Chapter 11: Oo

65 3 0
                                    


Pagkagising ko sa umaga napansin ko agad yung soot ko. Oo nga pala hindi ako nakapag palit dahil sa sobrang pagod ko, nakatulog na agad ako. Kaya bumangon na ako. Inayos ko muna yung higaan ko. Pagtapos nun dumiretso na ako sa banyo.

Nang matapos ako sa banyo ay nagbihis na ako. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko at charaaann tapos na HAHHAHAH onting suklay suklay nalang.

Bumaba na ako at nakita ko lang si kuya Jake. Nakakapanibago rin kase madalas silang tatlo ang nakikita kong naka topless pag gising ko sa umaga eh. Pero ngayon si kuya Jake lang.

"Good morning kuya" masayang bati ko

"Good morning din baby girl." Bati niya din saakin ng naka ngiti

"Kuya asan pala sila kuya Toffer pati si kuya Andrei?" Tanong ko habang umuupo sa silya ng lamesa namin.

"Ahh. Si Andrei, nag basketball kasama ata sila Red. Tapos si kuya Toffer naman nag gym, balak ka nga niyang isama kaso nga lang tulog ka pa. Ayaw na niya daw istorbohin yung tulog mo kayaaaa hindi ka na niya isinama" aniya

"Bayan hindi ako sinama hmmp"

"Suss wag ka na magtampo. Gusto mo ako nalang. Samahan kita kung gusto mo." Malambing niyang sabi

"Aww sige kuya pag naisipan ko mag gym HAHAH" tatayo na sana ako para kunin ko yung gatas ko sa ref nang bigla nalang humirit si kuya.

"Ako na." Aniya

"Thank you kuya!" Sabi ko

"Welcome!" sagot niya I kissed him on his cheek tsaka nagpaalam na aakyat na uli sa kwarto. Nagonline ako sa facebook messenger. Uhm wala lang.

Wala lang ba talaga?

Oo na! Hanggang ngayon nasa isip ko parin yung sinabi saakin ni Marco.

Liana, crush ka daw ni Red

Ughhhh ayan nanamannnnn:(( so ayon online si Red. Ok inhale exhale beh. Kalma.

Me:
Red totoo?
Siya:
Ang alin?
Ako:
Yung sinabi ni Marco.
Siya:
Ahh oo 😅 sorry torpe kase ako masyado:(
Ako:
Luh? Ok lang no.
Siya:
Liana, gusto talaga kita. Matagal na to. Torpe lang talaga ako kaya hindi ko agad sinabe. Tsaka natatakot din ako baka hindi mo ako gusto eh:(

OMGGGGGGGGGGGGG!! No! Magpakipot ka muna—

Ako:
Matagal na din kitang gusto Red eh. Mga 3 taon na mahigit. Ughh di ko alam sasabihin kooo:(
Siya:
Hmmm.

Active 4 mins ago

Luh? Iniwan ako? NAKAKAHIYA BAKIT HINDI MANLANG AKO NAGPAKIPOT?! DAPAT HINDI MUNA AKO UMAMIN HUHU—

*knock knock*

"Pasok."

"Liana, nanjan si Red sa baba" ani kuya Jake

"Ahh si Red sige— ANO?! SI RED NASA BABA? BAKIT DAW KUYA?" Shock kong tanong.

"Hanap ka eh. Wait tatawagan ko lang si kuya Toffer pati si Andrei" aniya

Bakit ba siya nandito?

Kuya Jake's POV

nanonood ako ng TV dito sa sala namin nang may biglang kumatok sa pintuan. Baka si Andrei na to or kaya si kuya Toffer.

Pero hindi...

"Uy Red!" Bati ko sakanya. Teka may dala siyang pink roses na favorite ni Liana at isang maliit na paper bag.

Teka teka teka...

Manliligaw ba to sa baby namin?

"Uyy hi kuya Jake! Nanjan ba si Liana?" Tanong niya

"Uhh nasa taas siya. Bakit? Pasok ka uy! Wag ka mahiya! Pasensya na medyo magulo" nakakahiya shet. Pumasok na siya sa loob at umupo sa sofa

"Oh ano meron bat may dala kang ganyan?" Curious kong tanong sakanya. Ang lakas talaga ng feeling kong liligawan niya si Liana eh:( dalaga na talaga yung prinsesa namin hays:(

"Ahm ano kase kuya eh..." napa kamot siya ng batok para bang nahihiya siya. Inunahan ko na kase mukang alam ko na kung bakit.

"Liligawan mo si Liana no?" Sabi ko sakanya.

"Ahhh. Ehh oo kuya eh ok lang ba sayo?" Nahihiya parin talaga siya.

"Oo naman ok lang hahaha! Sa kapatid ko ewan ko kung ok lang" sabi ko sakanya.

Red's POV

"Oo naman ok lang hahaha! Sa kapatid ko ewan ko kung ok lang" sabi saakin ni Kuya Jake.

Kinakabahan talaga ako. Kase syempre kaibigan ko mga kuya niya. Tapos only girl lang siya. Hayyy. Sana malagpasan ko to. Sana okay lang kay Lianna. Tekaaaaa nga! Hindi dapat ako ganto! Dapat positive lang! Tsaka, dapat hindi ganto mindset ko. I want to court Lianna because I love her. And I want her to see the efforts that I would do to her. Kase dapat talaga hindi natin tinatanong ang isang babae kung pwede ba tayong manligaw. Dapat manliligaw tayo. Sa ayaw at sa gusto ng nililigawan natin. Dahil para makita niya kung gaano tayo ka effort para sagutin nila tayo! Dapat ganon!

"oh Red. Ano pinunta mo dito?" Si Lianna. Ewan ko ba pero parang ayaw niya ako dito :((

Pinanghihinaan tuloy ako :(

No. Red, kaya mo yan!

"Uhm Lianna. For you" inabot ko sakanya yung bouquet ng flower na dala ko.

"Thank you Red!" Aniya

"Kuya Jake?" Tumingin ako sakanya.

"Oo sige. Basta hindi mo sasaktan baby girl namin okay?" sabi ni kuya Jake

"Thank you!" Sabi ko

"Lianna. Liligawan kita. Sa ayaw at sa gusto mo, manliligaw ako."

Natulala siya. She can't speak. Ang cute niya hahahaha. Well next is sa parents niya naman ako manliligaw. I will call her mom and dad na nasa ibang bansa.

"Huy Lianna!" The next thing I knew tumakbo na siya pa pasok sa kwarto niya. Hayyy

Rejected ba ako?

:(

"Okay lang yan. Baka hindi pa siya handa dyan sa sinabe mo."

"Siguro nga po kuya."

"Pero.... oo yata ang sagot don"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Im secretly falling inlove with the playboy Where stories live. Discover now