang-kita sa kanilang mga mata na mahal nila ang isa't-isa.

"Hindi ko na ito patataglin pa Francisco. Sa ilang buwang pagsuyo mo sa akin ay pinatunayan mo talagang mahal mo ko. Hindi ka sumuko kahit na noong una ay itinataboy kita. Haha.", panimula ni Felisidad.

Alamat ng TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon